chapter 20

3 1 0
                                        

Song: heaven knows -this angel has flown by orange lemmon


Sam



It's been two years since Javen passed away and here I am naka confine ulit and my condition is getting worse and worse as day past pero hindi na ako lumalaban because what's the point in fighting anyway?


Hawak ko ang camerang bigay ni javen suot ko din ang kwentas na bigay nito.


I was looking back to the things that I can't go back to. The only memory that Javen left me. Masakit parin isipin na wala na talaga ito at hindi talaga ito panaginip.


Napatigil naman ako ng makita na puro picture ko na ang laman ng screen.


Pati yung picture nung nasa rooftop kaming dalawa yung kala kong  view yung pinipicturan ni Javen, but it was me all along.


Then a picture of me and Javen happily smiling at the camera flashed on the screen this was our last picture together. Habang tinitingnan ito ay hindi ko maiwasang mapa iyak.


"Ang daya mo naman Javen Sabi mo walang iwanan."

"Sam." Naiiyak na tawag saakin ni ate.


"Sam parang awa mo na please lang uminom ka ng gamot wag mong itapon! At please mag pa treatment ka! I don't want to lose you Sam parang awa mo na." Mahigpit naman na hinawakan ni ate ang kamay ko.


"Ate." I called her.


"My decision is already final." I smiled at her.


"Selfish mo paano na kami nila mama? Si papa? Hindi kapa nun nakikita!" Iyak na saad nito.


"Kahit naman magpa treatment ako wala paring mangyayari babalik at babalik parin ang sakit ko and besides sayang sa pera."

"Sam naman wala akong pake, kami kung maubos pa ang pera namin gumaling kalang! Kaya please lumaban kanaman oh."


"Ate kahit anong gawin ko dadating at dadating ang oras ko at walang kahit sinuman ang makaka pigil dun maski mga doctor o gamot. Wala ate. Sorry." Wala itong nasagot kundi tanging pag iyak nalang


"Sam naman ang daya mo!" She said.


1 year later


Awang awa na naka tingin si ate saakin habang namimilipit ako sa sakit. Isinugod nanaman ako sa emergency room. Naka ilang suka na ako ng dugo at alam kong malala na talaga ang lagay ko.


"D-doc." Hinang hina kong tawag sa doctor na ready na akong turukan ng anesthesia.
Tumingin ito sa akin pero nginitian ko lang ito at umiling.


"Please don't." I said napilitan pa itong hindi ako turukan pero I insist.

Napa sigaw ako ulit dahil sa sakit.


Lord kayo napo ang bahala sa akin. Mahinang dasal ko.


"Sam." Parang nawala lahat ng sakit ng marinig ko ang Isang pamilyar na boses.

"Javen!" Naiiyak na tawag ko rito.

"I've miss you! Ikaw ba talaga iyan?" Saad ko rito pero ngumiti lang ito.

"It's time to go, Sam. Let's go." He said

"Javen, hindi ko na kaya, I've fought for so long, I promised you that I'll live pero maybe 3 years is enough. I want to rest forever kasama mo! Please take me with you. Masyadong masakit nung nawala ka. My life is not the same anymore pero naging masaya ako sa buhay kong ito dahil I've met you and I've met them. Masaya akong nabuhay ako kahit panandaliaan lang masayang masaya ako." Naiiyak kong sabi and he hushed me.

"Happy birthday, Sam." Bati nito sa akin.

Mas lalo akong naiyak ng marinig ang pag bati nito it's indeed my birthday again.



Inilahad naman nito ang kamay niya na agad ko namang tinanggap. Nang mahawakan ko ang kamay nito ay napaka lakas na beeping sound ang narinig ko kaya napa tingin ako  sa likoran ko and there I saw myself lying peacefully on the hospital bed habang yakap yakap ni ate at mama.

Nandito sila nurse Jay. They're all crying.

"Sam, I've missed you. I've waited for so long to see you." He said while smiling.

"Javen." Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko rito dahil matagal akong nag hintay na makita siya ulit.

"I love you, Sam." He said.

" I love you too, Javen." I replied and together we walked to the light.

"Samantha Rye Francisco, time of death 10:25 pm."


Third person

Nag taka naman si Dianne ng mapansing parang may kausap ang kapatid nito, but then she heard Sam calling Javen and from that moment alam niya ng oras na ng kapatidya and all she could do ay hayaan ang kapatid.


"Sam, I hope you're happy." Iyak na saad ni Dianne habang yakap yakap ang kapatid.


"Happy birthday, Sam. Rest now. Mag pahinga kana ha! you did a great fight." She said as she cried and hugged her sister tight.

"Javen, Sam, please guide us." She said habang pinag mamasdan si nurse Jay na dahan dahang tinatakpan ng puting tela ang katawan ng kapatid.

"Goodbye, Jav. Goodbye, Sam. You two did a very good fight. Pahinga na kayo mahal na mahal ko kayong dalawa..... so long."

~~~



Rising Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon