VICTIM XVIII
Nilagay ko ang mga gamit ko sa mga cabinet na nandito. Inayos ko rin ang kama at pinalitan ko rin ng bed sheets Saka inayusan ng konti ang buong kwarto.
Binuksan ko ang bintana at pumasok ang Malamig na hangin sa labas. Napalapit ako sa bintana at napatingin sa buong labas ng malaking bahay.
Ngayon ko lang napansin na Malaki pala talaga ang buong labas ng bahay. Biglang may kumatok sa pintuan Kaya naman ay napalingon ako doon. Binuksan ko iyon at nakita ang nakangiting mukha ni Nanay Tasha
"Iha. Halika na sa baba. Mag tatanghalian na tayo" Tipid akong ngumiti at lumabas. Hinawakan niya ang braso ko na ikinatigil ko dahil para siyang teenager
"Alam mo noh. Kamukhang kamukha mo iyong sikat na business man na nakikita ko sa TV. Yung may asawa ba na artista" Saad niya na ikinatigil ko. May pumasok sa isipan ko kung sino ang mga tinutukoy niya
"Yung si Eric Castillego. Tama! Siya nga! Kaano ano mo ba siya iha?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sakanya. Noon palang ay ayaw na ayaw na nina daddy at mommy na magpakilala ako maski sa publiko. Iilan lang ang nakakakilala sakin na anak nila ko dahil si ate ang palaging naisasama sa gatherings ng mga magulang ko.
"H-hindi ko po iyon kaano ano" Tumango lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Asan po pala si Psalm?" Tanong ko sa matanda nang malapit na kami sa dining area
"Nasa baba siya nagluluto Sila kanina Kasama ang apo ko na si Mira" Natigilan ako at di makapagsalita. Naiisip ko ang senaryo habang nagluluto silang dalawa at habang nakangiti Sila sa isa't isa ay nakaramdam ako ng kakaiba sa dibdib. Hindi na Ako umimik
Nang makarating kami sa dining area ay natigilan ako nang makita sina Psalm at Mira. Naghahain silang dalawa habang nag uusap. Sandali akong natigilan dahil doon. Nakita ko ulit kung paano Ngumiti si Psalm habang kakwentuhan siya. Napatingin ako sa mga pagkaing kakaluto palang na nasa hapagkaina
"Jusko Mira! Bakit mo pa pinatulong si Senyorito na maghain? Nakakahiya naman..." Saad ni Nanay Tasha at humingi agad ng pasensya
"Pasensya ka na iho" Ngumiti lang ng tipid si Psalm at nagpatuloy sa ginagawa
"Sabi ko naman po kase sakanya na Ako na ang maghain eh gusto niya raw ho kase daw na tulungan ako. Tinulungan Rin ho niya Kong magluto kahit Kaya ko naman" Natatawang Saad ni Mira. Halata sa Mukha niya na tuwang tuwa siya. Nakaalalay pa siya Kay Psalm. Nabaling ang tingin ni Mira sakin at natigilan nang makita ako
"Nay sasalo siya satin?" Tanong niya sa matanda
"Aba oo naman! At bakit hindi? Bisita iyan at kailangan nating pakainin ano bang tanong iyan Mira" Napatango naman siya at Nagpilit ng ngiti at tiningnan ako.
"Sit there Erin. Ako na ang maghahain Sayo" Saad ni Psalm at tinuro ang upuan na nasa harapan lang niya. Ngumiti ako ng tipid at dahan dahang umupo Doon.
Ramdam ko ang titig ni Mira samin habang hinahainan ako ni Psalm
"What do you want to eat? This? Or this?" Turo niya sa mga pagkain na nasa harapan ko.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong hapag at Nakita ang sinigang na sabaw na umuusok pa dahil sa init.
"I-ikaw ba ang nagluto nito?" Tiningnan ko siya at nakita Kong nakatitig siya sakin.
"Yeah" Ngumiti ako at tinuro iyon sakanya.
"Yan nalang ang kakainin ko" Saad ko na ikinatango niya. Napatitig ako doon habang nilalagyan niya ang plato ko.
BINABASA MO ANG
The Criminal's Victim
Romance"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest