Chapter 11: Ang 3-SS *bow* ^^
Shendel's POV
"~You by the light is the greatest find
In the world full of wrong
You're the thing that's right.~ Finally—
AyBaklaTomboyButikiBaboy!!" napaatras ako sa gulat.
Naglalakad na kasi ako papunta sa room ngayon. It's Monday. Ok na kami ni Chezter kasi sobrang understanding niya. Inexplain ko yung lipat-bahay thingy at yung date thingy. Hindi siya nagalit. Awwww. Ang understanding niya talaga.
"A-ahm. Ms. S-shendel..."
Napatingin naman ako dito kay... err.. nerd? T-teka, siya yung binubully ni Benedict last week ah? Yung may spongebob na boxers. Tama siya nga yun.
"Oh! Ikaw pala Mr. err... Spongebob? Kasi spongebob boxers gamit mo. Ikaw yun di ba?" sabi ko.
Namula naman siya at tumango.
"Ikaw pala... Anong kelangan mo?" tanong ko.
"E-eh. T-thank you po sa p-pagligtas niyo sakin noon. kayo po ang Little-Miss-Shining-Armor ko. Thank you po talaga." tapos niyakap niya ako saglit at tumakbo.
Nye?? Little-Miss-Shining-Armor?? Haha. Ang cute naman.
"Pffft. Hahahahahahahah— Little-Miss-Shining-Armor raw — Hahahahahahahah XD"
Nilingon ko yung tumawa at inirapan. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Tumawa siya diyan ng maempacho at umutot. Bwhahahaha >:D Maiwan na nga siya diyan.
La.la.la.la~
Nagha-hum lang ako habang naglalakad nang makita kong papadaan ang oh-so-sizzling-hot na principal ng RIA. Si Mr. Z. Wafuu niya~ *o*
"Good morning Mr. Z." bati ko sa kanya with matching cute smile + cute voice.
"Good morning rin Ms. Magundayao. Have a cute day." bati rin nya at nagwave with matching killer smile at umalis na. Omo~ Gwapo niya.
Todo smile naman ako habang naglalakad.
Bati dito, bati doon. Nyehehe ^^ matatalo ko na ata ang popularity ni Janna ah.
Whoooaah?? Classroom ba namin toh? Anlinis!! Nasaan na sila??
Nakita ko namang papalabas na si Lindsei.
"Hey Linds! Asan sila?" ako
"Dun. Tambay sa Talisay. Tara." sabi niya.
Nagnod naman ako at nilapag na lang yung bag ko sa upuan and umalis na rin kasama si Lindsei.
At eto ang nadatnan namin doon~
Si Leona sineseduce ang diring-diri habang nagdodrawing na si King. Haha ^^ Hinahaplos niya kasi yung pisngi ni King eh. For sure mamaya maghahabolan na yan.
"Uy Shends. Kita mo ba si Shaina KO?" Rjay. Odiba naman. Umiling lang ako at ngumiti. Nagpout naman siya at umalis sa harap ko.
Sa may bench naman sa ilalim ng Talisay nagchechess sina Mighty at Shaun. Sa gilid nila si Cyone na nagbabasa kasama ni Air. Habang nasa likod nila ang Triad Madness na may hawak na spray at nakakalokong ngiti. Naku! May pagtitripan toh! Nyahahah :D Makalayo nga.
Eto namang si Richelle at Twety nagba-volleyball. Bale pinagpapasapasahan yung bola. May matamaan sila niyan naku~~
Si Drew naman parang may tinititigan. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingnan niya— Ah. Alam na.