Siyempre, Chapter SEVEN na, si Luke na.
Dito, maliliwanagan kayo kung bakit ganoon ka-sweet si Luke kay Sam.
Sana mainitindihan niyo siyaaa.
---------------------------
Luke's POV
"Gusto ko...
wag kang bumitaw."
Hindi ko na alam ang mga iniisip ko ngayon. Naguguluhan na 'ko.
Mahal na mahal ko ang girlfriend ko...
Pero the way she acts when I'm there, the way she talks to me...
One week pa lang kami ngayon pero... nagsasawa na yata siya sa 'kin.
Hindi ko na alam ee...
Sinagot niya nga ako by words... Pero by deeds? I doubt it.
Hindi niya ako pinapansin.. Hindi rin siya nagrereply. Kung magreply man, parang tinatamad naman.
Tinanong ko yung mga kaibigan niya kung ganoon ba talaga siya magreply, hindi naman daw..
Gulong-gulo na 'ko.. Ang gulo na talaga...
Hay...
Sa ngayon, nandito ako, kasama si Sam, hawak kamay niya.
Alam ko namang di niya bibigyan 'to ng malisya ee.
Sobrang comfortable lang talaga ako sa kan'ya. Kahit less than 24 hours palang kami magkaibigan.
Napangiti ako.
Dahil siguro meron akong kaibigan na masasandalan ngayon... Isang tunay na kaibigan...
Para kasi sa akin, iba siya... Nakinig siya sa 'kin nung wala akong mapagkuwentuhan, kahit wala pa siyang clue kung anong klaseng tao ako... Bukod sa 3rd year.
Nakakatuwa siya... Gusto ko pa siyang kilalalanin. Puro kasi ako yung nagsalita kagabi ee... ;)
"Okay ka lang?" -- bakas ko ang pag-aalala sa muka niya.
"Oo naman... Sorry aa."
"Para saan?"
"Sa pag-aalala sa'kin. Yieeee, ikaw aa." -- Binitawan niya agad yung kamay ko at tinanggal yung ulo niya sa balikat ko.
"Asa ka! Ang kapal ng muka mo!" -- Haha. Hindi siya makatingin sa 'kin.
"Joke lang. babe." -- Ang sarap pag-tripan. ^^ Kasi alam kong hindi siya nagagalit, naaasar lang.
Kinuha niya yung camera. Pinicturan niya nanaman ako. "Ngiti ka nalang jan."
Ngumiti naman ako.
Nakakapagtaka talaga. Yung kanina.. Bakit ba ayaw niyang ipakita sa 'kin yung pictures?
"May boyfriend ka na ba?"
Natigilan siya.
Hmm..
"Ah, wala. Sa pangit kong 'to?"
"Wag mo ngangdina-down sarili mo."
"Eh totoo naman ee. Pangit ako." -- Ano bang sinasabi nitong babaeng 'to?
"Sabi nang wag ee!"
"Bakit ba?"
"Naiinis ako. Pag sinasabi mo yun." -- Totoo naman ee. Medyo naiinis talaga ako.
"Bakit naman?"
"Paano ka magkakaboyfriend niyan?" -- "Hindi ka talaga magiging maganda kung pati ikaw, sinasabi mong pangit ka."
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Teen Fiction"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...