Chapter 20: With Benedict

45 1 0
                                    

Shendel's POV

Kanina pa ko nakasimangot habang naglalakad dito sa mall kasama si Benedict. Kanina pa kami naglalakad pero wala pa rin syang nabibiling sapatos. Buti na lang talaga at nagdrive thru kami kanina at bumili ng burgers at fries for breakfast. Kainis nga eh. Akala ko pa man din ay ililibre ko sa isang cafe or any breakfast house. Tsk. Di ba nya alam yung Pancake House?

Si Benedict naman ay busy sa pagtetext sa phone mya sa kung sino. Tapos minsan manghihila na lang sya bigla papunta sa loob ng mga boutiques. Pero ang pinagtataka komlang eh kung bakit puro pang girly stuffs yung napapasukan naming boutiques at hindi lang yun, yung mga paborito ko pa. Tapos wala naman syang bibilhin. Haaay. Ako pa tinatanong nya kung gusto ko raw ba bilhin yung mga tinitingnan ko. Aba lang! Hindi ko expected ang lakad na toh kaya wala akong dalang pera noh. Nakakainis talaga sya. Aish!

"Oy Benedict! Ano pa bang balak mo?! May napili ka na bang sapatos?!" Inis na tanong ko sa kanya.

Napakamot naman sya ng batok nya at tumingin sakin.

"Ah. O-oo. Kakatext lang ni Rjay sakin kung saan raw maganda bumili ng sapatos." hinawakan nya ko sa may wrist ko. "Tara dun tayo sa Chaussures." at hinila na nya ako sa kung saan.

Pero nung naisip ko kung saan kami pupunta. Chaussures. Brand name yun ng isang sikat na company making shoes. Pero ulit...

Omhy cute forehead. Nasasanay na pag kunot ng noo. Pero di ko mapigilan. Omhy cuteness goddess. Why would Benedict want to be here? To buy shoes? But the thing is...this is a shop for girls' shoes.

Don't tell me...

Hinila ko pabalik ang kamay ko. Tiningnan ko sya ng hindi makapaniwala. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa name ng store.

Tiningnan nya naman ako na parang naiirita na.

I gasped and covered my mouth.

"Ti-tita should know this..." mahinang sabi ko. "Bakla- I mean *gulped* y-you're gay..." I said trying to digest the truth.

His eyes went wide saka tumingin sa name ng store na tinitingnan ko. Tapos lumingon sya sakin na parang kinakabahan. Omhayghad. He's a gay. Tita should know.

"Hoy! Anong bakla!? Pinagsasabi mo dyan?! Hindi ba pwedeng ipangreregalo ko yung bibilhin kong sapatos?!"

Kumalma naman ako dun. Pero nanlaki ulit yung mata ko ng marealize ko ang sinabi niya. Ipangreregalo?!!!

"At para kanino naman?!" Mas shocked pa ata ako na may reregaluhan sya eh. Hindi yan ako for sure kasi malayo pa birthday ko eeh. Baka si Tita?

" Basta! Tara na!" Sabay hila nya ulit sakin papasok sa shop.

***

"Uy Benedict! Sigurado ka bang magkasing size kami ni Tita?" Tanong ko habang sinusuot yung panglimang sapatos na tinuro nya.

"Hah? Ni Mom? Size 7 1/2 size ng pa nya."

"Eh? Size 6 ako! Bakit sakin mo pinapasukat kung di naman pala kami magkasize ng paa ni Tita?"

"Hindi naman sya yung pagbibigyan ko eh. Oh ano? Anong masasabi mo sa sapatos?" Baling nya dun sa sapatos.

Mm? Kung hindi si Tita? Sino? Hala? May girlfriend na ba si Benedict?

Tiningnan ko syang mabuti habang sya naman ay ineexamin yung suot kong sapstos. Kung may girlfriend sya, bakit di ko alam?!! Nah! Wala naman akong nakikitang hatid-sundo nya eh. Magkasabay naman kasi kaming pumasok at umuwi. Taga school kaya namin?

Baka nililigawan pa lang? Oo. Tama. Kasi wala namang nasabi sakin si Tita na may girlfriend si Benedict eh. Pero sino naman kaya ang nililigawan ng nilalang na toh? Omhaygash! Hahaha. Kawawa naman yung girl. Kasi hindi-kaaya-ayang-nilalang ang mangliligaw nya.

Her Cute Bully<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon