VICTIM XXXIII

8.6K 182 6
                                    

VICTIM XXXIII

Masakit ang ulo nang magmulat ako ng mga mata. Napahawak ako sa ulo ko at napahinga ng malalim saka sandaling natulala.

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napabangon nang maalala si Psalm. Napadaing ako nang matanggal ang isa sa mga nakakabit sakin. Pumasok ang nurse at nang makita ang kalagayan ko ay nataranta ito

"Nako ma'am! Wag po muna kayong bumangon..." Nag aalala nitong saad at inalalayan ako. Naguguluhan naman akong napatingin sakanya

"Nasan ako? Bakit ako nandito? Anong nangyari?" Sunod sunod kong tanong sakanya.

"Ma'am nandito ka po sa ospital sinugod kayo dito ng asawa niyo. Mabuti nalang at walang nangyaring masama sa inyo at sa batang dinadala niyo" Mataman ko siyang tinitigan at naguguluhan ang mga matang nakatingin sakanya

"B-batang dinadala? Y-you mean I'm pregnant?" Tumango ito at ngumiti sakin.

"Yes po ma'am Kaya hinay hinay po kayo. Mahina pa ang kapit ng baby ninyo. Hintayin po muna natin ang asawa niyo. Kinakausap pa si Doc" Saad niya. Napailing iling ako at napahawak sa tiyan ko.

May anak ako? Bigla kong naalala si Psalm. May nangyari samin Isang beses Kaya hindi malabong anak niya ang dinadala ko. Siguradong sigurado ako. Mag kakaanak kami ni Psalm. Hindi ko maiwasang matuwa at mangamba

"N-nurse please... Itakas mo ko dito, ang lalaking nasa labas ay hindi ko asawa. Ang asawa ko ay---

Natigilan ako sa pagsasalita at napalingon sa pintuan. Siniklaban Ako ng takot at kaba nang makita ang mga magulang ko at si ate, kasunod nito si Shawn na madilim ang tingin sakin. Halata ang galit sa mga mata niya.

"Leave us for a while nurse" Malamig na saad ni daddy habang nakatingin sakin. Tumango naman ang nurse at kaagad na lumabas.

Napahawak ako sa kumot na nasa katawan ko nang makitang Wala na ang nurse.

"What is the meaning of this Erin? Ano itong ibinalita samin ni Shawn na nakipagtanan ka sa Isang kr*minal?" Galit niyang tanong. Mahina iyon pero ramdam ko ang galit niya

"What a shame Erin! We're so worried about you and searching for you all the way pero ganito lang pala?! Nakipagtanan ka sa Isang kr*minal?" Galit na singhal ni mommy sakin.

"Don't pretend mom. I know naging Masaya ka na nawala ako sa bahay. Iyon naman ang gusto niyo di ba? Ang mawala ako? Stop pretending that you all are worried because that's a big lie! Bakit pa ba kayo nag aalala?" Diretsahan kong Saad na ikinagulat nila.

Hinila ni ate ang buhok ko at dinuro ako

"You don't have the rights to disrespect mom!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Walang emosyon naman akong napatitig sakanya pero hindi nagsalita

"Erina stop hurting your sister..." Natigilan ako sa sinabi ni daddy. For the first time ay nagawa niyang sawayin si ate.

"I'm just telling her dad to stop disrespect mom..." Walang emosyon at malamig naman siyang tiningnan ni dad

"Still you don't have the rights to hurt her. Pagsabihan mo. You're the oldest, you should be the role model of your sister" Halatang natigilan si ate at napatingin sakin. Nilabanan ko naman ang titig niya

"Eric, that ungrateful daughter of yours is being a rebel. And what's worse is she's now carrying the cr*minals child. Nakipagtanan pa, nagpabuntis pa. What a shame. Palayasin mo nalang Kaya ang batang iyan!" Mataray at galit na saad ni mommy.

"Mom is right dad. I am being an ungrateful daughter and sakit ako sa ulo. I'm really sorry po for my mistake. I will accept if you will throw me out of our mansion and in our family, handa akong tanggapin ang lahat --

"And then what? Saan ka pupunta? Babalik ka sa kriminal na iyon?" Natahimik at natigilan ako.

"Stop saying that Psalm is a criminal. You don't know the real story behind it. Kayo rin naman daddy, kriminal din naman kayo" Walang emosyon Kong Saad na ikinagulat niya.

Maski si mommy ay nagulat sa sinabi ko at nanlalaki ang mga matang nakatitig sakin

"What are you talking about Erin?! Bawiin mo ang sinabi mo! Your dad is not a cr*minal" Hindi ako bumaling Kay mommy at nanatili ang titig Kay daddy na ngayon ay namumutla dahil sa sinabi ko.

"Why don't you ask dad instead? Bakit hindi niyo kompirmahin mismo sakanya?" Nagulat ako nang sampalin ako ni ate at galit na tiningnan

"Magpasalamat ka at nakahiga ka sa hospital bed, dahil Kung nakatayo ka pa ngayon, matagal na kitang sinabunutan" Pinantayan ko ang galit niyang titig

"Why don't you ask your father ate Erina? Try to confirm it to him. Baka sakaling makatulong" Sarkastiko kong Saad na mas lalong ikinagulat niya. Natulala siya at hindi nakapagsalita

"Bring me back to Psalm. I want to see him. I will tell him that I am pregnant with our child--

"No!" Matigas na saad ni dad at tiningnan ako nang may pagbabanta

"Don't try to tell that b*stard about that child you're carrying or else you will abort that baby..." Hindi ako makapagsalita at natulala

"You need to marry Shawn instead. He agreed to be the father of that child--

"No! May ama ang anak ko dad bakit ipapaako mo sa iba?! How could you?! Hindi ako papayag!" Sigaw ko sakanila.

"Bring me back to Psalm--

"I won't allow that k*ller to be the father of my grandchild... Never! Choose wisely Erin, you will marry Shawn and let that kid live or abort that baby?" Natahimik ako at hindi nakapagsalita. Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko

Umiling iling ako at napahinga kay Shawn na ngayon ay matamang nakatitig sakin

"N-no... Ayoko daddy! Please let me child live I won't marry Shawn! No way Kay Psalm lang ako magpapakasal..." Umiiyak kong saad. Napaasik naman si mommy at hindi makapaniwalang nakatingin sakin

"Ano bang pinakain sayo ng lalaking iyan at bakit gustong gusto mo siya--

"Mahal ko siya mommy..." Diretsahan kong Saad. Hindi naman makapaniwalang nakatingin sakin ang mga magulang ko.

Nakita ko ang pagsinghap ni Shawn. Napatitig ako sakanya nang makitang nagsimula siyang umiyak habang sinasabunutan ang buhok niya.

"P*t*ng*na..." Mahina pero malutong niyang mura.

"Mahal mo? My God Erin Leigh! Nag iisip ka ba? You love a k*ller? Disgusting!" Galit kong tiningnan si ate

"Stop saying that Psalm is disgusting! Tinatanong niyo kung bakit ang bilis ko siyang mahalin? Malamang, pinaparamdam niya sakin na mahalaga ako, na pwede akong mahalin, na pwede akong alagaan nang hindi ko hinihingi. Mommy, daddy... Mahal niya ko. Inalagaan niya po ako---

"Then how about me Erin?!" Napatingin ako Kay Shawn na namumula ang mga mata. Halatang umiiyak

"I also loved you buy why did you choose to be with him instead of me? Ganun lang ba kadali sayo ang itapon lahat ng nakaraan natin---

"Nakaraan?" Natawa ako at nag iwas ng tingin sakanya.

"You're asking why did I choose him over you? Simple, because Psalm treats me better than you... Bakit parang naging kasalanan ko? Di ba Ikaw Ang may gusto na magkahiwalay tayo? You agreed to marry my sister and then I let you, so now let me marry Psalm too..." Giit ko.  Hindi naman Sila nagsalita Kaya napailing ako

"Bring me back to him... Dad I'm sorry but hindi ko ipapaako kay Shawn ang pagiging ama ni Psalm sa anak ko. Psalm can be a father to my child---

"No way!" Napaigtad ako dahil sa lakas ng sigaw niya.

"You will be grounded until you accept Shawn as the father of your child! Period!"

The Criminal's VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon