VICTIM XLI

8.8K 188 6
                                    

VICTIM XLI

"M-miss excuse me... Pwede ko bang makausap o makita si Miss Francesca Castillego?" Nanginginig kong tanong sa nurse na nasa reception. Tumingin ito sakin at nginitian ako pero hindi iyon nakatulong para mapangiti ako.

"Yes ma'am kaano ano po kayo ng pasyente? You can make an appointment po" Napahinga ako ng malalim at nagsalita

"A-anak niya ho ako. Miss pwede ko bang makita ang mommy ko?" Gulat ako nitong tiningnan at hindi makapaniwalang napatingin sakin

"A-anak po niya kayo? Akala ko po kase isa lang ang anak niya. Pero sige po kakausapin ko ang psychiatrist niya saglit" Tumango ako sakanya

"Upo ho muna kayo ma'am" Tinuro nito ang upuan malapit sakin Kaya dahan dahan akong naupo. Umalis ang nurse habang ako ay tulalang napatingin sa paligid.

May mga pasyenteng baliw na nandito. May kanya kanya silang ginagawa Kasama ang mga nurses na nakabantay sakanila kung sakaling magwala ang mga ito.

Pinahiran ko ang luhang tumulo sa mga mata ko at nag iwas ng tingin doon. Hindi ako makapaniwala na nandito si mommy. I know how much she hates being in a hospital kahit na sa kahit saang hospital but look at her now, isa na siya sa nakasiksik dito.

Bumalik ang nurse at ngumiti sakin

"Ma'am nasa garden na po sila Kasama ang psychiatrist niya. Pwede na po kayong puntahan siya" Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba at bigla itong bumigat

"S-salamat miss" Halos pabulong na iyon. Napahinga ako ng malalim at nanginginig na pumunta sa garden na sinasabi niya.

Habang tinatahak ko ang papunta sa garden ay nanginginig ang mga tuhod ko. Parang gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Parang hindi ko kayang makita ang mommy ko. Hindi ko kayang makita ang kondisyon niya.

Napahinto ako at pinipigilang wag maiyak nang makita ko ang psychiatrist na babae. May binabasa ito sa papel at napaangat ang tingin nang makita ako. Tinigil niya ang ginagawa at inalis ang eye glasses

"Are you the patients daughter ma'am?" Tanong nito kaya Tumango ako sakanya. Tumango siya pabalik at itinuro ang pwesto ni mommy

"She's now waiting... Pwede niyo na po siyang lapitan" Saad niya kaya tumango ako at nanginginig na tiningnan ang pwesto kung nasan si mommy

Bigla akong napaluha nang makita siya. Nakatalikod ito sa gawi ko at nakaupo sa wheelchair. Nakasuot siya ng damit na pang pasyente habaang magulo at nakalugay ang buhok.

Nilapitan ko siya kaagad at tiningnan ang mukha niya. Napaluha ako at tuluyang napaiyak nang makita ang kabuuan niya. Napahikbi ako at dahan dahan siyang hinawakan sa kamay

"M-mommy nandito na ko..." Nanginig kong tawag sakanya. Tulala lang siya at nakatingin sa kawalan. Maganda parin ang mommy ko katulad ng dati pero ngayon ay halatang napapabayaan na ang sarili. Payat na ang dating maganda niyang katawan. Nangingitim na Ang ibaba ng mata niya at halatang hindi na siya nakakausap ng matino

"M-mommy bakit ka nagkaganito?" Tanong ko at dahan dahang hinawakan ang mukha niya Saka inayos ang buhok na nagkagulo. Dahan dahan siyang tumingin sakin. Napatitig ako sakanya at nakita ang mga matang walang emosyong nakatingin sakin

"S-sino ka?" Wala sa sarili niyang tanong sakin na mas lalong nakapagpaiyak sakin lalo. Nag iba na ang boses niya

"M-mommy ako po ito si Erin... Mommy nandito na po ako. Sorry mommy ngayon lang ako nakabisita kase late na Kong nalamang nagkaganito ka. Mommy sorry po" Umiiyak kong Saad.

Napakunot naman ang noo niya habang mataman akong tinitigan

"E-erin? Si Erin ang anak ko? Tama ako di ba?" Natulala ako at napaiyak lalo habang nakatingin sakanya. Mapait akong ngumiti at inayos ang iilang hibla ng buhok niya. Unang beses kong narinig na tinawag niya kong anak. Nasasaktan ako dahil sa tagal ng panahon ko tong hinintay ay ngayon ko lang ito narinig mula sakanya, ang tawagin niya Kong anak gaya ng palagi niyang tinatawag kay ate

The Criminal's VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon