VICTIM XV
Buong gabi akong umiyak at hindi pinagbuksan ang kumatok na alam kong si Psalm. Kahit na magkasalo kami ng kwarto ay hinayaan ko siya sa labas dahil hindi ko siya kayang makita. Hindi ko alam kung bakit naging mabigat ulit ang pakiramdam ko sakanya lalo na sa pinakita at narinig ko kanina
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Tulala akong nakatingin sa kisame at nag aalinlangan pa kung bababa ba ako. Nandun si Psalm panigurado. Napatingin ako sa wall clock at nakitang pasado alas syete na ng umaga.
Dahan dahan Kong binuksan ang pintuan at naglakad pababa ng hagdan. Nakita ko kaagad si Psalm na nasa lamesa nakaupo. May mga pagkain sa harapan niya pero hindi niya ginalaw man lang.
Natigilan Ako nang makitang dalawa ang platong pinaghanda niya. Hindi ko maiwasang maisip na para sakin iyon.
Napalingon siya sakin at sandali kaming nagkatitigan. Hindi ako umimik
"Come here Erin. Let's start eating" Hindi ko siya pinansin at nag iwas ng tingin saka dahan dahang lumapit sa lamesa.
Nagsimula na siyang Kumain Kaya naman ay kinuha ko ang platong pinaglagyan ng pagkain ko. Sa kwarto ako kakain.
Kunot noo naman siyang napatingin sakin. Ramdam ko ang titig niya pero hindi ko siya nilingon pa. Ayoko siyang lingunin baka magbago ang isip ko.
"Where are you going?" Malamig niyang tanong sakin. Kumuha ako ng tubig at nilagay ang pagkain ko sa tray nang hindi parin siya nililingon at nanatiling tahimik
"Sa taas ako kakain" Maikli Kong Saad at umakyat sa itaas. Kahit ramdam ko ang titig niya ay pinanatili Kong normal ang kilos ko at hindi siya pinansin.
Nilock ko ulit ang pintuan at nilapag ang tray sa kama. Sandali akong napatulala at biglang nakaramdam ng konsensya. Doon ko napansin na parang ang bastos ko naman ata kung iniwanan ko siya doon. Alam ko na siya ang naghain nito at di man lang ako nagpasalamat sakanya. Napahinga ako ng malalim
Hindi ko kase siya kayang makaharap. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kasalanan ako sakanya kahit Wala naman. Mabigat ang dibdib ko habang nakatingin sakanya. Para talagang may Mali. Mas Lalo pang dumagdag sa isip ko yung sinabi ng pinsan niya na hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako
Bumalik sa alaala ko ang babaeng nagngangalang Elinita. Sino Kaya siya? Bakit parang pinag aagawan siya nina Psalm at nung Lucas? It means... Magkaribal Sila sa Isang babae? Nabitawan ko ang kutsara na hawak at parang nawalan ng gana dahil sa naisip.
Napapikit ako at napahinga ng malalim. Pagkatapos Kong Kumain ay tahimik ulit akong lumabas at pumunta sa baba para hugasan ang pinagkainan ko.
Natigilan Ako nang maabutan ko si Psalm na nakatulala habang nakaharap sa lababo. Parang may hinihintay siya. Dahan dahan akong lumapit Doon at nakitang hindi niya pa hinuhugasan ang pinagkainan niya kanina.
Nilingon niya ko at nang makita ako ay kaagad niyang kinuha sa mga kamay ko ang mga Plato.
"A-ako na..." Iniwas ko ang hawak ko nang akma na niya itong kukunin. Natigilan naman siya at hindi umimik
"No. I can wash that--
"Psalm ako na. I'm your slave here so definitely it's my job to do this" Putol ko at di na siya pinansin pa.
Nagsimula na akong naghugas nang magsalita siya
"Erin I can wash that, magpahinga ka nalang ulit--
"No Kaya ko na. Salamat nalang. Nakakahiya naman kung Ikaw pa ang maghuhugas. Ikaw na ang nagluto Kaya ako ang maghuhugas" Nakatalikod Kong Saad at di siya nilingon.
Narinig ko ang pagbuntung hininga niya. "Okay fine... J-just... Ask me or call me if you need anything" Tumango lang ako at nagpatuloy sa paghuhugas.
Napahinga ako ng malalim nang mapansin ang pag alis niya. Nakaramdam ako ng dismaya dahil Wala na naman siya at di ko na naman Makita. Erin... Ipagpatuloy mo yang ginagawa mo at kalimutan muna si Psalm.
Kinagabihan ay hindi ko siya nakita sa buong kabahayan. Napakunot ang noo ko nang makitang Patay ang ilaw paglabas ko ng kwarto. Tahimik na tahimik.
Pina on ko ang ilaw at Nakita ang tahimik na paligid. Napabuga ako ng hangin at nagbabakasakaling makita si Psalm pero Wala.
Napabagsak ang balikat ko nang hindi ko siya Makita sa kusina. Walang tao. Dahan dahan akong lumapit sa mga lalagyan ng mga pagkain pero bumagsak ang balikat ko nang makitang Wala man lang nalutong kanin at ulam.
Wala akong nagawa kundi ang magluto nalang. Napatigil ako nang maalala si Psalm. Nasaan Kaya siya? Napahinga ako ng malalim at napagdesisyonang lutuan nalang din siya.
Sinunod ko ang sinigang na nilutlo niya at Panay ang tikim dahil baka maalat o matabang. Napakamot ako ng ulo nang Hindi parin ako masigurado sa lasa at timpla ng niluto ko.
Parang gusto kong maiyak hasng nakatingin sa niluluto ko na Panay ang kulo nito. Napapaisip ako kung ano ang sunod Kong gagawin.
Napakamot ako sa ulo at nagdedesisyon nalang na maghain. Nagkibit balikat ako. Ako nalang siguro ang kakain ng lahat ng ito. Tutal Wala naman si Psalm. Nakakahiya naman kung matitikman niya toh tapos hindi Tama ang lasa.
Napatigil ako nang bumukas ang pintuan Kaya natigil Ako sa ginagawa. Pinakiramdaman ko ang labas at napatingin sa may pintuan ng kusina. Nagitla Ako nang pumasok Mula Doon si Psalm. Napatigil siya nang makita ako.
Sandali akong napatulala sakanya at natuod sa kinatatayuan. Sandali kami g nagkatitigan
"Erin? What are you doing?" Natigilan siya at napatingin sa kalan Saka nabaling sakin.
Nahihiya naman akong ngumiti sakanya. Dahan dahan naman siyang lumapit sakin at tiningnan ang niluluto ko
"Why are you cooking?" Mahina niyang tanong kaya napayuko ako at napahawak sa kamay ko.
"I-i'm hungry..." Mahina kong Saad na ikinatigil niya. Naramdaman kong nakatitig siya sakin Kaya mas lalo akong napayuko.
"Just sit there and wait for me" Malamig niyang Saad at siya na ang tumapos sa niluluto ko.
Siya na ang naghain pagkatapos. Hindi ako umimik habang kumakain. Ramdam ko ang titig niya sakin
"Why did you go down late?" Hindi ko siya sinagot kaagad. Ramdam ko na nag aantay siya ng Sagot
"H-hindi pa ko nagugutom kanina" Maikli kong Sagot sakanya. Sandali naman siyang hibdi nakaimik habang ako ay kinakabahan sa presensya niya.
"Stop giving me short answers Erin. Kung tungkol toh sa narinig mo kanina well--
"Ano Psalm? Ano ba ang dapat kong malaman? Sabihin mo nga sakin... Ano ba talaga ang kailangan mo sakin? Nabanggit Nung pinsan mo na dahil sa daddy ko. Bakit? Anong ginawa ni daddy at pati ako dinadamay mo? Psalm--
"I like you Erin..." Natulala ako at di nakapagsalita sa walang preno niyang pag amin. Hindi ako nakaimik at nanatiling nakatulalang nakatingin sakanya habang siya ay nakatitig din sakin na parang may sinasabi ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
The Criminal's Victim
Romance"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest