VICTIM XLIII
Nagpilit ako ng ngiti dahil bigla akong tinubuan ng hiya nang sabay sabay silang mapatigil at mapatingin sa gawi namin lalong lalo na sakin.
"H-hello good evening..." Magalang kong saad at nginitian sila. Nakita kong ngumiti ang iba at ang iba naman ay tumango lang samin.
Hinawakan ni Psalm ang bewang ko at bumulong sakin
"Let's eat..." Saad niya at iginaya ako sa hapag kainan. Pinaghila niya ko ng upuan kaya ngumiti ako at nagpasalamat sakanya.
Nang makaupo ako ay natigilan nang mapatingin sa pamilyar na babaeng nasa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Elinita. Ngumiti siya sakin kaya mas lalo akong natulala dahil sa ganda niya
"Hello Erin... Ako pala si Elinita. Asawa ni Lucas" Mahinhin niyang saad at nakangiting tumingin sa gilid niya. Napatingin ako doon at nakita ko si Lucas na nakatitig rin sakin
"H-hello nice to meet you Elinita. Kilala mo ko?" Ngumiti siya at tumango
"Palagi kang kinukwento samin ni Psalm. Tama nga siya, ang ganda ganda mo nakakainggit. Tingnan mo oh, ang ganda ng balat mo at ang ganda ng buhok mo. Grabe sana sa susunod kong paglilihi Ikaw ang mapaglihian ko para naman maging maganda ang magiging anak namin" Natawa ako dahil sa sinabi niya at nahiya ng konti
"Salamat. Ikaw rin naman ang ganda mo. Hindi halatang pilipina ka sa ganda ng kutis mo" Pabiro niya kong tiningnan at tumawa
"Love here's your food..." Napatingin ako kay Psalm na nasa tabi ko na pala at may dalang pagkain. Ngumiti lang ako at kinuha iyon Mula sakanya Saka nagpasalamat
"Elinita hindi ka pa kakain?" Tanong ko sakanya
"Kumain na ko kanina pa. Bilisan mong kumain ah? May kukwento ako sayo" Napangiti ako at nagsimula nang kumain.
Nasa veranda kami ni Elinita habang kandong niya ang mag iisang taon niyang anak na lalaki. Ang cute cute din ng anak nila ni Lucas. Kamukhang kamukha din ng lalaki ang bata. Hindi ko na alam kung asan ang anak ko ngayon, hindi pa ibinabalik sakin
"Ano palang pangalan niya?" Ngiti kong tanong habang nakatitig sa anak nila
"Lucian... Si Luke nagpangalan dito " Bigla akong natigilan nang maalala si Luke at sandaling nilibot ang tingin
"Ikaw lang ang babae dito?" Tumango siya
"Kung hindi kasali sina tita oo ako lang. Sa kanilang magpipinsan si Lucas palang ang nag asawa. Hmm. Siguro kung ikasal na kayo ni Psalm baka dito na rin kayo tumira. Ang boring nga dito eh kase Wala akong ibang Kasama na kaparehas ko. Ang tagal tagal mag asawa ng ibang pinsan niya" Napatango tango ako at hindi na umimik Saka napatingin sa mga pinsan ni Psalm na ngayon ay nasa iisang lamesa. Nandun din siya at seryosong nakikinig sa iba pa niyang pinsan na seryoso ring nag uusap.
"Ganyan talaga sila. Masanay ka na" Natatawa niyang saad at tumayo
"Patutulugin ko na muna. Maiwan na kita" Tumango ako at tipid siyang ngunit. Napatingin ako kay Elinita habang papalayo siya. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil alam kong magiging ganyan din ako pagkatapos naming maikasal ni Psalm.
Natigilan ako nang makita ko si ma'am Sarah. Ang mommy ni Psalm. Wala na sa bisig niya ang anak ko. Ngumiti siya nang makita ako at kaagad na nilapitan
"Where's Elinita?" Mahinhin niyang tanong at naghila ng upuan saka umupo sa harapan ko
"Pinapatulog po muna yung anak niya" Ngiti kong Sagot sakanya. Tumitig muna siya sakin saglit at tumango
BINABASA MO ANG
The Criminal's Victim
Romance"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest