VICTIM XXXIV

8.7K 166 5
                                    

VICTIM XXXIV

Panay ang iyak ko habang nasa biyahe kami pauwi hanggang sa makulong ako sa kwarto. Pinilit kong patatagin ang sarili at patahanin dahil baka makasama pa ito lalo sakin.

May mga kasambahay na nagdadala sakin ng pagkain. Wala akong gana pero para sa anak namin ni Psalm ay gagawin ko ang lahat. Hindi pwedeng maiwala ko ang anak namin, hindi pwede lalo pa ngayon at hindi ko pa alam kung anong nangyayari sakanya.

Napakuyom ang kamao ko at naghahanap ng paraan para makatakas. Narinig ko na plano ni daddy na ipakasal ako Kay Shawn sa lalong madaling panahon pero hindi ako papayag. Hindi ako papayag na hindi si Psalm ang pakakasalan ko at aakuin ni Shawn ang pagiging ama sa pinagbubuntis ko.

Napahilamos ako sa sariling mukha nang maalalang naiwala ko pala ang cellphone ko. Bigla kong naalala ang laptop ko at kaagad ko itong kinuha Saka binuksan.

Sinigurado kong nakasara ang pinto ng kwarto bago ko ito dahan dahang binuksan. Kailangan kong makahingi ng tulong kahit sa isa man sa mga pinsan niya. Kailangan ko silang mahanap dahil alam ko na sila lang ang makakapagturo sakin kung nasan si Psalm.

Inisa isa kong basahin ang lahat ng descriptions ng mga pinsan niya. Mas lalo akong nagtaka dahil tatlo lang ang nandito.

"Salvo Montillan, Lucas Montillan, Isaac Montillan" Napakunot ang noo ko. Bakit Wala dito si Psalm at Luke? Alam ko na tagong tago ang pamilya nila. Ngayon alam ko na kung bakit hindi nahuhuli si Psalm dahil Walang nakakaalam na isa siyang Montillan. Kaya pala hindi ko siya kilala. Tanging si Salvo lang dahil sa pagkakaalala ko, mahigpit na kalaban sa kompanya ni daddy ang kompanya niya na talagang tinitingala ngayon.

Nagdadalawang isip ako kung kanino ako hihingi ng tulong sa tatlo. Hindi pwede Kay Lucas dahil alam kong may ginagawa ito. Ayokong makaabala. Mas lalong ayoko kay Isaac dahil hindi ako komportable sa mga titig niya.

Wala akong nagawa kundi humingi ng tulong Kay Salvo Montillan. Nag set ako ng appointment at pineke ang identity ko para hindi niya ako matanggihan

Patago akong tumakas ng bahay. Sinigurado ko na walang makakaalam na aalis ako, plano ko na ring wag nang bumalik sa bahay na toh. Nakatakip ako ng itim na sarong at nilugay ang Mahaba kong buhok Saka dahan dahang umalis sa mansion namin. Walang nakakita sakin dahil may inutusan akong gumawa ng gulo

"Kuya para!" Sigaw ko nang may makitang kotse na paparating. Huminto ito kaya naman ay kaagad akong pumasok sa loob.

Napalaki ang mata ko nang makilala ang driver nito.

"Mareng Erin? Hala! Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ni Luke. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas may mahihingan na ko ng tulong.

"Tumakas ako. Please dalhin mo ko--

"Ha?! Tumakas ka?! Patay ka Kay Pareng Psalm, alam mo naman iyon, inlab na yun Sayo. Bakit ka pa ba tumakas sakanya? Magbabago naman iyon para say---

"Tumakas ako sa puder ng mga magulang ko" Putol ko sakanya. Natigilan at natahimik siya

"Please Luke, ibalik mo ko Kay Psalm. Umalis na tayo dito bago pa tayo maabutan ng mga gwardya ng pamilya namin... Please Luke" Nataranta naman si Luke at nabigla saka agad na pinaandar ang kotse paalis

"Luke please... Tawagan mo si Psalm, nasan ba siya? Please I want to talk to him!" Naiiyak kong Saad.

"Teka Teka... Ano ba nangyari ha? Sorry late ako sa info hindi kase ako chismoso" Nahampas ko siya na ikinadaing niya

"Dalhin mo ko sakanya ngayon din!" Naguguluhan naman siyang napatingin sakin

"Teka lang... Asan ba kase si Psalm? Hindi ko naman talaga alam mareng Erin " Napapadyak ako sa inis at nakurot siya sa tagiliran

"Hanapin mo!" Nanggigigil kong Saad.

"Aray oo na! Ang sakit mo mangurot ah? Bayolente mo buntis ka ba?" Natulala at natigilan ako habang nakatitig sakanya. Tumulo ang luha sa mga mata ko at naiyak.

"Oo. Buntis ako " Napatili ako nang biglang pumreno ng malakas ang sasakyan dahilan para mawalan ako ng balanse.

"Mareng Erin sorry. Nakakagulat kase yung balita mo. Sure ka na talaga? Buntis ka talaga? Yeyyy may Psalm the second na. Paramihin niyo ah--

"Luke mag iingat ka buntis ako g*go! Kapag nakunan ako ip*p*tay talaga kita kay Psalm!" Banta ko pero ngumisi lang siya sakin.

"Naks. Kapag nakunan ka gawa nalang kayo ng bago... Okay pa naman yan" Hinampas ko siya ulit at galit siyang kinurot sa braso. Ang tigas.

"Behave ka lang diyan mareng Erin... Makakarating tayo Kay Pareng Psalm wait a minute. Kalma Mrs. Montillan malapit na tayong makarating sa asawa mo" Saad niya na ikinakalma ng Sistema ko. Napasandal ako sa likuran ng sasakyan at napahinga ng malalim at hindi na nagsalita.




"M-my God! Don't tell me andyan si Psalm?" Nanginginig at umiiyak kong Saad habang nakatingin sa Isang malaking ospital sa harapan ko. Dito ako dinala ni Luke.

"Oo daw andito Sabi ni Kuya Lucas. Kaya Tara na. What are you waiting for? Come inside, your husband is waiting..." Hinila ako ni Luke sa braso at inalalayan papasok sa ospital.

Nang makapasok kami ay napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang malamig na hangin Mula sa Aircon.

"Room 006 daw. Asan yun?" Tanong sakin ni Luke Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Luke hanapin mo bilis!" Napabusangot naman siya na mas lalo kong ikinainis. Nahampas ko siya sa braso

"Bakit ako na naman--

"Wag kang magrereklamo kapag inuutusan kita!" Gigil kong sermon na mas lalong ikinaungot niya.

"Okay fine" Saad niya at hinila ako.

Naglalakad kami sa hallway at Panay ang tingin ko sa mga room numbers sa pintuan. Hinahanap ang room 006. Nang makita ito ay kaagad ko itong binuksan

"Hoy mare Teka lang wait mo ko ano ba!" Hinila ako ni Luke pero hindi ako nakinig at tuluyang binuksan ang pinto.

Nabigla at napalunok ako nang bumungad sa harapan ko ang isang di katandaang babae at Isang Seryosong lalaki. Napatingin sila sa gawi ko at nagulat na may halong pagtataka ang mga mukha.

"Ayy... Hello tita tito" Mas lalo akong nagulat dahil sa sinabi ni Luke. Natulala ako... Don't tell me ito ang mga magulang ni Psalm?

Natulala ako at hindi nakapagsalita. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napatitig ako sa dalawang taong nasa harapan ko. Ang mga magulang ng lalaking ama ng magiging anak ko.

"And who's with you Luke?" Mahinhin na tanong ng babae. Napatitig ako sakanya. Kalmado lang siyang nakatitig sakin at nagtataka kung sino ako

"Tita. Ito po yung babaeng kinuwento ko sa inyo na binabahay ni Kuya Psalm. Ang ganda po ng daughter in law niyo di ba?" Saad ni Luke. Napalunok ako ay hindi nakaimik nang mataman nila akong titigan dalawa.

"Binabahay ng anak ko? Are you sure about that?" Tanong ng babae Kay Luke. Tumango si Luke at bumulong sakin

"Mag hi ka sa mga in laws mo Mrs. Montillan" Napatingin ako Kay Luke at bumaling ng tingin sa dalawang taong nasa harapan na ngayon ay matamang nakatitig sakin.

Magsasalita na sana ako nang biglang lumapit sakin ang mommy ni Psalm at sinampal ako sa pisngi. Napaigtad ako at bumaling ang ulo sa kabilang gilid. Naluha ako at natakot bigla dahil sa ginawa niya

"You're the reason why my son is now lying in hospital bed! Tell me! Who are you?!" Sigaw niya sakin. Napapikit ako at napatingin Kay Luke na ngayon ay nag aalala akong tiningnan.

"Honey stop it... Calm down, don't blame her for this, hindi siya ang may kagagawan--

"Then who Hebrew?! Tell me?! Sino ang sisisihin ko?! Si Psalm?! Because of this girl Kaya nadisgrasya ang anak ko!" Napaiyak ako ng tuluyan Kaya hinawakan ni Luke ang braso ko at niyakap ako. Inilayo naman ng daddy ni Psalm ang mommy niya mula sakin at nilapitan kami

"Luke iho... Please ialis mo na muna siya para hindi makita ng tita mo... Iha, makakausap mo si Psalm hm?" Dahan dahan akong tumango at naiiyak na nagpahila Kay Luke.

Napahikbi ako Kaya niyakap niya ko habang papalabas kami. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib habang papaalis kami sa kwarto ni Psalm

The Criminal's VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon