VICTIM XXIII
Hindi ako pumunta sa kusina at dumiretso lang sa kwarto ko at doon nagkulong buong araw. Hindi ko maintindihan kung bakit grabe akong naapektuhan sa nakita Kong tagpo kanina.
Nakarinig ako ng katok ng pinto at nang buksan ko iyon ay nakita ko si Nanay Tasha na nag aalalang nakatingin sakin
"Iha Ikaw ba ay ayos lang? Bakit ka nagkukulong diyan? Hinahanap ka ng Senyorito " Nagpilit ako ng ngiti sakanya at parang nabawasan ang bigat sa dibdib dahil hinahanap ako ni Psalm.
"M-masama po kase ang pakiramdam ko Nay... Hindi po maganda... Lalagnatin pa po yata ako eh" Pagdadahilan ko. Nagulat ako nang hipuin niya ang noo ko. Natulala ako dahil naalala ko si Nanny sakanya. Bigla akong nalungkot nang maalala ang nanny ko.
"Wala ka namang sakit iha. Pero kung iyan ang nararamdaman mo sige magpahinga ka nalang ha? Dadalhan kita ng pagkain" Tumango ako. Nang umalis siya ay sinarado ko nalang ang pintuan at matamlay na bumalik sa kama.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at itinulog nalang ang mga bigat ng dibdib na naramdaman.
Napamulat ako at naramdaman ang mabigat na nakadagan sakin. Nilingon ko ito at gulat na napatingin Kay Psalm na ngayon ay nakapikit at natutulog sa tabi ko. Hindi ako makagalaw dahil doon. Natulala ako dahil sa nakita.
Nakatanday ang Isang paa niya sakin habang yakap ako at ang nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko. Napatingin ako sa katawan niya at nakitang nakahubad siya.
Maingat Kong inalis ang pagkakayakap niya sakin para pumunta ng banyo. Naiihi ako. Nang akmang aalis na ko ay kaagad namang may malakas na pwersang humila sakin pahiga at niyakap ako ng mahigpit.
"Where are you going again?" Malamig niyang tanong at sumiksik sa leeg ko. Napalunok ako at di makapagsalita
"M-magbabanyo lang..." Nauutal kong Sagot.
"Why did you leave earlier without telling me? Masama ang pakiramdam mo pero hindi mo sinabi sakin" Napatitig ako sa kisame
"M-may mga bisita ka kase---
"I won't hesitate to leave them and be with you instead if you don't feel better" Saad niya at hinawakan ang isa Kong kamay
"Next time, tell me about what you feel and what you want Erin... Ibibigay ko naman sayo kung ano ang gusto mo" Napaisip ako saglit dahil sa sinabi niya
"G-gusto ko nang bumalik sa pamilya ko..." Mahina kong Saad habang tulala parin. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sakin.
"Except giving you back to your family. I'm not st*pid para pakawalan ka ng Basta basta. And then what? You'll be hurt again and see that b*stard ex boyfriend of yours?" Sarkastiko at Malamig niyang saad. Hindi ko maintindihan pero... Mas Lalo lang kase akong masasaktan kapag magkasama kami. Alam kong hindi normal ang nararamdaman ko para Kay Psalm. Alam Kong iba na at alam kong mas masasaktan lang ako
Kailangan kong pigilan habang maaga pa. Dapat alam namin na magkalaban ang pamilya namin at hindi kami pwede
"Magkalaban ang pamilya natin Psalm. Sa tingin mo ba hahayaan ng mga magulang natin--
"Alam mo na pala" Narinig ko ang matunog niyang pagngisi at pasimpleng kinagat ang leeg ko at hinalikan iyon.
"Then I don't care... Ikaw ang gusto kong kabayaran sa lahat ng kasalanan ni Eric sa pamilya ko... Itatanan kita kung hindi Sila papayag at itatago... Kung hindi ko man m*p*t*y o maipakulong ang h*yop mong Tatay, mas mabuting Ikaw nalang ang ikulong ko sa mga bisig ko..." Tumawa siya habang ako ay nanatiling tulala at di makapagsalita
BINABASA MO ANG
The Criminal's Victim
Romance"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest