UPDATE! :) Madaling araw ako usually nag-uupdate. Salamat sa mga readers at future readers, kung meron man. :D
I love you po!
------
Sam's POV
Alam mo yung feeling na para kang namatay sa loob at biglang tumigil ang lahat ng mga pangyayari?
Ito yun ee.
This is it.
Pero kailangan, hindi ako magpahalata. Ayoko naman magpahalatang may gusto ako sa kaniya no. Siyempre. Babae pa rin naman ako.
Pero, ang bilis ng takbo ng isip ko, sa totoo lang. Siguro akala niyo 5 minutes na kaming nagtititigan, hindi. Wala pang 5 seconds to.
"Ahh, ako nga yun. Nice to meet you, Luke." -- Kunwari pa. > / / / <
Nakipagkamay na rin siya kay Mia at kinurot niya yung pisngi ng kapatid ko.
"Kapatid mo?" -- tanong niya kay Mia.
"Aa, hindi, kapatid yan ni Sam, si Shan." -- Nakangiti lang siya kay Shan. Nakangiti lang ako sa kan'ya. Tuwang-tuwa siya kapatid ko.
Napatingin siya sa'kin. Ngumiti siya.
"Schoolmates tayo, diba?"
"Yata." -- Sorry aa, kailangan ko magpigil. Baka layuan ako nito at ma-weirdohan sa'kin 'to 'pag nalaman niya ee. "Ahh! Luke, oo nga! 3rd year, right?"
Nagulat ako, kumuha na siya ng upuan. Dito na siya umupo sa table namin, sa tabi ko. Katabi kasi ni Mia si Shan ee. > / / / < Naranasan niyo na bang kiligin ng ganito?
"Yep." -- Ang cute niya ng malapitan. Nakatitig lang ako sa kaniya. "Sorry aa, umepal pa ako sa inyo. Hindi kasi ako sinipot nung katagpo ko dito ee."
"Yung nililigawan mo?" -- Oops! Wrong move! Na'ko, lagot.
Kumunot yung noo niya.
"Huh? Wala na akong nililigawan, sinagot na ako nun ee." -- Ang laki ng ngiti niya, sobra. Pero ako, durog. Halatang in-love na in-love siya dun sa girl. Natigilan ako. Wala na akong masabi. Si Mia naman, nakatingin lang sa'kin, Alam na.
"Sorry talaga aa, kailangan niyo na bang umuwi? Naghahanap lang naman kasi ako ng pagbubuhusan ko ng badtrip ko ngayon ee." -- Nangibabaw yung awa ko sa selos. Kitang-kita sa mata niya na malungkot siya.
Si Mia na yung sumagot para iligtas ako. -- "Aa, okay lang. Bihira lang din naman kami makakita ng schoolmate natin dito ee, why not, diba?"
Natawa siya. -- "Oo nga ee. Kaya hindi ko na napigilang kausapin kayo. Kasi familiar kayo sa'kin ee. Ganoon kakapal muka ko."
"Nyee, hindi naman. Nagulat nga lang din kami kasi bigla kang lumapit." -- Napangiiti ulit siya, yung nakakatunaw. :'(
"Okay lang ba talaga? Baka kasi mapahaba 'tong makuwento ko ee, baka kailangan niyo nang umuwi." -- Hindi, okay lang. Kahit masakit, I'll take the opportunity to be with you even just for this night.
Kaya, I'll appreciate this time. Nagsalita na'ko. -- "Okay lang. Makikinig kami." Ako na. AKO NA TALAGA. Magpapaka-martyr na ako.
"Salamat, aa." -- Biglang lumaki yung mata niyang singkit. Damang-dama ko yung 'thank you' niya.
Parang unti-unti akong nagiging comfortable sa kaniya. Di bale, mamaya, comfortable na rin yan at magpapapicture na rin. Assumera. XD
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Jugendliteratur"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...