Chapter 13: Meeting to Debate

52 1 0
                                    

Chapter 13: Meeting to Debate

Ms. Arjei's POV

* Friday Dismissal Time *

"Pssst. Arjei, may meeting raw tayo." sabi ni Janet, isa ring teacher dito sa RIA. She's a Biology teacher. Kakapasok niya lang dito sa faculty room.

Meeting raw? Para saan kaya??

"K. Para saan yung meeting?" tanong ko sa kanya habang nag-aayos ng gamit.

"Eh... Aquaintance Party raw eh." sagot naman niya habang nag-aayos rin ng gamit niya.

Nagnod lang ako.

Aquaintance party. Yiiieeh. Parang masaya. Eeeeeh. Hindi ko maimagine na mag-oorganize at aatend ako sa Aquaintance party bilang teacher. Parang kahapon lang highschool student pa ako at kami yung winewelcome ng school teachers and staffs. Hayyy! Nakakamiss pala ang highschool life :(

AHA! Kaya dapat maenjoy ng mga students ang Aquaintance Party na toh. Tama! Pero dapat pati ang teachers and staffs mag-eenjoy rin. Hihihi ^^ Magsusuggest ako mamaya sa meeting.

Mmm. Magtetext muna ako kay Mama, baka malate ako ng uwi.

To: Mother Earth :*

Ma. Bka gbihin aq ng uwi. May meeting pa kmi eh. Don't w8 for me. Eat ka na ng dinner and sleep early. Love you Ma. XOXOX

SEND !

Haha. Kakaiba name ni Mama sa contacts ko noh? Kanya-kanyang trip yan students ^.^

Tapos ko nang ayusin yung gamit na dadalhin ko sa bahay at yung iiwan ko dito. Ayan. Maayos na.

* Bzzzt * Bzzzt *

Ay. Nagreply si Mama ^.^

From: Mother Earth :*

Kk. Ingat nak. Deretso uwi hah. Love you too. XOXOX

Awww. Ang sweet talaga ni Mama hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa nabasa ko. ^______^

"Ms. Forte!!!"

"AYANAKNGTIPAKLONG!!- Mr. Gonzales how dare you shout at me like that?! You could have killed me. What if i had a heart attack huh??!" singhal ko sa kanya.

Bakit ba kasi toh nanggugulat?!

"I'm daring. *smirk* Kanina ka pa tinatawag pero hindi ko sumasagot kaya sumigaw ako. Nagsstart na po ang meeting for your information. Wag masyadong VIP." at tumalikod na siya.

"Hmp. Kainis." tumayo na rin ako at naglakad palabas ng faculty room.

Hindi pa siya nakakalayo kaya naman inunahan ko na siyang maglakad. Nakakainis siya. Ang yabang masyado!! Akala mo kung sinong gwapo-- though gwapo naman talaga siya.

Ay?! Arjei Forte, what are you thinking?! * iling * iling *

"Baliw." bulong ng mayabang na lalaking yon.

I just rolled my eyes at pumasok na ng principal's office.

"Ow. Nandito na ang ating lovey dovey teachers. We can start our meeting now." sabi ni Mr. Z pagkakita samin.

Naman eh. Hindi ako makaangal. Hello?! Principal kaya yan. Ngumuso lang ako saka umupo sa tabi ni Janet at Aura. Aura is our PE teacher.

"Girl. Humaba masyado ang nguso mo nyan." pang-aasar ni Aura. Sinimangutan ko lang siya.

"In this meeting, we will talk abou the coming Aquaintance Party. This will be our first meeting at wala pa naman tayong nabubuong officers for teachers and staff. Ako na muna ang magli-lead bilang Principal. So as i was saying, we'll talk about the Aquaintance Party. We'll plan. Any suggestions??" Mr. Z.

Her Cute Bully<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon