Sam's POV
Infairness, ang encounter kanina, nakaka-tense. Tinatawanan ko na lang siya. Subukan niya ulit lumapit sa 'kin, iba na matitikman niya. Si Luke na yung sasaktan niya ee, iba na yun.. Pag malaman-laman ko na may ginawa siya kay Luke sa Monday, ewan ko na lang.
"Wooy, kanina pa ako nasasaktan aa. Galit na galit pa rin?" -- Di ko namalayan, ang higpit pala ng hawak ko sa kamay niya habang nakahiga kami dito sa kama niya, nanonood ng Spongebob.
"Ay, sorry." -- Niluwagan ko lang yung hawak ko. Ayokong bumitaw no!
"Ano bang problema mo? Yung kanina pa rin ba?"
"Uhmm.. Bumabagabag pa rin kasi sa utak ko yung mukang aswang na yun ee." -- Natawa siya.
"Hahaha! Si Marinelle?"
"Ay, hindi, ikaw. Muka ka bang aswang?"
"Wag ka nang bitter. Iyong-iyo na 'ko."
"Tumigil ka aa."
"Bakit ayaw mo ba?"
The next thing I know, nakahiga na ako sa balikat niya, nakaakbay siya sa'kin, habang hawak ko yung isang kamay niya.. Nakayakap na 'ko sa kan'ya. Feel na feel ko na 'to. Parang akin na akin na nga siya. Hmm..
"Muka bang ayaw ko?"
"Feel na feel mo nga ee."
"Parang ikaw, hindi aa."
"Feel na feel ko rin. Wala nang mas gaganda pa sa araw na 'to. O kaya sa buong linggo, o di kaya sa buong buwan."
"Ang O.A. mo."
Pinikit ko na yung mga mata ko. Habang tuloy pa rin siya sa pagsasalita kung gaano daw siya kasaya ngayon.
"Naaalala mo nung nakatulog ka sa jeep, tapos nananaginip ka na may sinasabi ako sa'yo?"
"Oh?" -- Huh? Bakit ang lakas ng tibok ng puso niya? Kahit ako, naririnig ko na.
"Meron talaga akong sinabi sa'yo nun..." -- Napadilat ako..
"Huh? Ano yun?"
"Umamin na ako sa'yo nun."
"Umamin na ano?!" -- Napaupo na ako.. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Naririnig ko na rin yung tibok nung sa akin. Umupo na rin siya. Kinuha niya yung kamay ko sabay sabi ng...
"Sam, gusto rin kita."
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Na-overwhelm yata ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang saya ko. Pero.. Hindi pa pwede, ayoko pa. Nangako ako sa puntod ng Papa ko na magboboy-friend ako, 'pagkatapos ko na ng college. Tsaka, si Luke na ba talaga?
Bumitaw ako. -- "Makakapaghintay ka ba?"
"Huh?"
"Masyado pa tayong bata."
"Sino bang may sabing ngayon na agad?"
Namula ako, hiyang-hiya sa sinabi ko. Akala ko kasi yun na ee. Buti nalang naiintindihan niya ko. :">
"Uhmm.. Wala.."
"Ikaw aa, atat ka masyado." -- Hinawakan niya yung pisngi ko. -- "Dadating din yung panahon na yun. Liligawan din kita. Wag kang magpapaligaw sa iba aa."
Hindi ako makapaniwala. May gusto rin siya sa 'kin.. Ang lalaking kinababaliwan ko, ang naging biktima ng stalking superpowers ko, at ang pinangarap ko. Hay..
"Kailan pa?" -- Humiga ulit ako sa balikat niya. Inakbayan niya ko, sabay humiga rin siya sa kama. Niyakap ko siya, hinawakan ko yung isa niyang kamay.
"Hindi ko rin alam ee. Nangyari nalang." -- Huminga siya ng malalim. Tapos.. -- "Eh ikaw? Kailan pa?"
"Nangaasar ka ba?" -- Pinisil ko yung kamay niya.
"Aray! Nagtatanong lang ako!" -- Parang natatawa siya.
"Alam mo na naman ee."
"Eh, gusto ko galing sa 'yo."
"May gusto na 'ko sa'yo, last year pa, pagkatungtong ko ng High School, ikaw agad nakita ko. Simula nun, ginawa ko na lahat para mapansin mo 'ko. Kaso medyo nahihiya akong lapitan ka."
"Ano ba yung mga ginawa mo?"
"Nag-aral ako ng mabuti.." -- Tapos bigla niya akong inunahan ng salita.
"Grabe ka, kaya ka pala nag-Top 2 last year."
"Buti naman napansin mo.. At least kahit papaano, successful ako."
"Yun lang ba?"
"Baka naman bumaba tingin mo sa'kin."
"Huh? Bakit naman? Hindi 'yan. Pumatay ka ba? Nagnakaw?"
"Abno. Hindi. Pero, ilang beses na rin ako nakarating sa harap ng bahay niyo.. Sa harap nito.. ."
"Sinusundan mo 'ko no?" -- Nang-aasar nanaman yung tono niya.
"Eh kung 'oo', anong gagawin mo?"
"Grabe. Ang galing mo ring umarte nun no?"
"Huh? Umarte saan?"
"Nung unang beses kita dinala dito... Paniwalang-paniwala akong first time mong makita 'to."
"Ganoon talaga..." -- Syempre naman no, para hindi ako halata. -- "Pero hindi na arte yung pagpasok natin. Nagandahan talaga ako sa bahay niyo."
"Oo na, Ms. Best Actress."
"Hoy, ikaw nga rin ee.. Kahit alam mo nang may gusto ako sa'yo. Ang galing mo ring umarte as if wala kang alam."
"Edi Mrs. Best Actress."
"Huh? Bakit naman?"
"Eh ako yung Mister mo ee."
Wow naman.. Nakakakilig. FUDGE.. We'll have child stars as our children. OHA?
"Pero, salamat." -- Bigla niyang hirit. Naguluhan ako.
"Para saan naman?"
"Sa lahat ng effort mo sa 'kin... I have the most amazing fan ever."
"I'll always be your number-one fan." -- Honest kong sagot... Totoo naman kasi ee. Kahit ganito na kami ka-close.. At parang hindi ko na itutuloy yung 'stalker scrapbook'.. Gagawin ko siyang photo album ng lahat ng memories namin.
"I love you."
EH ANO PA BANG ISASAGOT KO?
"I love you, too."
And he kissed my forehead.
I could live with this forever. Feel na feel ko na wala nang space sa pagitan namin. Nakadagdag pa yung pabango niya.. Dahil nga dapat aalis sila ni Impakta. Hihi..
Mahal ko na nga yata 'to.
*RRIIIIIINNNNGGGGGGGG.*
Ang panirang ring ng cellphone ko. BOW.
---------------------------
Enjoyed this chapter? Ako rin ee. :D
M!
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Novela Juvenil"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...