VICTIM III
Napamulat ako at sandaling natulala. Naiyak ako ulit nang maalala ang nangyari kanina. Napahikbi ako at tumulo bigla ang luha sa mga mata nang maramdaman ang kirot ng braso ko.
Iginalaw ko ang katawan ko at natigilan nang maramdaman na nakaposas ang dalawa kong kamay. Napaluha ulit ako at dahan dahang napabangon habang umaagos ang luha
Tiningnan ko ang buong paligid. Nandito parin ako kung saan ako nilagay ng kriminal na kumuha sakin. Nakaramdam na ko ng sobrang takot dahil nandito parin ang mga nakita kong ulo, putol na paa, at ang lalaking nahiwa ang katawan gamit ang chainsaw.
Mas nakaramdam ako ng takot dahil wala akong kasama dito. Napaiyak ako. Nasan na ba siya? Did he leave me? Ano ba talagang plano niya sakin?
Bumukas ang pintuan na ipinagpasalamat ko. Walang emosyong tumingin ang abuhin niyang mata sa akin habang may dala dala siyang pagkain.
Kumalam naman ang sikmura ko bigla dahil sa pagkaing nakita.
"You should eat. Marami pa tayong gagawin, baka mapagod ka" Nakangisi niyang saad at kinuha ang susi saka ako kinalagan.
Napahawak naman ako sa palapulsuhan kong may bumakas na pula. Mahapdi ito. Napadaing ako nang masagi ang braso ko.
"Don't try to escape Erin. Baka madaliin ko ang p*gp*t*y ko sayo" Malamig niyang saad at agad na umalis. Napahinga ako ng malalim. Mukhang hindi nga talaga ako makakatakas dito.
Nagsimula na akong kumain. Nanginginig pa ang kamay ko. Pinilit kong kumain nang hindi pinapansin ang mga nakakatakot na tanawin sa kung saan.
Sandali akong napaisip, hahayaan kaya niyang mabulok ang mga biktima niya dito? Hindi ba niya ililibing? Napalunok ako nagpatuloy sa pagkain. Kailangan kong magkaroon ng lakas para makatakas ako dito. Kailangan kong humingi ng tulong
Nang matapos ako ay sandaling natigilan. Walang tubig na nakalagay dito. Bumukas ulit ang pintuan at pumasok doon ang lalaki. Napaiwas ako ng tingin nang makitang wala siyang pang itaas na damit at nakahubad siya.
Natulala ako sa ganda ng katawan niya. Maraming tattoo na nakalagay doon. Hanggang ngayon ay nilalagyan niya parin ng maskara ang mukha niya pero kitang kita ang abuhin niyang mga mata at ang mapupula niyang labi.
Nagulat ako nang kinuha niya ang susi at akmang poposasan ako ulit nang pigilan ko siya. Malamig naman niya kong binalingan ng tingin
"T-tubig. N-nauuhaw ako" Yumuko ako dahil bigla akong nahiya. Hindi ko alam kung bakit. Napapikit pa ko
"Okay wait me here" Malamig niyang saad at agad na umalis. Nang bumalik siya ay may dala na siyang tubig at kaagad na ibinigay sakin.
Nang matapos ay kinuha niya iyon at kaagad akong pinosasan at iniwan dala ang pinagkainan ko. Natulala ako nang iwanan niya ko, biglang sumagi sa isipan ko ang mga magulang ko. Hinahanap kaya nila ako?
Napangiti ako ng mapait at napaiyak ulit. Kumirot ang dibdib ko at nasaktan na naman dahil ang pinakamamahal kong boyfriend ay ikakasal na sa ate ko. Hindi lang ako makapaniwala, parang kailan lang ay nangako pa siya sakin na ako ang pakakasalan niya pero sa ate ko niya tinupad.
Siya na nga lang ang nag iisang kakampi ko nawala pa. Nagbago pa. Minsan iniisip ko kung nakakasawa na ba ko. Since I was a kid I could feel the different treatment my parents gave me. Ibang iba ang trato nila sakin noon pa man kaysa kay ate. I experienced to live my life all alone. Nakukuha ko naman lahat ng gusto ko because of course we're rich. Except my parents love and attention na gustong gusto kong makuha noon pa man
BINABASA MO ANG
The Criminal's Victim
Romance"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest