Chapter 8 - A Nerd Is a Nerd </3

17.5K 391 5
                                    

Chapter 8 - A Nerd is a Nerd </3

[ Cyril's POV ]

Pagkagising ko, nasa ospital nako.. TAMA BA? Ospital to dibah? Oh Langit? Nakita ko si Gelo natutulog sa gilid ng kama ko.. Wow! Tumatanggap pala ng Cassa sa langit?

"Goodmorning Nerdy Dear"

Di ko sya pinapansin..

"Total, gising kana pala, eh uuwi nako, antayin mona lang sila Mama dito, May kikitain pako"

Wow Ah? Pochaaa dapat di mona ako binantayan aalis ka rin pala! Im okay na.. Onting galos lang pala yun pero? Yung 1500 ko T___T

[ School ]

"BFF!" eto si Kate sumasalubong sakin! "Okay kana? Buti naman! Yehey!"

"Oo haha, Geh Punta nako sa room ah?"

aamin na sana ako kay Gelo, naglagay ako sa letter sa locker nya, total ilang months nalang  graduation na, I should say my feelings na..

[ dismissal ]

"Wahahaha yung nerd na yun umamin kay Gelo? wahaha anong mapapala nya?"

"baka gawing taga gawa ng homeworks? hahaha"

Omg? nabasa na ata ni Gelo? Naglalakad ako ng harangin ako ng mga MALANDOTS NA BABAE >.<

"Hoy NERD? may paamin amin kapang nalalaman? A nerd is a nerd dear!"

Teka,sila ba nakakuha ng letter? OH NO! ANIYAAAAA!! >___<

"Anong nangyayari dito?" - Gelo

Binigay nung gurl na leader ata nila kay Gelo yung letter ko and binasa nya yun lahat sa harap ko with a high tone.

"Hey, Mahal na kita since 1st year palang tayo kaso di moko pinapansin.. All I want to say is MAHAL NA MAHAL KITA.."

Nagsitawanan yung mga girls at binuhusan nila ako ng isang timbang tubig..

"Hoy nerd! Kahit kelan di ako magkakagusto sayo.. Take a look at yourself naman! MAHIYA KA NAMAN! A nerd is a nerd!"

Ouch sinisigawan nya ako sa harap ng madmaing tao ngayon... Di ko mapigilan ang luha ko.. Then Pinagbabato Nila Ako Ng Itlog,Kamatis, at Harina... Di ako aware sa pinag gagawa nila.. Aware ako kay Gelo.. Sa Reaction nya.. Natawa sya..

"Girls? That's Enough. Let's Go, Im Craving For Your Pouty Lips" Umalis si Gelo habang ako ay nakatayo sa gitna ng hallway.. Nakita kong papalapit si Kate..

"BFF? Oh no? Sorry di kita nailigtas"

"Kate, It's Okay.. Gusto ko lang mapagisa ngayon, Kapag tumawag si Papa sayo, Wag mo sasabihin ang nangyari dahil ayokong mag alala sya sakin"

"Okay, pero promise me wag kang magbibigti? Laslas? Or kahit ano! BFF!"

Umalis ako sa harap ni Kate at dumiretcho sa rooftop at tumalon.. JOKE! Nakuha pang mag Joke eh noh? Hinayaan ako ni Kate at dinala na nya yung bag ko.. Pumunta ako sa may lake na ilang lakad lang from the park.. And Yes!! Lumabas akong ganto, Gusgusin! Habang naglalakad ako ay di ko mapigilan ang luha sa mga mata ko.. Naalala ko ung mga efforts na ginawa ko para sa kanya.. Nung 3rd year kami, Dapat ay magrerepeat sya kasi bagsak ang 3 Subjects nya.. Nung araw ng test, Nagvolunteer akong maging bantay at ung hawak nyang test paper ay pinalitan ko ng test paper na sinagutan ko.. Sumali ako sa decathlon team kasi alam kong player sya ng football.. Sumali ako noon para makita ko sya.. Kasi kung di ka player, Di ka pwedeng sumama.. Naalala ko rin nun, araw araw akong napunta sa grounds makita ko lang sya maglaro ng football.. buwis buhay kaya! Sa damuhan ka magtatago?  Di kasi allowed ang students manood kapag practices..

Pero ngayon, Pwede na! Nagbago na ang rules ng school. Nakarating ako ng lake ng tahimik.. Andun lang ako sa may bato, nakaupo, Naiyak.. Ayaw tumigil ng luha ko eh! Wala manlang nag cocomfort? Bakit sa ibang watty stories meron sila? Ba't ako wala? Oy reader, Alam moba san pwede ma Contact si MsFudgeeBurr? Sasakalin ko lang >_<

Mag-Gagabi na pala.. Ayoko pa umuwi.. Magdadrama muna ako.. Wala namang masamang loob dito eh.. Yes, Naiyak nanaman ako.. Wala akong pake kahit may pasok bukas.. Feeling ko kinocomfort ako ng lake nato.. Then bato ako ng bato..

"Bakit ba ganun sila? Bakit ba di nila ako matanggap ha?" Sabay bato! Hanggang sa maubos mga bato dito baka sakaling madampot ko bato ni darna!! Time Check.. 11:24pm..

[ Gelo's POV  ]

Umalis ako sa harap ni Cyril.. Ewan ko ano pang mukhang ihaharap ko sa kanya.. Well, pake koba? Habang may mga nakapulupot na babae sakin.. Sila ang kasiyahan ko hindi sya.. Hay nako makauwi na nga.. Pagkauwi ko ng bahay..

"Oh Gelo? Buti andito kana? Nawawala si Cyril di pa sya nauwi T.T" Alalang alala naman to si mama? Kala mo tunay na anak?

"Ano naman ngayon ma? Pagod nako gusto kona matulog"

"Ano ka banaman Gelo? Kelan kaba magbabago ha? Napakasama mo!" Aish~ masama na kung masama, wala akong pake sa nerd na yun!

"Bukas na Bukas hahanapin naten sya, Baka nasa kaibigan nya lang yun" - Tito Buddy

[ Cyril's POV ]

Time Check 12:06am.. Tumatawag si Tita.. Di ko sinasagot naka 200 missed calls na ata sila.. Sige na nga uwi nako! Total, tulog nanaman sila eh di na nila tatanungin kung anong nangyari sakin.. Sakto pagkauwi ko, Tahimik na.. Humiga nalang ako sa kama ko at natulog..

[ next morning ]

"Ahhhhh!! Magnanakaw!!"

"Tita asan? Dali papaluin ko" napatayo naman ako kaagad

"Cyril? Anong nangyari sayo?" Oh My Siomai! Nakalimutan ko, Gusgusin pala ako!!

"Wala po tita" tumakbo ako agad papasok sa cr.. Aish~ muntik na yun ah? Bumaba ako ng Walang imik, malaki ang eyebags, namamaga ang mata at ang tawag jan? DEPRESS!! Kinuha ko kaagad ang bag ko at umalis..

"Ijah teka lang, di kaba mag aalmusal?" - Tito

"Anak? May problema ba?" Di ko sila pinansin at lumabas nalang ako.. Then Dumiretcho ako sa lake.. Hindi to cutting ah!!

[ Gelo's POV ]

"Ahhhhh!! Magnanakaw!" Aish~ Anoba? Ang aga aga ingay ni Mama? Tsaka thief makakapasok samen? Nagshower nalang ako at bumaba.. Nakita ko naman si Nerd na ayun haha.. Mas masahol pa sa zombie ang mukha!! Nakakatawa ang aga naman ng kalendaryo nito sa halloween!! Umalis nalang sya bigla? Lagi nalang sya di nag aalmusal ah? I don't care!

( School )

Pagkapasok ko ng room, Nakita ko sa tabi ko, Wala si Nerd.. Kawawa naman yung zombie na yun haha baka late? Pero hanggang sa mag dismissal, Wala parin sya. Umuwi nalang ako ng bahay, sarado kasi ang bistro ni Miss Gonzales ngayon.. Pagkauwi ko.. Wala silang lahat.. Kumuha ako ng maiinom sa ref at may nakita akong nalaglag na note "Anak, di muna kami makakauwi, kayo muna ang bahala jan baka next tomorrow kami ng umaga makakauwi" Nabuga ko ung iniinom ko!! Kami lang dalawa? Aish~ >_<

Mr. Casanova Is Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon