Shendel's POV
A. Given the coordinate equation 7= (x-5)²+(y+9)², change it to the form 0=x²+y²+dx+ey+f.
Yan yung sinulat ni Ma'am Rayta kanina sa board at kanina ko pa tinititigan. Sinilip ko ang blanko kong papel tapos tingin kay Ma'am na binabantayan kami. Nilingon ko rin yung mga classmates ko na tahimik na nagsasagot. Even the empty seat beside me. Haaaaay Math. T3T
Sinubukan ko ulit sagutan yung equation ni Ma'am. Kahit dumugo pa sa pagpiga yung brain ko. Omhay brainy, hold on. Kaya natin to! Malalagpasan natin tong pagsubok na toh.
Solve. Solve. Solve. Solve. Sol--
*KRIIIIIIIIIIING! KRIIIIIIIIIIIIIIIING! KRIIIIIIIIIIIING*
Waaaaaaaah! Ohnossss! Di pa ko tapos!
Tiningnan ko ulit yung equation tapos yung answer ko tapos sinubukan ulit tapusin. Pero--
"Class, pass your papers to the front. Late papers will not be accepted." Ma'am Rayta.
Nanglulumo ko namang kinuha yung papel nila Ceeyone na nasa likuran ko. Saka pinatong yung papel kong hindi pa tapos sagutan. Waaaaaaaah. :3 Kaunti na lang eeh!
"You can now take your recess. See you all tomorrow. Goodbye." Paalam ni Ma'am pagkakuha nya sa papel naming lahat.
Nagsitayuan naman kami at naggoodbye na rin.
Nakasimangot kong inayos yung gamit ko sa loob ng bag.
"Shends! Nasaan si Benedict?" Tanong sakin ni Drew na lumapit sakin.
Mas lalo naman akong napasimangot nang marinig yung pangalan nya. Ang lalaking yun! Kasabay ko- I mean namin sya kanina nung pumasok tapos pinatapos lang yung flag ceremony eeh umalis na naman.
"Hindi ko alam!" Inis na sagot ko kay Drew.
Kasi naman eh! Hindi ko mapatino yung lalaking yun! Hindi gawain ng isang cute na nilalang ang pagdiditch ng class! Tapos dala pa nya kanina pa pasok namin yung shoes na binili namin kahapon. I mean! Syempre! Ibig sabihin lang nun eh ibibigay na nya yung sapatos sa babae nya! Tapos siguro umabsent sya para lang makipagdate?! Di ba?!
"Oh gago talaga yang si Benedict! Kung makasaway sakin na wag magditch ng klase tapos sya naman yung gagawa? Hahaha. Sige She!" Sabay alis na niya sa harapan ko.
Pinalitan naman sya nila Sis Annie at Valerie. Pumasok naman na si Sis Shaina kaso kasama naman nya si Jayrold ngaun magrecess.
"What's with the long face?" Comment ni Annie.
"Abasent pala si Benedict? Kanina naman sa flag ceremony andito sya ah?" Valerie.
"Maybe that's the reason for that long, ugly face of Shendel." Annie said na ikinatawa ni Valerie.
Sinamaan ko naman sila ng tingin na ikinataas lang ng kilay ni Annie at huminto naman sa pagtawa si Valerie. Annie is so mean. I pouted. :3
"Hindi ko lang kasi natapos yung pag-answer kanina." Sabi ko na lang at inis na inis na kinuha yung bag ko. "Mauna na lang kayo muna sa canteen. Dadaan kasi ako sa locker ko. Ang bigat ng bag ko eh."
"Wala kasi yung dalawang manliligaw mo. Hahahaha. Iniwan ka na?" Valerie said na ikinanuot ng noo ko. Dalawang manliligaw? Eh si Chezter lang naman yung nanliligaw sakin ah? Wala naman ng iba. Sino pa yung isa?
Pinitik naman ni Valerie yung nakakunot kong noo tapos ngumis. "Si Chezter at Benedict. Hahahaha."
Sumimangot naman ako at tinalikuran sila. "Alalay ko lang yun si Benedict! Hindi nya ako nililigawan!"