SAM
Hindi ko na siya naabutan kahapon. Nakakalungkot naman. Nakakapanghinayang yung mga pictures na pwede kong makuha kung naabutan ko siya. Sabado ngayon. At wala akong maisip na gawin. Kung may pasok lang ngayon, mas matutuwa pa ako. Kasi makikita ko si Luke. Ngayon, kakatapos ko lang maglinis ng katawan at kumain ng agahan. Paakyat na sana ako ng kuwarto nang may nag-doorbell. Si Mia.
"Hi, Bes!" Masigla ngayon si Mia. Kagaya ng iba pang mga araw.
"Bakit ka napadalaw?" Nasa kabilang kanto lang ang bahay nila Mia. Kaya kahit anong oras ng kahit anong araw, nakakarating siya rito. Kilalang-kilala na siya ng nanay ko. Minsan nga, hindi na siya nagdo-doorbell kapag hapon at alam niyang gising na kaming lahat. Magkakilala na rin ang nanay naming dalawa. Simula nung bata pa ako, nakakalaro ko na siya. Pero, nung nagdalaga kami at hindi na masyadong lumalabas ng bahay para maglaro, nawalan kami ng komunikasyon. Lalo na't magkaiba kami ng Elementary School na pinasukan. Pero, ngayong High School na kami, hindi na kami mapaghiwalay.
“Oh, anong meron?” Bungad ko sa kaniya.
"Sabado ngayon, Bes. Wala akong magawa sa bahay." Pinapasok ko siya at umupo siya sa couch. Binuksan niya ang TV, Spongebob ang palabas.
"Ako rin. Buti nalang pumunta ka rito. Kumain ka na, may waffles diyan. Kuha ka lang."
“Kumain na ako sa bahay." Sabi niya ng hindi inaalisan ng tingin ang pinapanood niya.
“Okay.” At tinabihan ko siya sa couch.
Biglang lumabas ang nanay ko mula sa kusina, nakabihis na ng uniporme niya sa trabaho. "Mia, napadalaw ka."
"Good Morning, Tita. Pwede po ba kami umalis ni Sam?" Napatingin ako kay Mia. Wala naman kaming plano ngayon, sa pagkakaalam ko.
“Saan kayo pupunta?" Mahinahong tanong ng nanay ko.
"Sa school lang po, Tita." Bakit naman kami pupunta ng school?
"Oh sige. Isama niyo na lang si Shan sa inyo. Pupunta sa ako sa opisina at wala siyang kasama dito sa bahay. Oh eto,” Nag-abot siya ng 500 pesos kay Mia, “pangkain niyong tatlo."
Si Shan, ang nakababata kong kapatid. Mabait na bata naman iyon kaya walang problema. Pinanganak siya noong eight years old ako at six na siya ngayon.
"Mag-ingat kayo at 'wag magpagabi." Huling bilin ni Nanay. Binuksan niya ang pinto at lumabas ng bahay. Maluwag naman ang nanay ko sa akin at hinahayaan niyang gawin ang gusto kong gawin. Kapag may pinapabili ako sa kanya, sasabihin niya sa akin ng diretso kung may extra siya panggastos o wala. Walang paligoy-ligoy. Kaya magaan ang loob ko sa nanay ko kasi kapag may problema ako, nalalapitan ko siya at kapag umiiyak ako, hinahayaan niya muna akong umiyak at pinakikinggan niya muna ako bago siya magbigay ng pangaral niya sa akin. Sa ganoong paraan, nananatiling bukas ang komunikasyon naming mag-ina sa lahat ng bagay. Kahit sa mga bagay tungkol sa mga boyfriend-boyfriend.
Nag-aya si Shan sa Jollibee kaya pumunta muna kami doon bago tuluyang umalis.
"Nag-gm kasi si Sara sa akin. May pasok sila ngayon." Sabi ni Mia. Si Sara ay isa sa mga kabarkada ni Luke. Medyo close sila ni Mia dahil pareho silang kasali sa English Club.
"Buti naman at naisipan mo akong yayain. Kung hindi, magtatampo talaga ako sa'yo. Alam mo namang ayoko ng weekends diba? Kasi hindi ko siya makikita?" Wika ng pasasalamat ko sa bespren kong mahal.
At napag-usapan nanaman namin si Luke. Hindi nagsasawa si Mia na makinig sa mga kuwento ko. Kahit paulit-ulit nalang. At sobrang naa-appreciate ko 'yun. Hindi siya nagsasawa kahit bukambibig ko si Luke. Ewan ko ba kasi sa kanya kung bakit ayaw niya pang makaroon ng lovelife. O kahit crush man lang. Minsan nga, inaasar ko siya na magiging matandang dalaga siya sa hinaharap.
"Suportado naman kita eh. Alam ko namang alam mo iyang ginagawa mo. Sus, ikaw pa. Matalino ka kaya." Sabi ni Mia.
"Salamat, Bes." At nginitian ko siya.
Hinihintay nalang namin si Shan matapos sa kinakain niya. At aalis na rin kami papuntang school. Isang sakayan lang naman. Sana lang maabutan namin sila dun. Sana hindi pa sila pinapaalis.
"Nagustuhan mo ba ang lunch mo, Shan?" Tanong ko kay Shan habang pinipicturan ko siya. At sinagot niya ako ng 'oo'. Favorite niya talagang kumain sa Jollibee. Kasi, minsan lang kami lumalabas para kumain. Hilig kasi ni Nanay ang magluto. At habang tumatagal, lalong sumasarap ang luto niya. Natutuwa naman ako kasi hindi kami umaasa sa delata at order sa fastfood para sa pagkain namin. Kahit nagtatrabaho ang nanay ko anim na beses sa isang linggo, may oras siya para ipagluto kami.
Pasakay na kami ng jeep. Isang diretso ang dalawang liko lang ang kailangan para makarating ng school. Agad kaming nagbayad. Hinanda ko na ang camera ko nung malapit na kami sa babaan.
"Para po!" Sigaw ko ng malakas. At bumaba kaming tatlo.
Since ako lang ang may I.D. na dala, ako lang ang pwedeng pumasok. "Bes, hintayin niyo nalang ako dito sa labas."
Literal na tumakbo ako papasok ng school namin. Inakyat ko ang mga hagdan na dapat akyatan hanggang marating ako sa High School Building.
Inaasahan kong datnan ang guwapong muka ni Luke. Pero... ang nadatnan ko nalang ay yung tahimik at walang laman ng H.S. Building. Pinicturan ko na rin para maalala ko 'tong araw na 'to (ang ironic lang na nasaktan na ako, gusto ko pa maalala).
Hindi ko mapigilang mainis at manghinayang. Hindi ko mapigilang madismaya. Pero, siguro hindi talaga tinadhanang magkita kami ngayon. Nasayang ang effort ko.
Paglabas ko, nahalata agad ni Mia sa muka kong wala na akong naabutan sa loob.
"May Monday pa, Bes! 'Wag mo masyadong isipin 'yan." Masiglang pag-comfort sa akin ni Mia.
Nung mga panahong 'yon, gumagaan na ng kaunti ang loob ko. Pero, bigla akong nag-crave. Kwek-kwek. Siguro, nadala ng emosyon ko lahat ng kinain ko kanina. Napangiti nalang ako.
"Gusto ko ng kwek-kwek." Sabi ko kay Mia na tinawanan lang ako. Pero, sabi niya, may alam siyang malapit na carenderia sa San Juan na nagtitinda ng masarap at murang kwek-kwek. At agad naman namin iyong pinuntahan.
Sa first floor, nandoon ang cashier at mga tatlong tables. Umorder na kami ng kwek-kwek at softdrinks at nagmadaling umakyat. Bigla kong naramdaman yung pagod ko. Sa pagtakbo papuntang H.S. Building pati sa paglalakad papunta dito.
Sa second floor, nadatnan ko ang pitong tables. May aircon din, may TV, may isang malaking bintana na may isang napakaguwapong Luke sa tabi.
Wait, ano?! Bakit nandito si Luke?!
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Teen Fiction"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...