Kwek-kwek - Chapter 3

167 4 2
                                    

SAM

Siya lang ang tao dito. Natigilan ako ng sandali. Hindi ko sukat-akalain na makikita ko pa siya ngayong araw. Nangangatog yung tuhod ko, hindi ako makagalaw.

Okay, Sam, chill, chill.

Naglakad ako papunta sa table na katapat ng table niya. Napatingin siya sa akin, lumingon pabalik sa bintana at tumanaw ng malayo. Nang makita ako ni Mia, hinila niya ako papunta sa upuan. Hindi ko napansing nakatulala lang pala ako mula sa kinatatayuan ko.

“Sam, ‘wag ka masyadong magpahalata.” Sinabi niya sa akin ng pabulong.

Nagising ako sa katotohanan. Relax ka lang, Sam. Tao lang din siya. Schoolmate mo.

“Okay lang ako.” At nginitian ko siya. Habang hinihintay namin yung pagkain, kinuha ko ang camera ko at kuha lang ako ng kuha ng picture nila Mia at Shan… kasi nasa likod nila si Luke (Sigurado naman akong alam ni Mia kung ano talaga ang pakay ko). Nakakarami na rin akong pictures.

Zoom, Snap. Shit. Ang guwapo.

May plato siya sa harapan niya at mukang kakatapos lang kumain. Kanina pa rin siya sulyap ng sulyap sa cellphone niya. Mukang may hinihintay.

Dumating na yung order namin at nagsimula na kaming kumain. Tumingin ako kay Luke at agad lumingon palayo nang makita kong nakatingin din siya sa akin. Sa dulo ng mga mata ko, nakita ko siyang napangiti ng bahagya. Lumalala na naman ang pakiramdam na iyon sa dibdib ko. Ang bigat. Naririnig ko ang tibok ng puso kong para bang nagsasayaw sa tuwa.

Natapos na kaming kumain at nandoon pa rin siya. Malayo ang tingin sa bintana. Malalim ang iniisip. Ayoko ko pang umalis kahit wala na kaming dahlian para manatili pa… well, ako meron.

Siguro iniisip niya si Marinelle, yung girlfriend niya. Nakakalungkot. Alam kong wala akong karapatang magselos kasi isa lang akong hamak na tiga-hanga. Pero, hindi naman mapipigilan iyon, diba?

Bago pa lamang sila, siguro mga last week lang. Wala akong alam kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon. Hindi ko alam kung masaya ba sila o hindi. Sa totoo lang, wala na akong pakialam. Hahayaan ko nalang sila. Kasi, tanggap ko naman iyon, simula pa lang, na hindi talaga kami pwede. Kasi nandoon siya sa taas… at ako? Nandito sa lupa, tinitingala siya. At kagaya ng paulit-ulit kong pinapaliwanag kay Mia, masaya ako sa ginagawa ko. Ang gusto ko lang ay mapansin niya ako at maappreciate ang mga ginagawa ko para sa kaniya. Sobrang saya ko na siguro kapag nangyari iyon. Dream-come-true.

Nagising ako sa katotohanan nang tumayo si Luke sa kinauupuan niya. Para sa akin, siya ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. Kung papaano siya gumalaw at kung papaano siya tumindig, lahat iyon, napakaperpekto para sa akin.

Lalo pa akong nagulat nang naglakad siya papunta sa kinaauupuan namin. Humila siya ng isang upuan sa kabilang table at umupo sa gilid ng table namin. Wala na akong ibang magawa kung hindi ang titigan siya. Natulala ako. Para kasing nananaginip lang ako. Parang napapanaginipan ko lang ang lahat ng ito.

At ginising niya ako.. “Excuse me ah. Kailangan ko lang talaga ng makakasama ngayon.” Ngumiti siya ng walang halong kaba. Komportable siya sa pakikipagusap sa amin kahit hindi niya kami kilala.

“Nagkikita naman tayo sa school kaya sa tingin ko namumukaan niyo ako.” Dagdag pa niya.

“Oo, parang pamilyar ka.” Sabi ni Mia. Umaarte lang siya at, in fairness, hindi halata. Niligtas niya ako sa pagkakataong ito.

“Ako nga pala si Luke.” Lumingon siya sa akin. “Sam ang pangalan mo, diba?”

Hindi ko na maramdaman ang mga tuhod ko. Namamanhid na rin ang mga paa ko. At isinantabi ko muna ang kilig ko ibinuhos ko lahat ng puwersa sa sarili ko para sumagot.

“Oo, ako nga iyon. Siya naman si Mia. Ang bestfriend ko. At siya si Shan, kapatid ko.” Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi niya marinig ang kaba sa boses ko. Mukang hindi naman ako mahihirapan. Akala ko mahihimatay ako pero parang may kakaibang pakiramdam sa loob ko na tinutulungan akong maging matapang. Weird.

Kung Hindi Lang Kita MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon