VICTIM XVII

9.5K 182 4
                                    

VICTIM XVII

Tahimik kaming dalawa habang nasa loob ng sasakyan. Napatingin ako sakanya na ngayon ay Seryosong nakatitig sa daan.

"Sleep Erin. I'll just wake you up when we arrive" Malamig niyang saad. Napatitig naman ako sakanya saglit. Lumamlam ang mga mata ko at nilakasan ang loob para magsalita.

"P-psalm sorry kagabi..." Hindi siya umimik at nagpatuloy sa pagmamaneho. Napayuko ako at napakutkot sa daliri ko habang pinipigilan at ng mga luhang gustong umagos

"It's okay. I understand and besides, all you said yesterday is true" Tulala ako habang nakatingin sakanya. Hindi ko inaalis ang titig ko sakanya

"Don't look at me and just sleep instead" Malamig niyang saad Kaya naman ay Napahinga ako ng malalim

"S-sorry ulit... Di ko na sasabihin iyon" Mahina kong Saad at pumikit nalang.

Bumukas ang mga mata ko at unang bumungad sakin ang nakatitig na si Psalm. Nagitla siya nang magising ako at napaiwas agad ng tingin Saka nagsalita

"W-we're here... Bumaba ka na" Saad niya nang hindi ako nilingon at agad na bumaba. Napahinga ako ng malalim at dahan dahang binuksan ang kotse niya.

Napakunot ang noo ko at napatulala ako nang Makita ang napakalaking bahay sa harapan ko. Tahimik ang buong paligid at Wala man lang kaingay ingay sa loob. Napapalibutan ng magagandang Rosas ang buong paligid at mga iba pang halaman.

Nilingon ko siya na ngayon ay nakapamulsang habang nakatitig sa malaking bahay na nasa harapan.

"B-bahay niyo toh?" Tanong ko sakanya. Sandali siyang Hindi umimik

"This is the house my sister and I used to stay before" Dahil sa sinabi niya ay natigilan Ako at napatingin sa magandang bahay na nasa harapan ko. Hindi ko alam ang mararamdaman. Kusang bumigat ang dibdib ko dahil sa narinig.

"Let's go" Saad niya sakin. Sandali akong napatingin sakanya at nanatiling nakatitig sa likuran niya. Hindi na niya hinahawakan ang kamay ko gaya ng dati. Hindi na niya hinahapit ang bewang ko gaya ng palagi niyang ginagawa. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan dahil doon.

Mabigat ang mga paang sumunod Ako sakanya habang tahimik lang na Nakatitig sa lupa dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

Tahimik na kumatok ng tatlong beses si Psalm sa pintuan. Maririnig Kaya sa loob? Maya maya pa ay bumukas ang pintuan at bumungad samin ang nasa 60's na matanda.

Napakunot ang noo nito habang nakatingin sa amin at nang mabaling ang tingin Kay Psalm ay natigilan ito at napalitan ng gulat ang mukha.

"Psalm?! Jusko iho Ikaw ba iyan?! Ang tagal mo atang di nakabisita Dito?" Napangiti ang matanda habang kausap siya

"I'm just a lil bit busy this past few months" Saad niya.

"Anong few months? Eh Isang taon na Mula Nung mabisita ka dito. Namimiss ka na ng apo ko" Nakangiti niyang saad.

"Pumunta pala dito ang mommy mo. Napag usapan namin yung nangyari sa kapatid mo--

"I'm with someone" Hinila ako ni Psalm na kinaigtad ko dahil sa gulat. Nagulat ako at parang nakuryente dahil sa hawak niya.

Natulala naman ang matanda habang nakatitig sa kabuuan ko. Ngumiti lang ako sakanya

"Sino itong magandang babaeng Kasama mo? May girlfriend ka na pala. Kaya naman pala hindi ka na nauwi dito " Biro nito na ikinatigil ko. Nahihiya naman akong ngumiti at napatingin Kay Psalm na ngayon ay nakatitig sakin.

The Criminal's VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon