VICTIM XVI
Bigla akong natawa at di makapaniwala dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis dahil sa sinabi niyang gusto niya ko.
Nanatili siyang nakatitig sakin ng malamig at parang hinihintay ako sa sasabihin ko.
"You like me? G*nag*go mo ba ko Psalm? Sa tingin mo maniniwala ako Sayo pagkatapos kong marinig na may hinahalikan ka palang ibang babae?" Natigilan siya dahil sa sinabi ko.
"Erin, you're thinking wrong--
"Eh ano yung sinabi nung pinsan mo? Magkaribal kayo sa Isang babae? Sabihin mo nga sakin kung sino ang Elinita na yan! Sino siya? Alam ba niya na pinag aagawan niyo siya? M*landi siguro ang babaeng iyon--
"Erin stop!" Tumayo siya at galit akong tiningnan na ikinatigil ko. Napalunok ako at di nakapagsalita
"You're crossing the line Erin. You don't know her so stop judging her. She's innocent and has a good heart--
"Lumabas din!" Tumayo ako at naiinis na iniwan ang pinagkainan.
"I bet walang nagkakagusto Sayo Kaya nakikihati ka sa pinsan mo at nagawa mong Mang agaw. Kr*minal ka kase! M*m*m*tay tao ka at nakakadiri ka Kaya walang babae na magkakagusto Sayo! Ako? Gusto mo ko? Pwes Psalm hindi kita gusto at hinding hindi ko magugustuhan ang lalaking katulad mo!" Sigaw ko na ikinatahimik niya. Natulala naman siya habang nakatingin sakin at nag iba ang emosyon sa Mukha. Hindi ko alam pero nakikita kong parang naiiyak siya pero pinigilan niya lang.
Bigla namang Nanghina ang tuhod ko at nakonsensya dahil sa sinabi niya. Bigla Kong naisip na hindi maganda ang lumabas sa bibig ko
"P-psalm... I didn't mean it... I-i mean---
"Y-yeah you're right. S-sino ba namang magkakagustong babae sa katulad ko na m*m*m*tay tao di ba?" Ramdam ko na nasasaktan ang boses niya pero ginawa niya ang lahat para manatiling kalmado. Bumigat ang dibdib ko
"I-i gotta go..." Mahina niyang Saad at umalis sa harapan ko. Natulala ako at di alam ang gagawin. Nakaramdam ako ng konsensya dahil sa nasabi ko. Hinabol ko siya pero hindi ko siya naabutan dahil nang lumabas ako ay tumakbo na ang sasakyan niya paalis.
Napahigpit ang hawak ko sa pintuan at tulalang nakatingin sa kalsadang dinadaanan niya
Buong gabi ko siyang hinintay. Pero mag alas tres na ay Wala parin siya. Medyo nag aalala ako. Napahilamos ako sa sariling Mukha bago pinukpok ang ulo ko dahil sa nasabi. Napahinga ako ng malalim. Matutulog nalang ako at kakausapin ko siya kapag bumalik na
Napahinto ako at napatingin sa hagdanan. Umaasang darating bigla ang sasakyan niya para masalubong ko at magsorry sakanya pero Wala! Inis Kong kinagat ang pang ibaba kong labi at nagpapadyak na pumasok ng kwarto.
Pabagsak ko itong sinarado at lumundag sa kama Saka umiyak. Pinaghahampas ko ang mga unan at binalibag ang mga kumot saka nagwala.
"What the h*ck Erin! Bakit mo sinabi yon?" Inis Kong Saad at galit na nakatingin sa baba. Galit Ako sa sarili ko
Pumikit ako at inis na natulog habang may mabigat na psan sa dibdib
Inaasahan ko na sa pagmulat ng mga mata ko ay nasa tabi ko si Psalm. Nakayakap sakin at natutulog ng mahimbing sa tabi ko. Pero Wala!
Mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil wala siya. Sandali akong napatigil. Bakit naman Ako makononsensya? Totoo naman ang sinabi ko!
Mabigat ang loob Kong bumangon at naligo Saka nagbihis ng mga damit na binili namin Nung nakaraang Araw. Namili ako ng mga damit na susuotin nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok Mula doon si Psalm. Napapikit ako dahil nakatapis lang ako ng twalya. Hindi ako nagdala ng mga damit sa banyo Kaya sa labas ako nagbihis.
BINABASA MO ANG
The Criminal's Victim
Romance"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest