VICTIM X
Nagising ako kinabukasan na wala na si Psalm sa tabi ko. Kunot noo akong bumangon at naglibot ng tingin saka bumaba. Nakaramdam ako ng pag aalala at kaagad na bumaba ng hagdanan
Nakahinga ako ng maluwag nang makita siyang tahimik na nagkakape sa lamesa habang may iniisip.
Natigilan siya at napalingon sakin. Sandali kaming nagkatitigan. Napatitig ako sa kulay abo niyang mga mata at biglang nakaramdam ng awa nang bumalik sakin ang alaala niya kagabi. Nakatago sa ilalim ng malamig niyang pakikitungo ang sakit na parang kahapon lang sakanya.
"G-good morning..." Tumango lang siya at bumaling sa kape.
"Fix yourself and prepare Erin. Bababa tayo sa bayan" Saad niya na ikinatigil ko. Bigla akong nakaramdam ng tuwa dahil makakalabas na ulit ako
"Yes!" Tuwang tuwa kong saad. Hindi ko namalayan na ngiting ngiti na pala ako. Napatingin ako sakanya at natigilan nang makitang titig na titig siya sakin.
"I've changed my mind. You'll be staying here. Baka tumakas ka pa" Nakasimangot akong tiningnan siya
"Psalm naman. Isama mo na ko. Tingnan mo ang balat ko oh. Ang tuyo na saka hindi na ko naiinitan" Reklamo ko sakanya. Ngumisi lang siya at di nagsalita
"Sige na please" Lumapit ako sakanya at pumunta sa harapan. Hinarap niya rin ako at nagsalita
"About yesterday Erin..." Napakunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya.
"What happened yesterday? At night?" Madiin siyang nakatitig sakin kaya medyo nakaramdam ako ng ilang. Halata sa mukha niya na nag aantay siya
"W-wala namang nangyari. Natulog ako yun lang" Natahimik naman siya at nag iwas ng tingin. Mukha siyang dismayado.
"Would you still accept me if you know my condition?" Natigilan ako at napatitig din ng diretso sakanya. Hindi ko alam ang sinasabi niya pero parang tungkol sa nangyari sakanya kagabi. May trauma kaya siya
"H-huh? Anong kondisyon mo?" Nag iwas siya ng tingin at inubos ang kape niya.
"Go and prepare yourself now. You'll be coming with me" Hindi niya sinagot ang tanong ko at basta niya nalang akong iniwan ako sa kusina na tulala
Nalaman kong may binili pala si Psalm na damit na para sakin. Tiningnan ko ang lahat ng binili niya at namula ang mukha nang makita ang dalawang mamahaling bra at panty.
Parang gusto ko ata lamunin ng lupa. Siya ba ang bumili nito? Napabuga ako ng hangin at kahit di niya ko nakikita ay nahihiya parin ako
Sinuot ko ang dress na binigay niya. Napatingin din ako sa flat shoes na siya rin ng nagbigay. Nang sukatin ko ito ay di ko maiwasang magtaka dahil saktong sakto ito sakin.
Nang bumaba ako sa hagdan ay nakita ko siyang naghihintay sa baba. Nakamaong shorts siya at naka t-shirt lang na kulay itim na may tatak na Nike.
Nabaling ang tingin niya sakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka hinawakan ang kamay ko. Sandali akong natulala at di makapagsalita.
Iginaya niya ko papasok sa kotse niya. Habang tumatagal ay unti unti kong nalalaman na may kaya ang pamilya ni Psalm. Hindi ko nga lang alam kung saang pamilya sila nagmula pero sigurado ako na mas mataas sa amin ang estado ng buhay nila.
Matapos ang ilang minutong takbo ng sasakyan ay huminto ito. Napatingin ako sa labas. Hindi pamilyar sakin ang lugar na ito. Public place na alam kong di ako sanay.
"Stay here. I'll open the door for you" Hindi ako nagsalita at hiningay nalang siya na buksan ang pinto ng kotse. Inilahad niya ang kamay niya na kaagad ko namang hinawakan.
"I need to hold your hand. Baka maligaw ka. I know you're not fond of this typical public places" Saad niya at hinawakan ang kamay ko. Para kaming magkasintahan sa sitwasyon namin ngayon.
Nagsimula na kaming maglakad lakad. Nakapamulsa ang isang kamay ni Psalm habang ang isa ay hawak hawak ang kamay ko. Inilbot ko naman ang tingin ko sa buong paligid. Hindi nga talaga ako sanay sa ganito
Napadaan kami sa grupo ng mga kalalakihan. Maaayos din ang mga suot nila at napatingin samin nang mapadaan kami. Nailang ako bigla dahil sa akin pala nakabaling ang atensyon nila.
Binitawan ni Psalm ang kamay ko at hinapit ang bewang ko saka idinikit sa katawan niya
"I must bring scissors next time. Mukhang may mabubulagan akong mga lalaki" Malamig niyang saad at tiningnan ang suot ko
"You're too sexy. Sana pala di nalang yan ang pinabili ko kay Luke" Saad niya at inayos ang suot ko
"It's too revealing " Napatingin ako sa suot ko at para sakin hindi naman siya revealing. Kita nga lang ang maputi kong dibdib at ang cleavage ko pero hindi naman yung tipo na mababastos ako sa daan.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hbang hawak niya ang bewang ko. Napatigil ako nang mapatingin siya sa isang karenderya ata ang tawag doon. May mga kumakaing tao doon.
Nilingon niya ko. "We should try eating here Erin" Napatingin naman ako sa kainan nila. Masyadong exposed aa gilid ng kalsada.
"Is that safe? Baka naman magkasakit tayo niyan... Look at their foods" Tinuro ko ang pagkain na nakadisplay na nasa labas habang may mga taong namimili ng kakainin.
"That's safe. You should try eating that one" Hihilain na niya sana ako pero umiling ako
"I'm not yet hungry. Mamaya na" Tinaasan niya ko ng kilay at tumingin sa carenderya saka bumalik ang tingin sakin
"I swear. It's safe. Don't worry I will also eat there" Nagpatianod ako sakanya.
Nang makapasok kami ay maingay na paligid ang bumungad samin. Hindi ako nakagalaw at nanibago sa lugar. May mga taong kumakain doon, mga jeepney drivers, tricycle drivers, and even taxi drivers at mga ordinaryo na tao.
Maingay sa loob at mainit. May babaeng naghahain habang tinatanong ang mga costumers kung ano ang gusto nilang kainin at ulam na piliin.
Napatingin ako kay Psalm na nakatitig pala sakin.
"Wait for me there. I will order our foods" Tinuro niya ang upuan na walang tao. Napakunot ang noo ko at tiningnan siya
"Wala bang waiter?" Napangiti siya at pinggot ang ilong ko saka natawa.
"It's a public food place of course there's no waiter here. Now go there and wait for me. I'll bring our food" Saad niya. Akmang maglalakad na sana ako nang hilain niya ang braso ko.
"Wag na pala. May mang aagaw na nakatingin" Kunot noo ko siyang tiningnan pero malamig lang siyang nakatingin sa may di kalayuan. Napatingin ako doon at napatigil nang makitang may mga grupo na naman ng kalalakihan na nakatingin sa gawi namin at pinag uusapan kami.
Nanatili ako sa likod ni Psalm habang siya ay naghanap ng pagkain na kakainin namin at nilalagay sa tray. Namamangha naman ako at napapangiwi nang makitang wala man lang gloves or apron ang naghahain ng pagkain at nalagay pa sa kamay niya
"Stop looking at them like that Erin. Baka masamain nila" Bulong niya sakin.
Nang matapos ay kaagad kaming pumunta sa pwesto na napili namin kanina. Maski ang lamesa nila ay wala man lang white cloth at ang upuan ay gawa sa plastic.
Dahan dahan akong naupo doon habang siya ay hinahain na ang pagkain namin. Napakunot ang noo ko sa mga ulam na inorder niya
"What's that?" Nakangiwi kong tanong at tinuro ang parang fried na isda
"Galunggong" Mas lalong napakunot ang noo ko.
"Take a bite Erin. Masarap yan. Kasing sarap ko" Natigilan ako dahil sa sinabi niya habang siya ay nakangisi lang
"Kumain ka na. Why are you looking at me like that? You want to eat me? Then go. Make sure na mauubos mo ko" Namula ang mukha ko at napayuko. D*mn buti nalang maingay ang paligid at di nila narinig yung sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Criminal's Victim
Romance"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest