VICTIM XI
"Psalm tikman mo! Masarap!" Nakangiti kong saad at inabot sakanya ang tinidor na may lamang ulam na hindi ko kilala.
Napakunot naman ang noo niya at kinagat ng tuluyan ang nasa tinidor habang nakatitig sakin. Natigilan naman ako dahil titig na titig siya sakin habang dahan dahang kinagat ang pagkain.
Natulala akong napatingin sakanya at napalunok habang nakatitig sa bibig niya habang nginunguya ang ibinigay ko kanina.
"Yeah it tastes good. Embutido lang yan" Natigilan naman ako at napatingin sa ulam na sinasabi niya. Namamangha akong tinikman ang lahat ng iyon isa isa at masasabi kong masarap talaga
"My God! Ang sarap pala ng mga foods dito. I'm wondering bakit walang ganito sa restaurant? They should at least sell foods like this para naman makatikim din ang mga mayayamang kumakain sa mga restaurants" Saad ko at tinikman ang isda na may sabaw at may mga sangkap. Masarap ang mga pagkain nila na nandito. I didn't expect na may mga pagkaing nag eexist na ganito ka sarap. Hindi ako nakatikim ng ganito in my whole life dahil sa restaurant ako palaging kumakain at mamahalin lahat ng pagkaing kinakain ko na luto ng mga professional chef. Kahit sa bahay namin ay talagang chef ang nagluluto
Ganito pala ang mga luto at mga kinakain ng mga tao dito.
"What's this Psalm?" Tanong ko habang tinitikman ang sabaw. Napalaki ang mata ko dahil ang sarap
"Tinolang isda" Maikling saad niya kaya naman ay namamangha akong napatingin dito.
Sandali akong natigil sa pagkain at pasimpleng inilibot ang tingin sa buong carenderya. Maiingay ang mga tao. Napapatingin ako sakanila isa isa at hindi ko maiwasang mainggit dahil ang sasaya nila habang kumakain sila.
May mga magpapamilya, magkakaibigan, at may mga nagkukuwentuhan ding matatanda. Napatingin din ako sa bagong pasok na mga lalaki. Mga jeepney drivers sila. Natulala ako habang nagbabatian sila ng mga kakilala nila sa loob. Masaya pa silang nakipagsalo ng upuan sa iba pa niyang kasama. Ang iba naman ay inaalok siya at masaya pa silang nagtatawanan
Ramdam ko ang saya nila. Ang saya na kailanman ay di ko naranasan. Nakakainggit dahil hindi ko man lang naranasang magkaroon ng mga tunay na kaibigan kagaya ng sakanila
Mas lalo akong humanga dahil kahit mahirap ang buhay nila ay nagagawa parin nilang ngumiti at magpatuloy. Samantalang ako, mayaman nga pero hindi naman masaya kagaya ng sa kanila. Buti pa sila, kahit mahirap masaya, kahit mahirap maraming kaibigan na alam kong kanilang maaasahan.
Natigilan ako nang hawakan ni Psalm ang mukha ko. Napatingin ako sakanya at nakita ko ang Seryoso niyang mga mata habang pinapahiran ang mukha ko. Napakapa ako doon at nalaman kong may basa ng luha ang pisngi ko
"Why are you crying?" Malumanay niyang tanong habang nakatitig sakin. Pinahiran ko ang mukha ko at nag iwas ng tingin saka tiningnan ang mga tsong masayang nagkakainan
"Nothing. Medyo nanibago lang ako. Ganito pala kasaya dito noh? Hindi kagaya sa restaurant na tahimik, at kapag mag isa ka talagang malulungkot ka. Dito kase kahit siguro mag isa ka hindi boring kase maiingay ang mga taong pumapasok. Mabuti pa sila Masaya" Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala iyon.
"You should always choose to be happy Erin. Because you deserve to be happy. Yes, meron talagang mga bagay na meron sila at wala tayo. Katulad ng mga totoong kaibigan" Mas lalo akong nasaktan at tinamaan dahil sa sinabi niya. Tama siya, tulad ng mga totoong kaibigan
"You can have them as your friends too. Don't be afraid to make a step, magkaiba man kayo ng estado pero pareho lang naman kayo. Tao lang din. Choose to be happy because happiness can be found somewhere and anywhere. You just need to find it on your own" Saad niya.
BINABASA MO ANG
The Criminal's Victim
Romance"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest