Shendel's POV
"Ayan. Ayan. Saka eto cheesecake pati na rin pala etong lemonade," turo ko sa mga pagkaing gusto kong kainin. "So Muchacho! Ikaw na bahalang magbayad at magbitbit nyan ah. Dalhin mo na lang yan dun sa table namin nila Annie at Valerie."
Ngumisi ako kay Benedict saka lumingon kela Annie at Valerie na may hawak na ring trays ng mga pagkain nila. Oh no. Nahihirapan ang mga Sis ko. Alam ko na. I smiled again.
"Sis! Iwan nyo na mga trays nyo dyan. Benedict can handle those trays. Di ba Benny?" sabay baling ko ulit kay Benedict na nagbabayad ng mga order ko at pati na rin nung kanya.
"P183 po lahat sir," Ate tindera.
"What?! Aish!" lumingon naman sya sakin. "Sigurado ka bang kakainin mo toh lahat? Ang takaw-takaw mo naman para sa liit mong yan! Saka ang dami ko na ngang dala pati ba naman yang mga order ng mga kaibigan mo dadalhin ko pa? Abuso na ah!"
Tumaas naman ang kilay ko and I fish for my phone inside my pocket. "Ano kayang sasabihin ni Tita if malaman nya kung ano yang kalokohan nyong magbabarkada? Mm. Let's try to find out then."
Nagkunwari akong nagdadial habang mukha namang natatae si Benedict sa harapan ko. Napangisi rin sila Annie at Valerie. They're enjoying this and so do I. Hahaha.
Kung hindi kami makaganti kay Rjay dahil sa ginawa nya kay Sis Shaina edi sa mga kasabwat na lang nya. Like Benedict. Kaya eto, we- I mean- I am blackmailing him (Ako lang kasi ang close raw sa Mom ni Benedict at ako raw ang inutusang magbabysit sa kanya. =_=)
"O- oo na! Pumunta na nga kayo dun! Ako ng bahala dito! Aish! Ate oh!" sabay abot nya kay Ate tindera ng 200.
The three of us smiled as we walked away from him. Hahahaha.
"Utu- uto. Hahahaha." si Valerie yan habang umuupo sa pwestong napili namin.
"I'm enjoying this. Ohmy. He could pass as our alila na. Imagine. The bully is our alila. Hahaha." Annie.
I grinned.
Nakita ko namang papalapit na si Benedict dala ung mga orders namin. Medyo nahihirapan nga sya eh. Parang gusto kong tulungan pero haaaay. Ano ba tong iniisip ko? Yaan na nga sya.
"Deserve nya yan."
"Yeah. He deserves that..." Annie.
Pero half of me thinks na hindi nya yan deserved. After all accessory to the crime lang naman sya eh at si Rjay ang dapat naming pahirapan. Tutal si Rjay talaga ang may sala. Pero aish. Nakakainis pa rin na part sya non.
"Uy Ben! Waaaaah. Fooooods. Ang dami. Tulungan kita gusto mo?" Nakita namin si Ellaine na kumikinang ang mata sa harap ni Benedict.
"Wag na! Baka hindi umabot sa lamesa namin tong pagkain! Ikaw pa!" Benedict na naglalakad pa rin papunta samin.
"Eh kasi! Ang dami nyan! Mauubos mo ba yan lahat? Tinutulungan na nga kita! Damot neto!"
"Hindi naman kasi sakin toh eh! Hindi ako katulad mo! Matakaw!"
"Ang daldal nila pareho. Bagay sila. Hahahahaha." Valerie.
Kumunot naman ang noo ko at pinanuod ulit sila Ellaine at Benedict na papalapit samin.
"Wow?! Matakaw agad? Ako na nga nagmamagandang loob! Saka tingnan mo! Ang sexy ko naman para maging matakaw!"
"Sexy? Sino? Saan?"
"Ako nga sabi! Duh! Obvious ba?"
"Hindi nga eh kaya ako nagtatanong!"
Nakakaasar. Gutom na ko. Ang tagal ng pagkain! Naman eh. Inuna pa yang pakikipagtalo nya. Masyado ata syang nag-eenjoy sa pakikipag-usap kay Ellaine at hindi man lang nya naisip na may naghihintay dun sa pagkain na dala nya. Ang ingay pa nila. Sakit sa tenga. My poor cute little ears are irritated.