Chapter 9: Living Under The Same Roof

57 3 0
                                    

Chapter 9: Living Under The Same Roof

Shendel's POV

"Ikaw kasi!! Hating gabi na, papasukin mo pa ang kwarto namin?!! Aha!! May balak kang masama noh?!! Ano?!!" sigaw ko sa kanya.

"Ano??! Hindi ka na nahiyang nangarap nang mataas hah!! Ikaw ang may kasalanan!! Bakit kasi naiwang bukas yung ilaw?!! Saka yang suot mo!! Sa sobrang luwag, sa liit mo akala ko lumulutang yung damit!!!" sigaw nya pabalik.

"Aba!! Eh sa hindi ako makatulog pag madilim eh!! Ba't ka ba nangingialam?? Saka mas komportable ako sa suot ko eh!! Wag kang umangal, hindi naman ikaw yung nagsusuot!!! Ikaw ba? Ikaw ba?!" ako.

"HOY!--"

"Shut up, both of you!!!" Tita and Mama >.<

K-katakot! Para silang mangangain. >.<

"Baby boy!! Anu ba toh?!!" tanong ni Tita.

Pffft. Kung hindi lang ako natakot dun sa sigaw nila kanina... matatawa na ako! Haha-- Babyboy??!

"Shendel Chrisse... paliwanag." seryosong sabi ni Mama.

"Siya po kasi!!" sabay naming sabi at turo sa isa't isa.

Psh. Hindi niyo pa ba kilala tong kabangayan ko?? Walang iba kundi itong Mr Bully / Mr. Hindi-Kaaya-Ayang-Nilalang / Mr. Asungot / Mr. Epal lang naman!! Kyaaaaah !! Bakit hindi ko naisip? Aquesta sila Tito Ben at Tita Julieta. >.<

"Baby Boy!" saway ni Tita.

"Si Shendel na lang Bess ang magpapaliwanag ng nangyari." sabay lingon sakin.

* Lunok *

Nakakatakot si Mama.

"A-ah. K-kasi po kanina may kinuwento sakin si Shemry about sa House Mumu..." kwento ko.

"Pero joke ko lang naman yun eh!!" angal ni Shemry.

"Kaya nga!! Tapos kanina may narinig akong yabag ng paa paakyat kaya naalimpungatan ako. Narinig ko yung sound sa harap ng pinto ng kwarto kaya mejo natakot ako. A-akala ko kasi yung h-house mumu. Pumwesto ako sa may pintuan para salubungin kung sino man iyon p-pero po nagkagulatan kami ni Benedict..." tuloy ko.

"Yun lang pala eh..." Tita

"Mom? Can you please explain why they are here??" tanong ni Benedict

Psh. Pa-english-english pa! Hmf!

"Yah, babyboy I forgot... This is Bessie your Tita Shenny, remember? Sya yung asawa ng business partner ng dad mo and also my bestfriend." Tita.

"And??" Benedict

"And napagkasunduan namin na dito muna sila hanggang sa bumalik ang Daddy mo. Magkakilala na pala kayo ni Shendel?" Tita

Nagkatinginan kami ni Benedict. >.> <.<

"Yeah... She's my classmate." sagot ni Benedict. Nagsmirk siya sakin.

"Sa kasamaang palad..." bulong ko.

Mukhang natuwa sila Mama at Tita. Anong nakakatuwa dun?? Tss.

"Great!! Mukhang bagay ang anak natin Bessie." Tita

Nanlaki naman yung mata namin ni Benedict.

"Hindi pwede!!" Benedict / Me

As usual magkasabay kami kaya naman pinaningkitan namin ang isa't isa.

(,--) (--,)

"Haha! They're cute." Mama and Tita

"Ma!! / Mom!!" kami ni Benedict

"Hindi po kami pwede dahil may Chezter na ako." giit ko

"Para namang gusto ko!! Tao ako at hindi pumapatol sa nuno sa punso!" siya

"What?!! You consider yourself as a human?? Hindi ka nahiya!! Isa kang damuhong alien na galing sa Planet Di Kaaya-aya na puno ng epal na katulad mo!! Hah!!" sigaw ko sa kanya.

"YOU!! Ang liit-liit mo pero kung makasigaw ka abot hanggang sa dulong bahay ng street na toh! You're too loud." sigaw niya pabalik.

"Hephep! You two stop fighting. Parang wala lang kami dito ha." Mama

Napayuko naman kami at nagsorry.

"What's with you two, fighting like that??" tanong ni Tita.

"Tita, your son is the famous Mr. Bully in RIA. Last time Tita, he hmmmph hmmmph." tinakpan niya yung bibig ko. Langya! Nilapastangan niya ang cute kong bibig.

"A-ah. Mom, Tita... ganyan po kasi talaga kami. Ahm. Bestfriends po kami. Tama. Kaya palagi kaming nag-aasaran." siya with matching ngisi.

What?! Ano raw??! Kami? Ako with that alien from Planet Di Kaaya-aya are Bestfriends?? Bakit hindi ako nainform??! >.< Liar!!

"Tsk. Bess. Magbestfriend rin pala yung mga anak natin eh. Pero ikaw Benedict, Baby boy... wag mong masyadong asarin yang bestfriend mo hah! Babae pa rin yan. Sumbong mo yan sakin Shendel dear." Tita

Kinagat ko yung kamay ni Benedict sa cute kong bibig kaya natanggal yun. Aha! Bestfriend pala hah!

"Opo naman Tita. Akong bahala magsumbong sayo kung may ginawang masama tong si 'Bestfriend' Benedict." Inemphasize ko talaga yung word na Bestfriend. "Omo! BESTFRIEND. I can't believe it!! We're going to live under the same roof!!" i exclaimed sabay ngisi kay Benedict.

Haha! Akala mo ikaw lang ang magaling umarte hah? Huh! Kakampi ko ngayon ang mom mo baby boy. *cute smirk*

"Aww. Ang bait mo naman at ang cute mo pa. Sige na everyone, go back to your room na and let's all sleep peacefully." Tita

Nagsiakyatan naman na kami at pumasok sa kanya-kanyang kwarto.

Can I still sleep peacefully with the fact that i'm living under the same roof with Mr. Benedict Maxhimilian Aquesta? That person i despise most?? Tell me?! Paano ako makakatulog ng mahimbing?? T_________________T

Her Cute Bully&lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon