VICTIM XL
Nakatingin ako sa puntod ng kapatid ko habang nag iisa. I can't believe that my sister is now gone. Hindi naging maganda ang naging pagsasama namin pero siya ang nag iisa kong kapatid. I love my sister so much even though she didn't treat me as her sister before.
"A-ate mag iingat ka diyan... Sana maging mapayapa ka na... Sorry kung Wala ako sa tabi mo. Ang selfish ko na hindi ko manlang naipakita sayo ang pamangkin ko. I left mom and you without saying any words and explaination. Ate I'm sorry" Napahikbi ako at pinunasan ang luha sa mga mata.
"H-hindi man naging maganda ang pagsasama natin noon. Wala man tayong naging masayang memories sa isa't isa pero ate mahal na mahal kita... K-kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari sana hindi na ko umalis. Sana nanatili nalang ako sa tabi mo. Ate alam mo ba, I'm very proud of you... Kahit na ikaw ang palaging inuuna ni mommy at daddy proud na proud parin ako Sayo... Ate sorry kung nagtanim ako dati ng galit sayo ha? Sorry talaga..." Tinabunan ko ang mukha ko habang kinakausap ang kapatid na alam kong hindi na ako naririnig
"A-ate ikakasal na ko kay Psalm. Bumalik na siya gaya ng pangako niya sakin dati. Ate magsasama na kami at mabubuo na ang pamilya namin Kasama ang anak namin... I will leave a seat for you kapag kinasal na kami. Dumalo ka ah?" Nanginginig ang labi ko habang nakatingin sa puntod niya. Dahan dahan akong tumayo a pero bago iyon ay Hinalikan ko muna ang lapida niya kung saan nakaukit ang pangalan niya. 'Erina Lein Castillego'
Huminga ako ng malalim at dahan dahang tumalikod saka umalis.
Sunod kong pinuntahan ang puntod ng taong naging dahilan kung bakit ako naipanganak sa Mundo. Ang totoong nanay ko. Napalunok ako at parang may nakabara sa lalamunan habang nakatingin sa nakaukit niyang pangalan. 'Grisela Alfuente' Biglang tumulo ang luha ko kasabay ng pagbigat ng dibdib ko
"G-galit po ako sa inyo..." Mahina kong saad habang matamang nakatitig sa puntod niya
"G-galit ako sa inyo kase dinala niyo ko dito sa mundo. Ang daya mo mama. Bakit ka nawala agad? Kung nasa tabi sana kita siguro hindi ko mararanasan ang paghihirap sa kamay ng totoong asawa ni daddy. Mama naman bakit kayo nang agaw ng asawa? W-wala ako sa posisyon para sumbatan kayo ng ganito pero bakit? Mama bakit? B-bakit ang daya naman? Bakit hindi ko kayo nakasama kahit sa maikling sandali? Ang dali naman sa inyong iwanan ako" Pinahiran ko ang luha sa mga mata ko at nag iwas ng tingin
"All my life akala ko totoong nanay ko ang taong minsan kong itinuring na ina pero hindi pala..." Tulala ako habang nakatingin sa kawalan
"K-kaya pala ganun ang tratu niya sakin kase hindi niya ko anak. A-ako pala ang nagpapaalala sakanya sa kataksilang ginawa niyo ni daddy. I feel sorry for her" Napahikbi ako nang biglang pumasok sa isipan ko si mommy. Nabaliw na siya ngayon pero kahit kailan hindi ko man lang siya nabisita.
"M-mama sana gabayan niyo ko sa lahat ng gagawin ko... Mama sana bantayan niyo ko. Gusto ko lang po sabihin sa inyo na mahal na mahal ko kayo kahit na hindi tayo kailanman nagkita. Mama mahal na mahal kita " Tinakpan ko ang mukha ko at nagpatuloy sa paghagulhol. Sinandal ko ang mukha ko sa lapida niya at doon umiyak Hanggang sa Ako na ang napagod.
Tahimik at dahan dahan akong umupo ng maayos at dahan dahang hinalikan ang puntod niya saka nagsimulang lisanin ang Lugar.
Napaiwas ako ng tingin nang mabasa ang pangalan ng huling taong gusto kong bisitahin. Napakuyom ang kamao ko habang naluluhang tinitigan ito.
"I-i hate you Shawn..." Mahina kong saad at napailing iling Saka nagsimulang umiyak ulit.
"I-i hate you because you made me trust you! I hate you because you made me love you!" Galit kong saad at napaupo Saka umiiyak habang nakatingin sa puntod niya. Sobrang bigat ng dibdib ko dahil doon.
BINABASA MO ANG
The Criminal's Victim
Romance"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest