"Subukan mo." - Chapter 15

146 3 0
                                    

Sam's POV

After lahat ng nangyari, hindi na siya nag-text, hindi na siya tumawag, hindi na siya nag-chat, hindi na kami ni Luke nakapagusap by all means. Siguro nga kasi problemado siya. Hindi ko alam pero.. Nag-aalala na talaga ako. Paano yung grades niya? Malapit  na rin magsimula yung Intramurals, baka hindi pa siya makasali. At in some sort of weird way, nagi-guilty ako. Feeling ko, simula nung nagkakilala kami, nagulo yung buhay niya.. Dumami yung problema niya.

HIndi.. 

Hindi pwede 'to. Hindi ko hahayaan na ganito nalang.. 

Wala ako sa mabuting katinuan nung naisip kong pumunta sa bahay nila. Nagmadali akong nag-ayos.. At kahit hindi pa ako tumatawag sa kanila, tuloy tuloy lang ako. Lumabas agad ako ng pinto, after leaving a note to my mother. Sumakay agad ako ng jeep at naghintay ng matagal na matagal para makarating dun sa isa pang sakayan ng jeep na dadaan sa tapat ng bahay nila. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya pag nakita niya 'ko. 

"Bayad po." -- Inabot ko sa babae satabi ko yung bayad ko. 

Nagulat ako kung sino nakita ko pagkakuha niya nung bayad.

Si Marinelle. 

Anong ginagawa niya dito? Could it possibly be, na pupunta rin siya sa bahay nila Luke? 

"Oh, Sam, right?" -- Kilala niya pala ako.

"Ah, oo. At ikaw si.."

Inunahan niya na ako.. -- "Marinelle. 3-E." -- Pero mas nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.. -- "Papunta ka rin kela Luke?" 

"Huh? Uhmm.." -- Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. 

"I heard close daw kayo ah." -- Hindi naman sa judgmental ako, pero parang may pagka-plastik yung paraan ng pagsasalita niya. 

"Ah, medyo.."

"So, sa kanila ka nga pupunta?" -- Nakataas na yung isa niyang kilay.

"Aa, h-hindi.."

"Sus, kunwari ka pa. tara na, sabay na tayo." -- Kinuha niya yung kamay ko. -- "Manong, para po."

Pagkababa namin, tumawid na kami papunta sa bahay nila Luke. Siya na yung nag-door bell. 

Pagbukas nung pinto, nakita ko yung muka nung lalaking kinabaliwan ko. At hanep, naka-porma.

"Oh, Manel." -- Napangiti siya kay Marinelle. Pero nung nakit niya ako, di maipinta yung muka niya. Halatang nagulat na hindi maintindihan. -- "Sam? Anong ginagawa mo dito?"

Sinagot siya agad ni Marinelle. -- "Aa, nagkita kami ni Sam sa jeep, at total pupuntahan ka rin naman niya, nagsabay na kami."

"Ah, pasok muna kayo."

As soon na makaupo kami sa couch, Marinelle, again, broke the silence. 

"So, hindi na tayo aalis?" -- Huh?

Parang kinakabahan si Luke na ewan. Napahawak nanaman siya sa likod ng ulo niya.

"Aalis kayo? Ay, sorry... Hindi ko alam.. Sige, mauna na ako.." -- Hindi ko alam pero parang naiinis ako.. Hindi ako comfortable na nandito si Marinelle. 

Ngumiti sa akin si Marinelle. Eto nanaman yung plastik na itsura niya. Yung tipong gusto talaga akong paalisin.

Sa wakas, nagsalita na si Luke. -- "Uhmm... Ganito nalang.. Ako lang naman tao dito sa bahay, so, dito nalang tayo." -- Pinagpapawisan na siya. Halatang nagpapanic na.

Medyo naiirita na si Marinelle, pinipilit ngumiti. -- "Unfair naman siguro, Luke, na nagbihis ako ng ganito para mag-stay lang sa bahay." 

"Eh, paano naman si Sam?"

Kung Hindi Lang Kita MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon