Sam's POV
Nagising ako, nasa kuwarto na ako. Naalala ko yung mga araw dati nung bata pa ako na ganito din.. Natutulog sa sala, nagigising sa kuwarto..
Pagkakita ko sa orasan, 9:30am na.. Mahaba-haba din ang tulog ko.. Kaso, nasaan na sila? At paano ako napunta dito, eh sa couch ako natulog? Hmm..
Nagtoothbrush agad ako, gaya ng nakaugalian ko.. Naghilamos at nagpalit ng damit..
Lumabas ako ng kuwarto ko at sumalubong sa akin ang humahalimuyak na amoy ng paborito kong hotcakes. Kahit hindi ko pa nakikita, amoy pa lang, hotcake na hotcake na.
Bumaba ako ng hagdan, para makita silang nagluluto...
Wait.. Bakit nandito pa sila? Umaga na aa! Si Felix at Mia, okay lang yan, kaso si Luke? Nagpaalam ba 'to?
Napangiti siya sa akin habang papunta siya sa kinatatayuan ko. "Good Morning.. Ang haba ng tulog mo aa." Ngayon ko lang napansin na iba na yung damit niya.
"Anong oras ka pa dito?" Nakatingin lang ako sa kaniya..
"Kakarating ko lang din.. Nahirapan nga akong magpaalam kasi madaling araw na rin ako nakauwi." Napahawak siya sa likod ng ulo niya.
"Oh, mamaya na 'yan, luto na yung favorite mo oh!" Sigaw ni Felix, hindi nakatingin, habang hinahain yung hotcakes, si Mia naghahain ng plato't baso.
Hindi maalis yung tingin ko sa hotcakes.. Kaya hinawakan ako ni Luke sa likod, hinatid niya ako sa table."Malamang, gutom ka na."
"Hehe. Medyo nga.."
"Halika na, Bes. Kain na.. Ang haba naman ng tulog mo. Nauna pa kaming magising, eh kami na nga yung mas madami pang nainom.." Oo na, Mia.. Ako na mahina uminom.
"Naubos niyo? Yung Tanduay Ice?" Tanong ko sa kanila, habang nakaupo na, katabi si Luke.
They all nodded their heads.. Naubos nga nila..
"Wag kang magalala, Taps, walang trace na naiwan. Hindi malalaman ni Tita na naginuman tayo." Sabi ni Yats, nakangiti.. Habang naglagay ng dalawang hotcakes sa plato ko, like he always do...
"Bes, wag mo lang ipapakita yung camera mo.." Mia added, making my eyes pooped open wide.. Hmm... Bakit kaya?
"May pictures?!" Na-excite ako. Ano kaya yun?
Tumingin ako sa kanila.. Napapangiti lang si Mia habang kumakain.. Si Yats at Luke naman, nagkatinginan..
"Ang sama niyo sa 'kin! Ano yun!? Bakit hindi ko pwedeng ipakita kay Mama?!" Napangiti nalang din ako na natatawa habang pilit kong inuusisa kung bakit ayaw nilang sabihin sa 'kin..
"Bes.. Walang pictures.." Nakikita ko yung pigil na tawa sa muka ni Mia..
"Eh, kung ganoon, bakit ayaw niyong sabihin sa 'kin kung bakit?" Nararamdaman kong ang laki pa rin ng mata ko... Eh bakit ba, curious ako ee!
"Worse, Taps." Si Yats din natatawa.. DI AKO MAKA-RELATE!
"Videos, Sam." Napalingon ako kay Luke nung sinagot niya.. Napatingin din siya sa 'kin..
"Huh? Anong videos?"
"Panoorin mo nalang, Bes.."
Nabibitin naman ako sa mga 'to!
"Nag-record lang kami ng kabaliwan namin habang natutulog ka, Taps.."
Yoon lang naman pala ee... Na-excite naman ako bigla.. Ano kayang mga pinag'gagawa nitong mga 'to?
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Fiksi Remaja"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...