Sam's POV
Ang sama ng gising ko kanina.. Hanggang dito sa school BV ako eh. Kahit pagkain, hindi tumatalab.. Lunch time na.. Hindi ako kumakain.. I'm trying to imagine how Felix is getting along with 3-E, getting along with him. I'm hoping that Felix won't do anything unnecessary.
"Teh? Anyaree sa'yo?" -- Sinigawan ako ni Mia making me snap out of my thought.
"Ah, wala.."
"Si Luke nanaman ba?"
I nodded in agreement.
"Pwede bang 'wag mo munang isipin 'yan kahit sandali?"
My phone beeped.
From: Yats :)
Katabi ko nga yung Luke na sinasabi mo. Ang weird naman nito, laging sa side ko naka-harap. Parang magkagalit sila ni Montalban. Yun ba yung Ex niya?
BTW, wala kaming teacher, may seatwork lang kami. Kaya nakakapagtext ako. :D
Nawala sa isip ko na magkatabi nga pala sila nung girlfriend niya dati. Hala.. Baka ang dami niya nang problema, dumadagdag pa 'ko.
Nagreply ako.
To: Yats :)
Aa, oo, yun nga yung Ex niya. Pero, Yats, wag mong sasabihin na magkakilala tayo aa. Please.
From: Yats :)
Oo, alam ko. BTW, lumabas siya ng classroom, bakit kaya?
To: Yats :)
Hayaan mo na. :) Magseatwork ka na.
From: Yats :)
Sige, see you later. ^^
Pagkabasa ko nun, biglang may nagpatong ng Smart-C Lemon Squeeze sa table namin ni Mia.. Pagkatingala ko, si Luke.
"Kumain ka naman." -- Sabi niya. Halatang nag-aalala yung muka niya.
Hindi ako makatingin sa kaniya, nahihiya pa rin ako. Hindi ko alam kung paano klo sisimulan yung sasabihin ko.. Hindi ko alam kung anong magiging facial expression ko.. Natatakot ako on how he'll react.
Umupo siya sa tabi ko. -- "Uy.. Hanggang ngayon ba hindi mo ako papansinin? Sorry na. Sorry kung ginalaw ko yung camera mo. Ano bang gagawin ko para mabalik yung tiwala mo sa 'kin?"
"Sorry, Luke pero hindi muna kita kayang harapin ngayon.."
"Bakit?!"
"Kasi nahihiya ako! Nahihiya ako dahil alam mo nang may gusto ako sa'yo.. Naiilang na ako. Hindi na kita kayang harapin without thinking na nagmumuka akong tanga sa'yo."
Hindi ko na alam kung anong sinabi ko, pero I spoke from my heart.
"Ano ka ba, Sam? Kahit kailan hindi ko naisip yun. Nagkasama tayo kahit alam ko nang may gusto ka sa'kin, hindi naman ako nagbago diba? Sam, kahit ako naguguluhan na... Hindi ko na alam gagawin ko.. Hindi ako makatulog, dalawang gabi na.. Kakaisip kung paano ako magsosorry sa'yo..." -- Biglang nag-iba yung muka niya, tapos napakamot ng ulo. -- "Sorry kung Smart-C lang kaya ko ngayon.. May klase pa kasi kami ee."
Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi niya.. His smile never fails me. Hindi ko siya kayang tiiisin ng ganoon katagal. Kaya, niyakap ko siya, as a sign na 'okay' na.
Narinig ko siyang bumulong. "Salamat. Gusto pa kitang yakapin ng mas matagal, kaso may klase pa kami ee."
Bumitaw ako agad. -- "Ay, oo nga. Sige, tawagan kita mamaya."
Hinalikan niya ako sa cheeks, tapos bumulong ulit. -- "Sige. Bye. Sorry ulit."
"Bye."
As usual, hindi ko nanaman mapigilang ngumiti dahil sa kaniya. Hmm... :">
"Nagbalik ka na.. Nagbalik ka na talaga.. Yan ang Sam na bestfriend ko. Ngumingiti mag-isa, parang baliw." -- Pang-asar ni Mia.
"I guess I'm back. Pero kailangan ko pa i-kuwento kay Yats mamaya lahat ng nangyari."
"Ah, o sige, pero ngayon, kailangan muna nating pumasok, okay?"
"Ay, oo nga, time na!"
Lunch time, 2 days after kami nagka-conflict. Hindi naman kasi kami nag-away. Hindi naman kasi talaga ako nagalit sa kan'ya. Nahiya lang talaga ako.. Pero as usual, hindi rin nagtagal yung conflict na yun.. Kasi hindi ko siya natitiis... Ewan ko ba.. Parang kapag siya na yung nagsalita, nawawala lahat ng problema ko, lahat ng hiya, ilang, kaba, inis, stress, asar, or whatever Bad Vibes pa ang nageexist dito sa mundo.
Kaya bawat lagok ko ng Smart-C dito sa classroom namin sa Math, naaalala ko lahat ng good memories namin ni Luke simula nung nagkakilala kami..
yung SECOND TIME na may naghatid sa aking lalaki sa bahay,
yung SECOND TIME na may nagsundo sa aking lalaki dito sa bahay,
yung SECOND TIME na may nagbigay sa aking ng bulaklak,
yung SECOND TIME na may naka-share ako ng ice cream,
yung SECOND TIME na may nakaholding-hands akong lalaki,
yung SECOND TIME na may kasabay akong matulog na lalaki,
yung SECOND TIME na pumunta ako sa bahay ng lalaki, na kami lang dalawa,
yung SECOND TIME na may umiyak na lalaki sa harap ko,
yung SECOND TIME na may lalaking yumakap sa akin,
at yung SECOND TIME na may humalik sa akin sa cheeks.
Second time lang lagi si Luke..
Kasi yung FIRST TIME'S...
Si Felix yung kasama ko.
--------------------
INSPIRED BY GENIELYN 'ROSE' SORIANO. :D :bd
M!
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
ספרות נוער"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...