CHAPTER 2

86 2 0
                                    

CHAPTER 2

Max's POV

After 4 years
Here I am nagraround sa VIP wards para icheck ang mga pasyente ko. Doctor na ako pero sa dati pa rin ako nakatira. Lumipat lang ako ng lugar pero wala namang pinagbago. Sa apartment pa rin naman. Mas nakakatipid kasi ako sa apartment lang kesa sa condo eh. Nagpapatayo na rin naman ako ng bahay. Isang 2 story building lang ang pinapagawa ko yung kasya kaming dalawa lang ng anak ko.

Babae pala ang anak ko and she's 4 years old na. Pinasok ko na sya sa school dahil yun naman ang gusto nya. Mapilit eh.

Sinusuportahan ko pa rin naman ang lalaking nanloko sakin. Successful na ang career nya kasama ang anim na lalaki. Masaya ako dahil natupad na nya ang mga pangarap nya. Mukhang masaya din naman sya. At wala pang nababalita na girlfriend nya bawal daw kase.

"Hello po, ma'am. Ayos na po ba ang pakiramdam nyo? May nararamdaman po ba kayong masakit?" Tanong ko sa VIP patient namin. Kakaopera lang namin sakanya kahapon.

"Wala namang masakit, doc. Salamat nga pala kung hindi dahil sayo ay baka maiwan ko na ang anak ko ng maaga." Ngiting ngiti sya habang sinasabi sakin yan. Singer daw kase ang anak nya at nasa ibang bansa ito ngayon para sa concert.

"Mabuti naman po kung ganun. Walang anoman po. Basta sundin nyo lang po ang mga sinabi ng nurse kanina para hindi na po kayo bumalik dito." Paalala ko. Ganyan talaga sinasabi namin wag na sila bumalik dito sa hospital. Alanganamang sabihin namin "come again po" para na rin naming sinabi na magkasakit sila ulit diba?

"Oh sige po ma'am magpagaling po kayo. Aalis na po muna ako dahil tapos na po ang duty ko ma'am susunduin ko pa po ang anak ko." Paalam ko mukhang nagulat naman sya sa sinabi ko.
"May anak ka na ija?" Tumango lang ako sa tanong nya. Hindi ko naman kase kinakahiya ang anak ko. Matalino kaya yun.
"Pagaling po kayo, ma'am." Sabi ko bago lumabas ng room.
Agad akong umalis ng hospital para sunduin ang anak ko. Sa umaga ang shift ko para yung anak ko mabantayan ko sa gabi. 6am to 6pm ang shift ko at ang klase naman ng anak ko ay 6am to 12nn ngayon lang nag extend ang teacher nila hanggang 6pm dahil may ginawang mini program sa classroom ang teacher nila. Patapos na kase ang school year at magkakaroon ng recognition sa school pero gusto daw ng teacher nila na bigyan din ng award ang mga bata.
My baby might be 4 years old lang pero matalino na yan. Hindi ko alam kung saan nagmana ang anak ko pero I'm proud to say na matalino din naman ako pero mas matalino ang anak ko. Aba eh mga binabasa nun ay ang mga libro ko nung nasa med school pa lang ako. Tinanong ko nga kung anong gusto nya paglaki ay maging doctor din daw. Pero doctor sa puso daw ang gusto naku po ang anak ko! Ako kase ay neurosurgeon daw kaya kung may doctor sa ulo dapat daw may doctor sa puso. San ba pinagpupulot ng batang iyon mga sinasabi nya?
Nasa parking na ako ng school nila. Nagtungo agad ako sa room nila pagkababa ko. Medyo maaga ako dahil nagpaalam ako na hanggang 5pm lang ako ngayon.
"Bright Painne Moon, best in math, English, science, with highest honor."saktong sakto at pagdating ko ay anak ko na ang tinatawag.
Bright Painne Moon ang name ng anak ko. She's 4 years old pero grade 6 na yan sa sobrang mature at talino nilagay na nila sa mataas na baitang. Gusto ko pa nga sana na sa kinder pa lang kaso itong baby ko naman gustong gusto madaming ate daw. Kung alam mo lang maaga ka maistress anak.
"Mommy? Why are you so early you should be at work pa lang dba?" Lumapit sya sa akin at madaming tanong. Papagalitan na naman ba nya ako?
"Baby wala nang gagawin si mommy sa hospital eh kaya nagpaalam na ako. Let's get your award na. Nangangalay na si teacher." Sagot ko pero agad kong iniba ang usapan para wala nang madaming discussion.
"Oh I forgot!" Natawa na lang kami sa reaction nya.
"Picture kayo tita. Ang cute ng bunso namin oh mas madami pa award samin." Sabi ng isang batang lalaki habang nakahawak sa phone nya. I told you grade 6 na ang baby ko and puro ate and kuya mga kaklase nya.
"Kuya charlie are you done taking pictures na?" Nakakatawa talaga anak ko masyadong straight forward hahaha
Pagkatapos ng lahat sa school ay umuwi na kami dahil may concert kaming pupuntahan bukas. Saturday na bukas and papanoorin naming magperform ang grupo na kinabibilangan ng ama nya. Pero hindi nya alam na isa sa grupong iyon ang daddy nya. Kahit sa ganitong paraan ay makilala nya ang ama nya.
"Mommy we'll be early tomorrow para maaga tayo sa MOA. I'm so excited!!" D halata baby hahaha
"Okay sleep na dun. May aasikasuhin lang ako." Utos ko at mabilis naman syang sumunod.
She kissed my cheeks bago sya nagtungo sa higaan. Nilagay ko ang mga pictures ni Bright sa isang album. Nandito lahat mula baby sya hanggang ngayon.
Pagkatapos kong ayusin ang album ng anak ko ay nagtungo naman ako sa ilalim ng kama namin dahil nandito ang box kung saan andun lahat ng iniwan ni kuya sakin bago sya umalis ng ampunan noon. Isang necklace at mga pictures namin ang nandito sa box na ito.
Kamusta na kaya sya? Nakalimutan nya na ba talaga na may kapatid syang naghihintay sakanya?
Bigla na namang tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan dahil baka magising si Bright. Hayaan na nga kung kinalimutan na nya ako wala na akong magagawa. Makatulog na nga lang din maaga pa kami bukas may duty ako isasama ko anak ko sa hospital.
Someone's POV
"Nahanap nyo na ba sya?" Tanong ko sa mga tauhan ko.
"Oo boss nasa hospital sya ngayon. Isa sa mga hospital mo boss." Sagot nya habang nilalapag ang mga pictures. Nakasuot ito ng simple floral dress na nakatalikod. Is this really my baby sister?
"Sure kang sya ito?" Tumango sya." Bago ang concert namin bukas pupunta tayo dito.
"Yes boss." Tinitigan ko ang mga pictures. May napansin akong babaeng doctor at medyo hawig nya ang baby sis ko pero hindi sya ang tinuro ng tauhan ko. Dalawa kase sila sa picture.
Kinabukasan
Nasa may hallway na kami ng hospital at ito na nakita ko na ang kapatid ko sa wakas kasama ko na sya.
"Kuya alam mo ba may kinaiinisan akong babae dito sa hospital. Yung isang doctor na gustong gusto ng mga vip. Naeetsapwera tuloy ako dito. Pwede mo ba sya patalsikin dito?" Napatingin ako sakanya. Hindi pwedeng may umaapi sa kapatid ko.
"Sino ang babaeng yun?" Tanong ko pero---
"Ako na magsasabi sakanya kuya na tanggal na sya pwede?" Tanong nya pero hindi yun pwede kailangan ako mismo magsabi.
"Hindi pwede kailangan makita ko sya." Matigas ang pagkakasabi ko kaya tumahimik sya.
*Bogsh*
"Oh my ghad tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Dinudumihan mo damit ng kuya ko may concert pa yan mamaya." Sigaw ng kapatid ko dito sa...sya yung babaeng nahagip ng camera kasama kapatid ko.
"Pasensya na po. Nagmamadali lang ako dahil may operation akong gagawin." Sabi nya tsaka sya napatingin sakin. "Kuya?" Biglang bigkas nya
"Anong kuya? Kuya ko sya ako si Ray. Dun ka nga!" Sabay tabig sa babae. Parang naestatwa pa nga sya nang itulak sya nito.
Ano ba itong nararamdaman ko? Parang gusto ko syang yakapin na ewan. Nakatitig lang sya sakin pero naputol yun dahil hinila na ako ni Ray.
Hindi ko na lang yun pinansin at sumunod na lang kay ray pero may napansin ako, wala syang birthmark sa wrist.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon