FINALLY.
Sam's POV
“Seryoso ka ba?” ‘Di ko maintindihan mga sinasabi niya. “Akala mo nagalit ako dahil hindi mo napanood yung video ko?”
Nakatitig lang ako sa kanya. Ang alam ko ah… sa pagkakaalam ko lang naman. Si Felix yung nasagasaan. Pero, eto siya. Nakahiga sa hospital bed. Nakangiti. Parang walang aksidenteng naganap. Siya yung Felix na kababata ko, lagyan mo lang ng mga pasa at gasgas. Buti nalang at hindi malakas yung pagkakahagip sa kanya nung motor. Kung may masamang nangyari sa kanya, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
“Oo. Pero, kung hindi iyon ang dahilan… Ano?”
Natawa siya ng mahina. Hindi ko na napansin sila Mia at Luke na nasa loob din ng kuwarto. Kanina pa kami nandito. Hinintay lang namin magising si Yats. Dumating na rin si Tita, ang Mom ni Yats, kanina at bumili lang siya ng pagkain para sa amin.
Hinintay ko siyang sumagot. Hinintay ko sabihin niya ang totoong dahilan. Pero, iba ang narinig ko sa kanya.
“Mahal kita.”
“Ano?”
“Yun lang naman ang laman nung video eh. Umamin ako sa’yo.”
Teka. Ano daw? Mahal niya ako? Mahal ako ni Felix? Napaupo ako sa tabi niya, hindi alam ang sasabihin.
Nag-flashback yung mga araw na naglalaro pa kami dati sa playground nung bata pa kami. Kapag may nangaaway sa akin, lagi niya akong pinagtatanggol. Kaya nga siguro dati pa, crush ko na siya. Hanggang pagtanda namin, bago siya umalis papunta sa US, protective pa rin siya sa akin. Pero, hindi ko naman akalain na ganito. Ang pagtrato niya sa akin, parang sarili niyang kapatid, kaya lumaki akong kuya ang tingin sa kanya. Best friends… forever. Bakit ngayon niya sinasabi ‘to sa akin? Wala siyang pakialam kahit nandito si Luke. Sinabi niya ‘yun ng walang halong kaba, walang halong pagdududa. Sincere. Pure.
“Talaga?”
‘Yan nalang ang nasabi ko sa kanya. At tinago ko ang muka ko sa mga braso ko. Hinawakan niya ang ulo ko. Pinipigilan kong umiyak. Hindi sa dahil malungkot ako. Dahil masaya ako. Pero, hindi ko na alam ang iisipin ko. Buong buhay ko, nagpaparaya si Yats sa akin. Inaalala niya ang nararamdaman ko. Pero, ngayon… Sinabi niya naman ang nasa loob niya. Walang pakundangan, naging matapang siya. Hinanda niya ang sarili niya sa kahit anong reaksyon ng mga tao sa paligid niya. For once in his life, ang sarili niya ang inisip niya. At walang mali doon. Naiintindihan ko siya. Pero ngayon, wala akong ibang maisip na gawin kung hindi magpahinga. Iisipin ko lahat ng ito paggising ko. Magiging matapang ako. Kagaya ng ginawa ni Yats.
“Sobra.”
Narinig kong bumukas ang pinto at ‘yon na ang huling narinig ko nung gabing ‘yon.
~.~.~.~.~
Pagkagising ko, natutulog na si Felix. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Alas tres na pala. Pinanood ko si Yats matulog. Nagmumuni-muni. Bakit ako? Hindi ko maintindihan si Felix. Ang alam ko lang ay mahal niya ako pero, bakit? Hindi ko ine-expect ‘yun. Hindi ko talaga naisip na darating ‘yun. Tumayo ako at pumunta ng CR. Nakita ko si Tita, natutulog sa couch. Pagpasok ko sa CR. Tinignan ko agad ang sarili ko sa salamin. Tapos, naalala kong bumukas ang pinto kagabi bago ako tuluyang makatulog. Si Luke kaya ‘yun? Hindi niya na ba nakayanan ang mga narinig niya? Hindi ko alam. Hindi pwedeng hindi kami magusap bukas.
Naghilamos ako ng muka at lumabas ng CR. Umupo ulit ako sa mababang upuang malapit kay Yats. At pinanood ko ulit siyang matulog. Ang guwapo ng bestfriend ko. Matangkad, moreno, matangos ang ilong, makinis ang muka… kung wala lang ang mga gasgas niya at ang mahabang sugat niya sa noo. At kahit hindi siya mahilig mag-ayos, hindi katulad ni Luke, hindi mo maiiwasang mapansin kung gaano siya kalinis sa katawan, kaya siya mabango. Nakuha niya ang mata, ilong, at labi ni Tita at ang hugis ng muka at hubog ng katawan ni Tito.
Pagkalipat niya palang ng school a few months ago, napansin agad siya ng tao. May mga taong lumalapit sa akin kung minsan at tinatanong ako kung totoo bang bestfriend ko siya. Kahit sinong babae siguro, magugustuhan siya. Pero bakit ako ang napili niyang mahalin? Sa dinami-daming babae, ako pa. Ang isang katulad ko ang napili ng puso niya. Kung tutuusin, masuwerte ako. Pero, hindi ko alam kung papaano ako magre-react sa sitwasyon na 'to. Mahal ko rin naman si Yats ee. Pero. hindi katulad ng pagmamahal ko kay Luke. Bestfriend ko siya at sana kahit hindi ko masuklian ang pagibig niya kagaya ng gusto niya, manatili ito. Ayoko naman masayang ang lagpas isang dekadang pinagsamahan namin dahil dito. At sigurado akong maiintindihan ni Felix 'yun. Sigurado akong kung ano ang desisiyon ko, rerespetuhin niya 'yun. Dahil mahal niya ako. At malawak ang pagunawa niya. Alam kong habang buhay niya na akong pinagbibigyan sa lahat ng gusto ko.
Nagulat ako nang bigla siyang nagising.
"Oh, anong tinitingin-tingin mo diyan? Anong oras na? Kumain ka na ba? Nagpaalam ka ba kay Tita?" Tanong niyang sunod-sunod, nag-aalala.
Napangiti lang ako. "Ikaw 'tong naaksidente, ako 'tong inaalala mo."
At tumahimik ng sandali. Iniisip ko kung anong iniisip niya. Hindi naman siya mukang malungkot. Nagkatitigan lang kami. 'Di nagtagal, nagsalita na rin siya.
"Okay lang ako." Hindi ko alam kung anong 'okay' ang tinutukoy niya ee. Okay na siya ngayon pagkatapos ng aksidente o okay lang siya dahil sa iba pang rason. "Hindi ko naman hinihinging mahalin mo ako pabalik ee. Ang gusto ko lang, malaman mong mahal kita. Hindi naman ako nagalit dahil hindi mo napanood yung video ko ee. Nainis ako sa sarili ko. Dahil hindi mo nalaman agad. At hindi ko rin naman masabi sa'yo ng personal at harapan. Kasi natatakot ako. Naduduwag. Sa magiging reaksyon mo.. Pero, na-realize kong mali ako. Dahil nawalan ako ng tiwala sa'yo. Kilala na kita masyado para isipin pang magagalit ka 'pag nalaman mo ang totoong nararamdaman ko para sa 'yo. Alam kong tatanggapin mo ito. At masusuklian sa sarili mong paraan. Kaso, kinailangan ko pang mabundol at maaksidente para mapagtanto ang lahat ng iyon. Nakakainis." At tinawanan niya ang sarili niya.
"Salamat. Salamat sa lahat." At naipon ang luha ko sa mga mata ko. Ayoko sanang umiyak, pero hindi ko napigilan. Tinago ko ulit yung muka ko sa mga braso ko. At patuloy umiyak.
"Ang drama mo. 'Pagkatapos ko magpaliwanag ng ganoon, iiyakan mo lang ako? Madaya ka." At napangiti ako.
Hindi ko makakalimutan itong araw na 'to. Halo-halong emosyon. Yung utak ko, nandito lang sa loob ng kuwarto. Wala akong naisip na iba.
Kahit si Luke.
M!
SORRY TALAGA KUNG LATE AT MAIKLI. GUSTO KO LANG MAG-FOCUS SA SCENE NA 'TO EE. :D
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Teen Fiction"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...