Chapter 3: Hello Magundayao Family!

136 9 0
                                    

Chapter 3: Hello Magundayao Family!

Shendel's POV

Kwentuhan, kulitan, tawanan saka pakornihan ng pick-up lines. Yan lang ginawa namin ni Chezter sa buong byahe kaya eto hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Hihihi :) Ang gentleman talaga.

"Thank you. Thank you rin sa paghatid." I said.

"You're always welcome Shends. Sige... Ahm. Bye."

"Bye rin. Thank you ulit." saka kumaway pa ako.

Tumalikod naman na sya pero humarap ulit na parang kinakabahan.. na ewan?'

"Shend.. m-may nakalimutan ka.." sabi nya.

Napa'huh' naman ako sabay tingin sa mga gamit ko. Wala naman, pati bulsa ko at uniform kinapkap ko na. Kumpleto books ko, andito rin naman ang wallet at panyo ko.

"Wala naman eh." saka ko tumingin sa kanya.

"Yung puso ko nakalimutan mong dalhin. Bye Shends. Good night." at pumasok na sya sa sasakyan nila. Iniwan nya akong nakatulala.

Iniwan nya yung puso kong nagwawala na sa kilig. OMO! I think I'm blushing. Yieeeeeh. Kinikilig ako ng sobra. KYAAAAAAAH! Yung puso raw nya--

"Ate, wala ka ng balak pumasok?"

Engk. Putol ang pagkakilig vibes ko. Nilingon ko kung sino.

"Ha-Ha-Ha. Panira ka eh." sabi ko sa kanya. Dinilaan nya lang ako at tumawa.

Say Hello to Shemry Marie Magundayao, my sister. Grade 8, Star section sa RIA. She's my childish sister, kung childish ako MAS sya. Pero close kami nyan.

"Nakauwi na si Papa?" tanong ko habang naglalakad papasok na sa bahay.

"ATE!!!" isang malakas na sigaw at mahigpit na yakap ang sumalubong sakin sa loob ng bahay. "Pasalubong ko?"

Our bunso and only boy, Hello to Randell Eduarth Magundayao. He's in grade 4. :)

"AY! Nakalimutan ko bunso. Bukas na lang. Bibilhan kita ng maraming Beng-beng. Hehehe." rason ko.

He pouted and nod. 

"Okieeeh. Dami ah."

"Yep. Go back to your business na. I need to change my uniform pa eh. Ok?" I told him. He nodded and tumakbo na pabalik sa tapat ng tv. Ow. He's watching 'Power Rangers' pala.

"Yup nakauwi na si Papa." sagot naman ni Shemry sa tanong ko kanina. Tumango lang ako at dumiretso na papunta sa room ko.

Sakto namang bubuksan ko na ang pinto ng room ko ng bumukas yung pinto ng kwarto sa left side ko. Lumabas ang nagbabasang si Shamnel Francine, ang bunsong babae namin.

"Oh? Jan ka na pala Ate." sabi nya nung napansin nya ako.

Her Cute Bully<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon