Shendel's POV
"Bakit ka naman nanghihingi ng condo Benedict Maxhimilian?" rinig kong tanong ni Tita nang makalapit ako sa dining area.
Condo? Why would Benedict ask for a condo? Dahil ba sakin? Pero bahay nila toh. Pwede namang kami na lang ang umalis at umuwi na lang sa amin. Pero...mahirap mag-assume.
Huminto muna ako sa entrance ng dining area para makinig sa usapan nila. Hindi ko narinig yung sagot ni Benedict. Sumagot ba sya?
"Julie, hayaan mo na ang anak mo. Binata na kaya yan. Maybe he wants independence na." boses naman yun ni Mama.
"He can't even cook his own food! Paano sya mabubuhay mag-isa? Mamaya nyan kalokohan lang pala yung aatupagin nya doon." halata sa boses ni Tita ang pagkadisgusto sa idea na magcondo si Benedict.
"Ma! May buffet naman doon sa condominium nila Rjay. Kaya ko na ang sarili ko." apila ni Benedict. "Mas malapit pa yun sa school. Kung gusto mo pabantayan mo pa ko kay Rjay para malaman mo kung may kalokohan akong gagawin." madyo inis na rin yung tono ng pananalita nya.
"Rjay is one of your peer. Kakampihan ka non. You will not leave this house Benedict Maxhimilian and that's final!" it was Tita's stern voice.
Nakarinig ako ng paghampas ng lamesa na ikinagulat ko.
"Benedict!" saway ni Tita sa kanya.
"Hijo! Julie! Huminahon muna kayo." papasok na sana ako para lang mapatigil ulit nang magsalita ulit si Benedict.
"Ano bang dapat kong gawin para lang maniwala kayo na hindi lang ako puro kalokohan?!" tumaas na ang boses ni Benedict.
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng dining area. Inuluwa non ang mainit na ulong si Benedict. Hindi sya nakasuot ng uniform. Para ngang kakagising lang rin nya. Napatigil rin sya ng makita ako. Tinitigan lang nya ako saglit bago padabog na sinara ang pinto at tinalikuran ako.
"BENEDICT MAXHIMILIAN! BUMALIK KA DITO!" sigaw ni Tita sa loob.
Pero parang walang narinig si Benedict dahil tuluy-tuloy lang sya sa paglalakad palayo.
"Bendict.." tawag ko sa kanya.
Huminto sya sa paglalakad pero hindi lumingon sa akin. Nakita kong kumuyom ang kamay nya. Napalunok naman ako dahil doon.
"D-dahil ba sakin kaya ka aalis?" hindi sya sumagot kaya napakagat ako sa aking labi. "A-ano. P-pwede namang kami na lang ang umalis. Hindi mo naman kelangang umalis ng sarili mong bah-" pinutol nya ang sasabihin ko ng tawa nya.
Lumingon naman na sya sa akin ng nakangisi.
"H-hoy! Ano bang nakakatawa?" inis na tanong ko sa kanya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah!
"Bakit naman ako aalis ng bahay namin dahil lang sayo?" nang-iinis na tanong nya saka tinalikuran ako ulit at umalis.
Napahinga na lang ako ng malalim bago pumasok sa dining area. Napatingin silang lahat sa akin. Si Tita na nakahawak sa ulo at si Mama na inaabutan sya ng tubig. Wala na dito ang mga kapatid ko.
"Morning Ma, Tita." lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi nila.
"Nandun na sila sa garahe Endel." sabi sa akin ni Mama.
Tumango naman ako at tumingin kay Tita. Mukhang stress na stress siya. Hindi ko tuloy mapigilang makunsensya. Parang dahil kasi sakin kaya aalis si Benedict. Haaay.
Napanguso na lang ako nang maalala ko yung sagot nya sakin kanina.
"Bakit naman ako aalis ng bahay dahil sayo?"