VICTIM XIV

9.9K 184 5
                                    

VICTIM XIV

Naiilang na napapatingin Ako Kay Psalm na ngayon ay normal na kumikilos. Wala siyang pakialam at parang hindi man lang nakaramdam ng ilang hbang kaharap ako. Kumakain kami ngayon at kagaya ng dati ay Ako ang pinagluluto niya habang tinuturuan niya ko. Mabuti nalang at di niya inulit ang kanina.

"Stop staring love and eat" Saad niya habang sinasandukan ako. Hindi ako umimik at nagsimula nalang na Kumain.

"Sleep early Erin. I'll just go somewhere. Babalik din ako kaagad" Saad niya na ikinatigil ko. Sandali Kong inilibot ang tingin sa buong kabahayan

"P-psalm... Wala naman sigurong m-multo dito di ba?" Natatakot kong tanong. Takot ako sa multo Kaya naman kahit Anong mangyari ay gusto ko na palagi akong may katabi, kadalasan ay mga kasambahay namin na pinipilit Kong tabihan ako.

"There's no ghost here Erin. Don't worry" Natahimik ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Okay fine, I won't left here until you don't fall asleep" Saad niya na ikinahinga ko ng maluwag.

Nakahiga ako sa kama habang tulala sa kisame habang siya ay nasa tabi ko at nakayakap sakin. Nakasiksik ang mukha niya sa balikat ko at nakatanday ang Isang paa sakin

"Sleep Erin. Stop thinking about your j*rk boyfriend" Kunot noo ko siyang tiningnan at naiinis na nagsalita

"Pwede ba, stop mentioning him. Hindi ko na siya iniisip" Inalis niya ang mukha sa balikat ko at tinitigan ako

"Dapat lang. Ako lang dapat ang isipin mo" Malamig niyang Saad at sumiksik sa leeg ko. Hindi ko siya sinagot at napalunok nalang Saka pumikit at nagdedesisyon na matulog.


Nang imulat ko ang mga mata ay Nakita kong Wala na si Psalm sa gilid ko. Bumangon Ako at napatingin sa wall clock. Pasado alas onse na ng Gabi. Napatulala ako at nag iisip kung ano kayang ginagawa niya at kung bakit Wala na naman siya sa mga ganitong oras.

P*m*p*t*y na naman ba siya ng tao? Napahinga ako ng malalim. Muntikan ko nang makalimutan na isa Pala siyang kr*m*nal at Ako ang biktima niya.

Nawala sa isipan ko ang pagtakas dahil kahit ilang Araw lang kaming magkasama ay naramdaman kong komportable Ako sakanya.

Tuluyan akong bumangon at bumaba sa hagdanan. Napatigil Ako nang makarinig ng mga lalaking nag uusap sa baba.

Kunot noo akong tiningnan iyon at may nakitang Isang gwapong lalaki na may matalim na tingin. Natigilan Ako nang maalalang isa ito sa pinsan ni Psalm na pumunta dito nung nakaraan. Napalingon din ako sa tiningnan niya at Nakita ang nakatalikod na si Psalm na prenteng nakaupo. Nakatalikod siya sa gawi ko Kaya di niya ko nakikita

"What the f*ck Psalm! How dare you to kiss my wife!" Galit nitong saad na ikinatigil ko. Hindi Ako nakaimik dahil sa narinig.

"Wife your a**. As far as I remember, Elinita is not yours... you don't have the rights to own her because you're a j*rk" Malamig na Saad ni Psalm. Sino si Elinita?

"And you're not? Mas g*go ka pa kaysa sakin Psalm tandaan mo yan" Matigas na Saad ng lalaki.

"Well I have my reasons why I'm being a j*rk. I'm just comforting her because she's hurt" Saad ni Psalm. Bigla naman akong nakaramdam ng sakit dahil sa sinabi niya

"I can see in her eyes that she's hurt Lucas. And if ever you hurted her again, I swear. Aagawin ko siya sayo. I can be a better man for her" Saad niya na ikinatulala ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Medyo nasaktan Ako sa sinabi niya at natigilan pa

"You don't care about us Psalm. Leave her alone or else... I will going to surrender you to the st*pid cops" Dahil sa sinabi ng lalaking nagngangalang Lucas ay natawa si Psalm. Yung tawa na sinasabing parang Isang napakalaking biro ng sinabi ng lalaki

"Then go. If you don't want me to touch her again then better take good care of her and treat her better than you can. She's your obsession but you're hurting her innocent feelings. She don't deserve to be hurt Lucas. She's precious" Napahinga ako ng malalim at bumalatay sa Mukha ko ang lungkot at pagkadismaya dahil sa narinig. Kung ganun ay may nagugustuhan na Pala si Psalm na iba? Hindi ko maiwasang malungkot at matakot

Natigilan ang lalaking nagngangalang Lucas nang mapatingin sa gawi ko. Nagitla Ako at natulala habang nagkatitigan kami. Tiningnan niya ang kabuuan ko

"I didn't know that your victim is really this beautiful" Malamig niyang Saad at ngumiti sakin na ikinatulala ko. Kagaya ni Psalm ay nagtataglay din ito ng pambihirang kagwapuhan.

Napatingin agad si Psalm at biglang dumaan ang galit sa mga mata at umigting ang pangang nakatingin sakin.

"What the f*ck Erin why did you leave out the room?" Agad siyang lumapit sakin at hinarangan ako Kay Lucas

"Tsk tsk! She's beautiful. Can I have her then? Palit tayo" Malamig lang na tiningnan ni Psalm ang lalaki

"Get out Lucas and don't ever come back again" Ngumisi ito ng pagkalaki laki at tumitig ulit sakin

"Is she the daughter of Eric Castillego?" Nagulat Ako nang banggitin niya ang pangalan ni daddy. Kilala niya si Daddy?

"Shut up Lucas..." Ngumisi lang ulit ang lalaking nag ngangalang Lucas at napahawak sa labi niya.

"Spare her Psalm and stop playing her. She's innocent just like what Salvo said" Seryosong Saad ni Lucas na nakapagpalito sakin. Anong ibig niyang sabihin? Playing?

Napatingin ako Kay Psalm na ngayon ay nakatitig sakin ng matiim

"A-anong ibig mong sabihin? Bakit mo kilala ang daddy ko?" Bigla akong kinabahan nang makitang pinigilan nitong ngumisi sakin

"Get back to our room Erin" May babala ang boses niya at hinawakan ang braso ko. Binawi ko ito sakanya habang nakatingin parin Kay Lucas

"Our room? So you two shared one room? Binabahay mo na Pala ang anak ni Castillego? What a shame Psalm. Ano nalang ang sasabihin ng magulang mo lalong lalo na si tita. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang Hindi mo pa tinatapos ang buhay ng anak ng lalaking iyon, at baka nakakalimutan mo kung Anong ginawa ng h*yop na iyon sa kapatid mo" Galit na binalibag ni Psalm ang vase na ikinigtad ko. Tulala ako habang napakunot ang noo at naguluhan dahil sa narinig

Napakuyom ang kamao niya habang Galit na nakatitig sa pinsan na ngayon ay natigilan at napatingin sa vase na nasa may paanan niya

"Get out of here Lucas. It's better if you stop meddling about my business. Alam ko ang ginagawa ko at oo. Hindi ko nakakalimutan ang ginawa ng h*yop na iyon sa kapatid ko. Dudurugin ko siya at uunahin ko ang anak niya" Mas Lalo akong natulala dahil sa sinabi niya at biglang siniklaban ng takot sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit Ako nasasaktan dahil sa narinig Mula sakanya

"Get back to our room Erin kung ayaw mong mawalan Ako ng pagtitimpi" Hindi ako umimik at nanginginig at dahan dahang pumasok sa itaas.

Napatakbo ako sa kwarto at naluluha habang dahan dahang sinarado ang pintuan ng kwarto. Napahikbi ako at nalilito habang pinoproseso ang sinabi ng lalaki kanina.

A-anong meron? Bakit may narinig aking pangalan ni daddy? Bakit niya Ako kilala? At... Anong nangyari sa kapatid niya?

The Criminal's VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon