CHAPTER 3

87 1 0
                                    

Bry's POV

Buti naman nagka-POV na din ako. Kanina ko pa hinihintay eh. By the way nasa Pilipinas na kami ngayon ng dalawang kagrupo ko, nauna na ang isa pa naming kagrupo dito. Busy yun sa mga business nya eh. Maliban kase sa pagiging isa sa amin ay sya din ang top 1 richest all over the world.

I'm Bry Lee ang ikli ng pangalan ko ano? Ganyan talaga. Half Korean and half pinoy, si mama ang pilipino. Wala pa akong girlfriend dahil bawal sa company iyon. Pero may fiance na ako arranged lang yun hindi pa pwedeng iannounce.

Siguro nagagalit kayo sakin dahil niloko ko ang ex ko. Niloko ko naman talaga sya hindi ko itatanggi yun pero pinagsisihan kong pinakawalan ko sya. Hindi ko alam kung ano nangyayare sakin pero namimiss ko sya palagi. Wala naman akong magagawa dahil engaged na din naman ako hindi ko nga lang mahal yun.

"Bro punta muna tayo sa park. Gusto ko magpahangin." That's David Lim half Chinese. Ang vocalist ng grupo.

"Gusto ko yan gala muna tayo tutal hating gabi na rin naman wala nang tao dun." He's Zin Chen half Chinese din. Sya naman ang rapper.

Tumango lang ako sakanila at pumikit na. Masyadong nakakapagod bumyahe kaya matutulog na muna ako. May concert pa kami bukas.

KINABUKASAN

Nasa MOA na kami ngayon para sa practice ng kunti bago magsimula ang concert mamaya.

"Daddy! How are you na?" Ito ang isang dahilan kung bakit ko hiniwalayan si Max. May lumapit saaking buntis noon at sinabing ako ang ama ng dinadala nya. Ayokong lumaking walang ama ang bata kaya kahit hindi ako sigurado kung anak ko nga ay pinanindigan ko na. Ang mommy nya ang sinasabi kong fiance ko.

"Fine. Just play there busy pa kami." Utos ko dahil masyado itong makulit.

Kasama ko sila dito sa concert ngayon. Dun lang sila sa backstage and mamaya balak naming ipakilala ang anak ko. Sya ang pwede kong ipakilala pero hindi ko pwedeng sabihin na may fiance ako.

Max's POV

Nakatingin lang ako sa kuya ko habang papalayo sila. Alam kong si kuya yun dahil sa tattoo nya na nilagay nila grandpa. Meron din ako sa bewang. May birthmark din ako sa wrist ko pero natatakpan ng wrist watch ko.

"Kinalimutan mo na ba ako?" Tanong ko kahit alam kong hindi naman nya naririnig.

"Mommy! Earth 'to!" Napatingin ako sa anak kong nangangalabit. Nag absent sya sa klase, pinayagan naman sya ng teacher nya. Papasok pa rin kase dapat sila kahit walang magklaklase.

"Pasok na tayo sa loob anak. Kailangan na natin maghanda para sa concert." Sabi ko tsaka sya hinila papasok sa office ko slash clinic.

Habang nagbibihis ako ay tanong ng tanong si Bright. Pero sa huling tanong nya ako napatigil.

"Mom, where's daddy? Madami na syang utang sakin hindi pa ba sya uuwi?" Ang alam nya ay nagtratrabaho sa malayo ang ama nya pero ang totoo ay nasa malapit lang. Papanoorin nga namin eh.

"Baby gusto mo ba sya makita ngayon?" Lumuhod pa ako sa harapan nya. Matalino naman sya siguradong maiintindihan na nya.

"Anak makikita mo sya mamaya sa concert." Sabi ko tsaka sya binuhat dahil aalis na kami.

"Talaga mommy? Dapat maganda ako pag nagkita kami." Hinawakan pa nya ang hair nya na nakaayos madaming ipit.

"Maganda ka naman anak matalino pa. Swerte nga si mommy sayo eh." Sabi ko habang hinahaplos ang likod nya.

Makikilala mo sya pero hindi ka nya makikilala. Masakit makitang umaasa ang anak ko pero kailangan nyang malaman ito ayoko nang magtago.
Ilang oras pa ay magsisimula na ang concert nasa pinakadulo kami ng stadium. Ayokong makita nya kami kaya dito na lang.

"Good afternoon everyone. You can sing with us if you want." Boses ng Isang lalaki na kilalang Kilala ko. Ang ama ng anak ko.

"Baby hear that? Boses iyon ng daddy mo." Bulong ko sakanya habang buhat ko sya dito dahil nakatayo lahat ng tao at hindi nya makita ang stage.

"Talaga mommy? Pero si Mr. Bry Lee po yata iyon." Takang tanong nya pero ngumiti lang ako."sya ang daddy mo." Malungkot kong sabi dahil alam ko at kita ko sa mata nya  na masaya sya pero ang saya nyang iyan ay kapalit ang pagkawasak ng puso nya kapag nalaman nyang nagloko ang daddy nya.

"Mommy ang galing po nila mag sing." sabi ng anak ko habang nakatingin sa malaking screen.Nasa pinakamataas kaming parte ng stadium. Sa pinakadulo ko ginustong pumwesto dahil dito hindi niya ako, kami makikita. Nasaktan ako dahil sakanya, naghirap ako dahil sakaniya, naging miserable ang buhay ko dahil sakaniya. Pero hinding hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko dahil para rin iyon sakanya. Sana masaya siya, mukhang masaya naman siya. Lalo na ngayon balita ko ikakasal na rin.

Hindi alam ng publiko ang tungkol duon pero nakita ko sa post ng isang babae na engaged na sila. Napaka insensitive pa ng babae at talagang nakatago saakin ang post nya.

Tinitignan ko lang ang anak ko habang masayang pinapanood ang daddy nya nang biglang tumigil ang kanta at may bulong bulungan sa paligid.

"Sino ang batang iyon?"

"Bakit sya nandyan sa stage?"

Ang daming bulungan kaya napatingin ako sa screen nakatutok kay Bry ang camera at buhat na nya ang isang batang babae. Napatingin tuloy ako sa anak ko.
"Everyone gusto ko lang sana sabihin na sana pagkatapos ng sasabihin ko ay suportahan nyo pa rin kami... Ito nga pala ang nag iisang anak ko." Bry
This is bad. Napatingin ako sa anak kong nakatulala sa screen. Bry sinasaktan mo ang anak mo. Tumigil ka na please.
"I'm happy na dumating sya sa buhay ko. Baby say hi." Kaedad lang ng anak ko ang batang buhat nya.
Hindi ko na napansin ang nangyayare sa paligid dahil biglang umiyak si Bright at yumakap na sakin. Dalawa na kaming sinaktan mo at niloko Bry huli na ito.
"Uwi na tayo mommy ayoko na dito." Iyak nya habang nakatayo ang mukha nya sa balikat ko. Kaya dali dali na akong lumabas habang buhat ang anak ko.
"Anak don't worry okay andito si mommy." Comfort ko sakanya nagulat na lang ako nang tumigil sya sa pag-iyak at nagpababa.
"Oo nga ano mom andito ka na hindi ko na kailangan ng daddy. Masaya na sya sa iba baka makasira pa ako ng pamilya kapag nagpakita ako." Ngumingiti sya pero halata sa mata nya Ang lungkot.
"Sorry baby. Nasasaktan ka tuloy." Pinutol nya ang sinabi ko. "No mommy okay lang ako. Magaaral na lang ako para maging doctor. No more concerts from now on. Help me sa pagsusunog lahat ng pictures nila sa room ko mommy ha. I don't need him." Ramdam ko ang sakit kahit hindi nya sabihin.
Sinundan ko sya ng tingin. Papunta na sya sa bus station hindi naman kase kami nagkotse ngayon dahil alam kong walang parkingan sa dami ng tao.
Hindi ko na maiwasang maluha dahil sa nangyari ngayon.

Hiding the Idol's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon