VICTIM V

11.1K 213 10
                                    

VICTIM V

Gusto kong maiyak ngayon. Anong gagawin ko? anong una? Napahilamos ako sa sariling mukha habang nakatunganga sa harapan ng mga sangkap na nasa harapan ko.

Kahit ano talaga wala akong alam kung anong lulutuin. Ni hindi ko nga alam

Bumalik yung lalaki at walang emosyong napasandal sa harapan ko.

"You're wasting 30 minutes standing there and doing nothing Erin. What now?" Napatingin ako sa mga sangkap na nasa harapan ko.

"H-hindi nga ako marunong... Turuan mo ko" Mahina kong saad at nakikiusap na nakatingin sakanya.

Sandali naman siyang napatitig sakin bago dahan dahang lumapit at nagsuot ng t-shirt. Nadismaya pa ko dahil hindi ko na makikita ang maganda niyang katawan.

Erin naman! Stop it! Pinag nanasaan mo yung tao.

Kinuha niya ang mga sangkap at sandaling napatitig sakin saka napacross arm

"Don't tell me you don't know how to cook rice?" Napangiti ako dahil alam ko kung paano iyon. Tinuruan ako ni yaya Melda nun nung minsang nagkasakit siya tas ako nagluto dahil bakasyon ng mga kasambahay namin at nasa business trip sina mommy, daddy at si ate kaya kami nalang ang natira sa bahay.

"Alam ko" Maikli kong saad at inilibot ang tingin at napangiti nang makita ang rice cooker. Akmang pupuntahan ko iyon nang hawakan niya ang braso ko.

Hinubad niya ang t-shirt na suot at sinuot sakin

"Wear this. Your b**bs are shaking and distracting. Dapat talaga nilamukos ko nalang iyan nung natutulog ka" Namula ang pisngi ko dahil sa walang preno niyang bibig.

Nang matapos maisuot ang damit na hanggang tuhod ang haba ay nagsakita siya

"Go, kapag talaga hindi maayos ang pagkakaluto mo, swear Ikaw kumain niyan lahat" Masungit niyang saad at nagpatuloy sa paghihiwa ng mga sangkap

Napahinga naman ako ng malalim at nagsimula nang magluto ng kanin. Abala lang ako sa ginagawa at normal lang na kumikilos. Walang kaba sa dibdib dahil alam na alam ko naman ang gagawin.

"You sure you can do it?" Paninigurong tanong niya na ikinatango ko.

Nang maiksaksak ko na ang rice cooker ay sandali akong naupo at napabaling ang tingin sakanya. Seryoso ang mukha niya habang naghihiwa ng mga sangkap.

Lumapit ako ng konti at tiningnan ang ginagawa niya. Hindi ko maiwasang mamangha dahil para siyang isang chef na nagluluto dahil sa bilis ng galaw niya at sa linis ng trabaho niya.

Napatingin siya sakin at natigilan nang makita akong nakatingin sakanya

"Come here, I'll teach you how to slice some seasonings" Saad niya. Natigilan naman ako at nag alinlangang lapitan siya

"Faster Erin, I'm hungry. Ikaw sana magluluto nito kung alam mo lang kung pano" Malamig niyang saad kaya kaagad akong lumapit.

Binitawan niya ang kutsilyong hawak at hinila ako saka nilagay sa harapan. Napalunok ako at nagitla nang maramdaman siya sa likuran ko na pasimple akong niyayakap at inalalayan sa paghihiwa

"Give me your hands" Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko nang dumampi ang kamay niya sa mga kamay ko. Masuyo niya itong hinawakan at ipinahawak sakin ang kutsilyo na nasa harapan

"Calm yourself down Erin, I won't do anything " Masuyo niyang saad at dahan dahang hinihiwa ang mga sangkap.

Sumabay ang kamay ko sa paghihiwa dahil hawak niya ito at isa pa, nasa kamay ko ang kutsilyo. Ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa leeg ko

Nang matapos ay dahan dahan niyang nilagay sa lalagyan ang mga sangkap gamit muli ang mga kamay ko at ang kamay niya na nakahawak doon.

"You should know how to slice some spices and seasonings Erin. Paano nalang kapag sumama ka sakin. Ayoko pa namang hindi napaglulutuan" May iba sa tono ng pananalita niya. Parang may iba siyang pinapahiwatig doon

"D-don't worry. Mag aaral akong magluto" Sagot ko sakanya. Hindi naman siya umimik at binitawan na ang kamay ko saka napahawak sa bewang ko

"The next thing is we should mix them all so that we can start to cook" Saad niya at pinaandar ang stove at nilagay doon ang kawali saka nilagyan ng mantika

Tahimik lang ako sa gilid habang ginagawa niya iyon. Napatitig ako sa niluluto niya habang dahan dahan niyang hinahalo lahat ng sangkap

"A-anong lulutuin mo?" Tanong ko sakanya

"I'm going to cook sinigang" Nanlaki ang mga mata ko at napunta ang tingin sa karneng baboy na nakalagay sa isang mesa.

Natulala at napatitig ako sakanya. Paborito ko iyon eh.

"Wow! Ang sarap siguro niyan. Paborito ko yan" Nakangiti kong saad at tiningnan ulit ang niluluto niya

Natigilan naman siya at napatingin saglit sakin kaya naman ay napayuko ako

"Sana sinabi mo. Hindi na sana ako nagluto" Napabusangot ako dahil sa naging tugon niya. Ang sama!

Ngumisi naman siya sakin at binitawan ang sandok na dala saka sumandal sa dingding ng kusina at tinitigan ako na may ngisi parin sa labi

"Ang sama mo..." Ngumisi siya at tumawa kalaunan

"It's just a joke Love. Of course I will cook everything for you" Lumapit siya at hinalikan ang pisngi ko na ikinatulala ko.

"Check the rice so that we can start eating" Saad niya at nagpatuloy na sa pagluluto. Tulala naman akong tumayo at pinuntahan ang rice cooker habang dala ang malakas na kabog ng dibdib


Mangha ako habang tinitikman ang sinigang na niluto niya. Pabalik balik ako ng kuha dahil talaga namang masarap. Masarap din naman ang nilutong sinigang ni yaya Melda pero ibang iba ang luto ng lalaking nasa harapan ko

"Matulog ka ng maaga mamaya. Aalis ako" Saad niya bigla at niligpit ang pinagkainan niya.

Malamig naman siyang tumitig sakin na para bang pinagbabantaan ako

"Don't try to escape Erin. Malaman ko lang talaga na umalis ka. I swear, I will going to c*t that head of yours " Banta niya na ikinalunok ko at ikinatango

Sandali akong napaisip. Pagkakataon ko na mamaya para makatakas ako. Kapag nagkataon makakaalis na ko dito. Kailangan ko lang magpanggap na susunod sakanya

Nang umalis siya ay naiwan ako. Sandali akong napaisip kung ano ang possibleng gawin para tumakas. Napatingin ako sa pintuan. Lumapit ako doon at napabagsak ang balikat nang makitang nakalock ito. Tiningnan ko ang bintana, may nakaharang.

Umakyat ako sa itaas at tiningnan ang kabuuan ng kwarto ko. Nang makitang may bintana doon ay kaagad ko iyong binuksan at laking tuwa ko nang makitang wala itong harang kagaya ng nasa baba

Inisa isa kong inalis ang jalousie nito nang dahan dahan at umakyat doon. Akmang tatalon ako nang makitang sobrang taas ng babagsakan ko pag nagkataon at tiyak na mababalian ako.

Napahinga ako ng malalim at nang tingnan ang labas ay napabagsak ang balikat ko at nawalan na talaga ng pag asa. May malaking gate sa labas at may kandadong nakalagay kaya kahit makalabas ako dito ay may harang parin sa labas at aakyatin na naman.

Nagulat ako nang may humawak sa beeang ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan

"You're so stubborn Erin. Now, face your punishment"

The Criminal's VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon