Shendel's POV
"Bakit ka ba tanong ng tanong kay Mama tungkol sa health background ng family namin hah?!" Inis na tanong ko kay Benedict habang sabay kaming naglalakad papuntang classroom.
Kainis naman kasi sya! Naninira ng cute morning! Kanina habang nagbibreakfast kami kung anu- anong tinatanong nya tungkol sa health background ng family ko. Kung meron raw ba kaming relative na may history ng leukemia. Argh! Hindi pa rin talaga sya makaget- over sa kabaliwan nya kahapon. =_=
"Inaalam ko lang kung meron kang nakakahawang sakit. Aba! Mamaya nyan mahawa pa kami eh." Rason nya kaya naman sinipa ko sya sa tuhod na naging dahilan ng pagkakaluhod nya at pag- aray. Bleh. Buti nga sa kanya.
"Hindi ka talaga titigil sa pang- aasar noh?! That's part of bullying at kung di ka talaga titigil isusumbong na kita kay Tita!!" Banta ko sa kanya.
"Eh etong pagsipa mo sakin? Physical bullying! Sumbungera!" Benedict.
Hindi ko na pinansin yung sinabi nya kasi nakita kong tumatakbo papunta sa direksyon namin si Chazter kaya naman I plaster my cutest smile at ready na sanang igreet sya ng 'good morning' kaya lang nilagpasan nya kami- nilagpasan nya ko.
"Pffft. Hahahaha. Nilagpasan lang sya. Hindi ka siguro nakita, ang liit mo kasi. Hahahahaha." Pang- aasar ni Benedict na nakita yung hindi cute na pangyayaring yun.
From my cute smile- to confused- to feeling disappointed- to annoyed look. Ganiyan ang pag switch ng itsura ko bago humarap kay Benedict.
Inihampas ko sa kanya yung hawak kong papel at ang reason kung bakit sabay kaming naglalakad ngaun. My rules for him.
"Basahin mo yan at magtutuos tayo mamaya." Yun lang at tinalikuran ko na sya para sundan si Chezter.
"HOY! LIIT! ANO TOH?!" rinig kong sigaw nya.
Sinabi na kasing basahin nya eh. Bahala sya dyan.
Pumunta ko sa parking area ng school at sa spot kung saan palaging nagpapark sila Chezter. Buti na lang naabutan ko pa sya na pasakay pa lang. Sinigaw ko yung pangalan nya to get his attention.
"CHEZTER!" And I succeeded kasi lumingon sya sa direksyon ko.
Tumakbo naman ako palapit sa kanya. Medyo nakabawas nga ng cuteness poise tong pag takbo ko at hiningal hingal pa ko sa harapan nya.
Naramdaman ko na lang na may malambot na dumadampi sa pawisan kong noo. Ang napacute at gentleman ko pa lang suitor.
I smiled at him.
"Sorry hah? Hindi ata kita narinig yan tuloy hinabol mo pa ko." Chezter.
Umiling ako. "Hindi. Okay lang. Saan ka ba pupunta? Hindi ka papasok?" Takang tanong ko.
"Sir. Okay na po." Si Manong driver nila Chezter.
"Okay po. Saglit lang." Saka sya humarap ulit sakin. "Nagmamadali kasi ako. Kelangan kong umuwi ng probinsya. Sinugod raw kasi si Lola sa hospital. On the way na rin sila Mama."
"Waaah. Sorry! Pinadelay pa kita. Sige na. Kelangan mo ng umalis." Sabi ko habang tinutulak na sya papasok ng sasakyan.
Waaah. Nakakahiya talaga. Bakit ko kasi sya hinabol. Naman eh. Minus cute points toh ng sobra.
He patted my head nang makaupo na sya sa sasakyan. "Thank you Shends sa pag- intindi and I'm really sorry kanina. Mauuna na ko. I don't know when I'll be back and I'll text you later."
"Ingat ka hah. Bye." Sabi ko na lang saka nagsmile ng kaunti.
Nahihiya pa rin ako eh.
Sinara na nya yung pinto. He smiled and he mouthed something pero di ko masyadong nakuha. I frowned at tatanungin sana sya kung ano yun pero umandar na yung sasakyan.
Ano yun?
Haaay. Hope his grandma is fine.
Pumunta naman na ko sa room still thinking kung paano ko sya matutulungan. Hindi naman kasi ako doctor at lalong hindi ako faith healer. Lord, please help Chezter's grandma. Please.
"Sana may healing powers ako..." bulong ko sa sarili ko lang sana kaso itong seatmate ko pagkachismoso talaga ang tenga.
"Aha! Ba't gusto mo magkahealing powers? Para pagalingin yung sarili mo no? Aminin mo ng may sakit ka kasi."
I rolled my eyes at him.
"Haven't you read rule number 1?" I asked.
Kinuha naman nya ung papel na binigay ko sa kanya kanina at hinanap yung sinasani kong rule number 1. Binasa nya yun quietly. Hindi ko naman na sya pinahirapan pa at inexplain na sa kanya ang rules.
"Rule number 1. No to bullying. Verbal, physical, emotional or any kind of bullying. Basta bullying..." I started.
"Akala mo naman susundin--" singit nya sana pero hindi ko na sya pintapos.
"Rule number 2. Susundin mo lahat ng utos ko without questions or reklamo..."
"Tss. Kung mapapasunod mo ko." He said.
Hindi ko pinansin ang kanyang remark at nagpatuloy pa rin. Kung alam nya lang. Hahaha. I'm so cute and brilliant.
"And number 3. Cuteness rules! ^________^ I'll train you how to act and be a cute nilalang. Para hindi ko na kailangang ibully- babysit ka. And you'll be nicer. And Tita will be happy." I enthusiastically said.
He laughed. He's even holding his stomach.
"Benedict. Sshhhh. I'm reading." Saway naman ni Ceeyone.
He stopped laughing with sounds naman. Parang ewan na lang syang tumatawa ng nakamute.
"Baliw ka na Ben?" Tanong ni Ellaine sa kanya na nawiweirduhan na rin.
Tuloy pa rin naman si Benedict sa pagtawa at parang wala na syang balak tumigil hanggang sa bigla na lang syang umubo ng umubo. Nasamid ata. Hahaha. Ayan. Nakarma na.
"Bleh. Buti nga. Hahaha." Pang- aasar ko sa kanya.
Hindi nya naman pinansin yung sinabi ko. Tumawa lang ulit sya at sabing, "Ang galing mong magpatawa Enden. Lakas ng tama mo. Akala mo mapapasunod mo ko sa *insert girly tone* 'Cuteness rules'. Pffft." And he laughed again. "Asa ka."
"Haaay. Sino kayang matatakot sa bullyng tulad mo pagkatapos nilang mapanuod toh?" Sabay pasilip sa kanya ng video nya.
~ 'Baby boy, anong oras ka umuwi kagabi? I haven't seen you at dinner. Do you want me to set a curfew for you?'
'Mommy naman eh.'
'Anong Mommy naman. Look at your room. It's a mess. Don't let Manang clean your room. Do it yourself. And do the dishes later after dinner. That's your punishment for going home late.'
'Ma!'
'Reklamo?'
'Wala po...."
'Good. And baby boy anong gusto mong packed lunch tomorrow?'~
"Ano Baby boy?" Cute smirk.
He gulped.
"Anong gagawin ko?"
I smiled.
"Good. It's simple. Follow the rules. Follow me. And be a cute creature." I answered.