VICTIM VIII
Nagising ako na wala nang ingay ang buong bahay. Napatingin ako wall clock na nandito sa loob at nakitang pasado alas 10 na ng gabi. Kunot noo akong bumangon at binuksan ng dahan dahan ang pintuan para lumabas.
Mas lalo akong nagtaka dahil patay ang lahat ng ilaw at wala akong makitang kahit maliit man lang na liwanag. Bigla akong natakot.
Napabuga ako ng hangin at kinalma ang sarili
"P-psalm?" Mahina kong tawag sa kasama kong nandito pero wala man lang sumagot. Napakamot ako ng ulo at naisip na hanapin nalang ang switch ng ilaw
Parang may naaamoy akong hindi maganda. Amoy ng dugo at parang may kakaiba pa kong naramdaman. Biglang sumagi sa isipan ko na marami na palang p*n*t*y dito si Psalm at sigurado akong hindi pa natatahimik hanggang ngayon.
Nang makapa ang switch ay kaagad kong pinindot. Bumadha ang buong liwanag sa buong kabahayan. Napatili ako at naestatwa sa kinatatayuan nang makita ang nagkalat na dugo sa sahig
Bigla akong siniklaban ng takot. Dahan dahan akong naglakad papunta sa unahan at napatili at nagsimula nang maiyak nang makitang may isang ulo na nasa sahig. Nakatalikod ito at maraming dugong nagkalat sa sahig.
Napatakip ako ng bibig at nanginginig dahil sa takot. Siya ba ang p*m*t*y ng mga ito? Napalingon rin ako sa gilid at tuluyang napatili at nagwala nang makita ang isang katawan ng lalaki na wala na ring ulo. Hula ko ay itong nasa harapan ko ang ulo niya na naputol.
Naiiyak akong umatras habang nakatingin sa mga dugong nagkalat at sa ulo na nahiwalay sa katawan ng lalaki. Napaiyak ako
"P-psalm! Where are you?!" Naiiyak kong saad. Natigilan ako nang may makita si Psalm
Nakatulala siya sa bintana at may malalim na iniisip. May hawak siyang matulis na kutsilyo at punong puno ng dugo ang suot na puting t-shirt at ang pantalon.
Dahan dahan ko siyang nilapitan at hinawakan sa balikat.
"P-psalm. Andito ka lang pa--
Natigilan ako nang makitang lumuluha siya habang walang emosyong nakatingin sa kawalan. Para siyang robot na walang baterya dahil hindi talaga siya gumagalaw
"P-psalm napano ka?" Mahina kong saad at nag aalinlangang hawakan ang mukha niyang punong puno ng preskong dugo
"Hindi ko nailigtas ang kapatid ko..." Tulala niyang saad habang lumuluha parin
"Wala akong kwenta... Wala akong silbi... Napakawala kong kwenta... Napakawala kong silbi" Pag uulit niya habang tulala paring. Hindi ko alam kung bakit kusang tumulo ang luha sa mga mata ko.
Bumigat ang dibdib ko at parang nasaktan dahil sa sinabi niya
"Kung malakas lang siguro ako... Nailigtas ko siguro si Mary" Nagtataka akong napatingin sakanya nang banggitin niya ang pangalan ng hindi ko kilalang babae. Nag alinlangang man ay nagawa kong magtanong sakanya
"P-psalm... K-kapatid mo ba si Mary?" Pinaharap ko siya sakin at nakita ko ang dahan dahan niyang pagtango. Umagos ang luha sa mga mata niya pero walang emosyon ang mukha habang umiiyak
"M-mary... Sorry... Kuya failed to protect you" Gumaralgal ang boses niya habang tulala parin.
"P-pangako ni kuya na magbabayad Sila ha?" Natigilan ako nang mapatingin siya sakin at umukit ang kakaibang ngisi sa labi niya. Napakunot ang noo ko at nakaramdam ng takot
"Ikaw ba ang p*m*t*y sa kapatid ko?" Natigilan ako at dahan dahang napailing. Napatayo siya at matalim akong tinitigan saka hinaklit ng marahas at mahigpit na hinawakan ang braso ko
"Liar! You k*lled my sister! Dapat sayo mapunta sa empyerno! Doon ka nababagay!" Napaiyak ako sa takot dahil may hawak siyang patalim
"I promised to my sister that I will going to serve her the justice she deserve. Ngayong nasa harapan kita hindi ka na makakawala! M*m*m*t*y ka na!" Nakakatakot niyang sigaw at tinutukan ako ng patalim. Naiiyak naman akong nagmakaawa sakanya
"P-psalm please... Listen to me... H-hindi ko p*n*t*y ang kapatid mo... Maniwala ka sakin" Umiling iling siya at parang b*liw na nakatingin sakin habang galit na galit ang mga mata.
"L-love..." Bulong ko sakanya dahil sa takot. Natigilan naman siya saglit at biglang nawalan ng emosyon ang mga mata niya at gumaan ang hawak sa braso ko.
Tulala niyang ibinaba ang patalim na hawak at tumitig sakin. Nag iba ang emosyong nakaukit sa mga mata niya. Parang humihingi ng tulong. Nagsusumigaw ng tulong ang mga mata niya habang nakatingin sakin
"E-erin..." Naiiyak niyang bulong at napabagsak ng upo sa sahig. Nakita kong sinabunutan niya ang sarili niya habang nagsisisigaw na para bang takot na takot.
Naiiyak ko siyang niyakap. Kita ko ang mga ugat na naglabasan sa katawan niya. Pulang pula na rin ang kanyang buong katawan na sinabayan niya ng pag iyak
"P-please... D-don't hurt my sister! D-don't k*ll her! S-spare her please! She's innocent!" Naiiyak niyang sigaw habang sinasabunutan ang buhok niya habang nag wawala
Niyakap ko siya habang panay parin ang sigaw.
"Sshh... Psalm nandito ako. Calm down please... Andito ako hindi kita iiwan" Mahinahon kong saad at niyakap siya ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sakanya na nandito ako. Nasa tabi niya
Hinihingal siya habang dahan dahang napabitaw sa buhok niya, unti unti siyang kumalms at natigil sa pagsigaw. Naramdaman ko na yumakap siya sakin pabalik
Maya maya pa ay narinig ko ang pagpalahaw niya ng iyak. Naaawa ako sa kalagayan niya at the same time ay nasasaktan sa kalagayan niya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kasalanan ako kung bakit siya nagkaganito. Pakiramdam ko, responsibilidad kong manatili sa tabi niya dahil... May kasalanan ako sa nangyari
"M-my sister... They k*lled my sister. She's innocent Erin, she's innocent... They k*lled my baby sister" Para siyang bata habang sinasabi ang mga iyon. Sinabayan pa ng paghikbi niya.
Hinimas ko ang likuran niya at hinawakan ang mukha niya. Namumula parin siya at basang basa ng pawis. Hinawakan ko ang dibdib niya at nalamang ang lakas ng kabog nito. Hinihingal siya na para bang pagod na pagod
"K-kukuha lang ako ng tubig--
"N-no!" Hinila niya ko ulit at niyakap ng mahigpit kaya wala akong nagawa kundi yakapin siya pabalik at maupo sa pwesto ko ulit
"B-baka bumalik sila... B-baka isunod ka nila. Baka saktan ka nila... I can't afford to lose someone important to me again" Mahina niyang saad. Nagsimula na naman siyang maiyak habang yakap yakap ako
"P-please help me find the one who k*lled my sister. I badly want them to put in jail" Napasinok siya at napahikbi pa. Ramdam ko na desidido siyang mahuli ang mga p*m*t*y sa kapatid niya
Niyakap ko siya mahigpit at hinimas ang buhok niya na para bang hinehele siya. Napasandal siya sa balikat ko habang may hinihingal
"Oo Psalm. I'll help you. I promise, they'll going pay what they did to your sister" Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng galit habang binabanggit ang katagang iyon
BINABASA MO ANG
The Criminal's Victim
Romance"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest