CHAPTER 15

90 2 0
                                    

Max's POV

"Daddy!" Para akong nawalan ng lakas naang biglang sumampa sa hospital bed ang batang lumaki sa puder ni Bry.

Nakita ko ang anak kong umalis sa tabi ng ama nang bigla na lang kumandong ang bata sa ama nya. Hindi ito maganda.

*Pak*

"Wala ka talagang dinulot sakanyang maganda. Sana hindi na lang kami naghiwalay. Dahil din sayo kaya kami naghiwalay alam mo ba iyon? Tapos ngayon madadatnan ko sya dito?!" Nakatitig lang ako sa babaeng sumampal sakin.

"Bakit mo sinampal mama ko?! Umalis ka dito!" Tinutulak tulak ni Bright ang babae pero nagulat ako nang itulak din sya at sumama ang ulo nya sa gilid ng kama kaya napatakbo ako.

"Bright? You okay anak?" Nagulat ako nang tumayo sya at humarap sa batang nasa kandungan pa rin ng ama nya.

Si Bry naman ay nakatingin samin. Hindi ko alam kung sino ang kinakampihan nya. Lumapit sakanila si Bright at hinila ang bata paalis sa kama.

"She's my dad and you don't have the right to sit or even touch him, bitch! *Pak*" natulala ako nang sampalin ng babae ang anak ko.

"Bright masama yan okay?" Napatingin kami kay Bright.

So ang sinabi pang masama ng anak ang napansin nya hindi ang pagsampal sa anak namin? Haha nice Bry you just hurt our daughter again.

"Trix anong ginagawa nyo dito?" Pumagitna si kuya mukhang natauhan na sya mula sa pagkagulat.

Hinila nya ang babae at hindi ko alam kung saan nya dinala. Wala kase si tita kaya hindi ko alam kung kanino ako magpapatulong. Lumabas din kase sya agad pagkahatid nya ng pagkain. Kailangan daw Sila sa kompanya.

"Daddy kinakampihan mo ba sila?" Bright

"No baby, bad lang ang ginawa mo." Bumaba na sa kama ang anak nya.

"And you hindi ka anak ni dad!" Sigaw nya sa bata

"I'm Kate Trixie Lee at anak ako ni daddy. Ikaw ang hindi nya anak!" Matapang din sya pero sakin tumama ang sinabi ng bata. Hindi pa napalitan ng Lee ang last name ni Bright.

"Haha hindi mo pala ako anak dad. Hindi kita kapareho ng last name... Mama tara na uwi na tayo." Yumakap sakin ang anak ko. Nakatulala naman si Bry sa sinabi ng anak.

"Bry... Kinampihan mo sila ulit. You just did a big mistake. Hindi mo man lang kami pinagtanggol ng anak mo. Mas napansin mo pa ang mali nya." Tumalikod na ako kasama ang anak ko.

"No, babe. I'm sorry okay. Don't leave." Hindi ko sya pinakinggan at kinuha na ang bag ko at ang ipad ni Bright tsaka lumabas. Hindi nya makakasunod samin dahil naka-iv pa rin sya.

Iniwan namin sila dun. Hindi ko alam kung ano na nangyari sakanila at kay kuya. Wala na akong pake gusto ko na lang lumayo dito.

"Anak wala na. Tama na iyak." Pagpapatahan ko kay Bright dahil iyak pa rin ito ng iyak.

"Oh ija, saan kayo pupunta? Wait apo are you crying?" Umiling lang ako.

"Tita aalis na po kami---" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang tumakbo si Bright para yumakap sa lola nya.

"Mommyla I'm not a Lee. I don't have lee in my name. So we're leaving kase dumating na yung mas may karapatan kesa samin ni mama." Iyak nya

"Apo, Isa kang Lee. Ikaw ang tunay na Lee. Max ija ano ba nangyari?" Ngumiti lang ako sakanya. Bahala na.

"Max! Mom don't make them leave." Napalingon kami sa lalaking hirap maglakad. Sa tagal nyang nakahiga ay iyan ang isang epekto.

Napaiyak ako habang tinitignan sya. He can walk now.

"Babe please don't leave." Napayuko ako habang umiiyak. Hanggang sa nakalapit sya sakin.

"Kinampihan mo ulit sila---"

"Wala akong kinakampihan, babe." Umiling ako.

"Mas napansin mo ang mali ng anak mo kesa sa pananakit nya sakanya." Hindi ko mapigilang humagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"I'm sorry please." Niyakap nya ako.

"Let my mama go!" Nagulat kami nang pumagitna si Bright samin.

"Anak." Tawag sakanya ni Bry

"You always make us cry. Go back to your family. Go back to the little girl you love more than me. You gave your last name and didn't even have the guts to change it or kahit binawi mo man lang ang Lee sa pangalan nya. Now mas may karapatan sila kesa samin, dad." Hinila ako ni Bright paalis at mukhang natulala na ang daddy nya kahit si tita ay wala nang nagawa.

Umuwi kami sa bahay ni kuya. Nagkulong si Bright sa loob ng kwarto nya. Mukhang nasaktan talaga ng husto ang anak ko. Naririnig ko ang iyak nya hanggang dito. Napakasakit dinggin ang pag-iyak nya. Kung pwedeng ako lang ang masaktan eh.

Bry sinaktan mo ulit ang anak natin at hindi ko na alam kung paano mo maibabalik ang pakikitungo nya sayo dati. Mukhang nawalan na sya ng tiwala sa lahat. Sa naririnig kong sinasabi nyaa habang umiiyak masasabi kong wala na syang tiwala sa mga lalaki. Gaya ko.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon