CHAPTER 12

58 1 0
                                    

Max's POV

Nasa palengke ako ngayon para magbenta ng gulay. Wala si Bright ngayon nasa school sya. Wala ring nanggugulo sakin ngayon wala si Mr. Grey and Mr. Bry. Maayos na ang pakikitungo naming tatlo pero nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko sila. Ang kaisa-isang pamilya ko at ang lalaking minahal ko at mahal ko pa rin hanggang ngayon.

Mahal ko pa rin sya pero natatakot akong bigyan sya ng chance. Ayus na saking ginagampanan nya ang pagiging ama kay Bright.

"Pabili nga nito ija." Napatayo ako at binentahan ang matanda.

"Ilan po?" Tanong ko habang kumukuha ng plastic.

"Lahat na yan ija." Inilagay ko naman lahat sa isang plastic ang mga benta kong sitaw.

"Mukhang madami kang papakainin ngayon lola." Inabot ko ang binili nya.

"Dumating kase ang mga apo ko at paborito nila ang adobong sitaw kaya ipagluluto ko sila... Ija pwedeng matignan ang palad mo?" Tumango ako kaya kinuha nya ang kamay ko at tinignan ang palad ko. Manghuhula siguro sya.

"Ija, madami kang pinagdaanan. Nasaktan ka. Ang nanakit sayo ay sya ring gagamot sayo. Magiging masaya ka, ija kaya sundin mo ang puso mo." Hindi ko alam pero habang sinasabi nya ang mga iyan ay bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.

Hindi ko pa kase kaya. Kung sana pwedeng limutin ang mga ginawa nila saming mag-ina ay matagal na akong naghilum pero hindi ganun kadali. Siguro kapag ayos na ako ay nandyan pa sya.

"Salamat po." Pasasalamat ko bago umalis ang matanda.

Nagligpit na ako dahil uuwi na ako. Ubos na din paninda ko eh. Hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi ng matanda. Ayokong madaliin ang paghilum ko baka isang mali lang nila ay biglang bumalik.

Naglakad ako palabas ng palengke tsaka pumara ng tricycle. Ako lang sa bahay ngayon dahil kumakain si Bright sa school nila.

"Para po kuya!" Sigaw ko para tumigil ang tricycle. "Thank you po." Binigay ko na bayad ko kay kuyang driver.

"Tulungan na kita, babe." Napatingin ako sa nagsalita. Bry.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Gusto kitang makita. Bakit late ka na umuwi? Kumain ka na ba?" Umiling lang ako sa tanong nya. 2pm na at ngayon pa lang ako maglalunch.

"Umuwi ka na." Saad ko tsaka pumasok sa bahay.

"Dito lang ako. Ano bang gagawin mo ngayon?" Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.

Tumahimik naman sya at pinanood na lang ako nang hindi ko sya pansinin. Naiilang ako pero bahala sya dyan.

"Hindi mo ba ko papansinin?" Nagpatuloy lang ako.

"Fine!" Padabog syang lumabas ng bahay kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero medyo nasasaktan ako.

Siguro sumusuko na sya ngayon. Wala naman akong magagawa kung sumuko sya hindi ko din naman sya masisisi kase matigas na talaga ang ulo ko.

Pinagpatuloy ko ang pagluluto ko para sa tanghalian ko. Hindi naman sa nagmamatigas ako. Nasaktan lang kaya ganito.

"Max ineng!" Biglang pumasok ng bahay ang kapitbahay naming matanda na pinagiigiban namin ng tubig.

"Bakit po?" Tanong ko dahil medyo nagpapanic sya "Ija yung lalaking lagi dito sa bahay nyo nabangga sa labas!" Parang naestatwa ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang sinabi nya.

"Lo pa-pano?" Nauutal kong tanong.

"Mamaya na ako magkwento ija puntahan na muna natin sya." Sagot nya kaya tumakbo kami palabas at nadatnan kong nagkukumpulan ang mga tao.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon