Chapter 27: He needs me

13 1 0
                                    

Shendel's POV

"Hey Sis. Do you still like Chezter?" humawak pa sa braso ko si Shaina at hinarap sa kanya.

Do I still like Chezter? Napayuko ako sa tanong nya. Napaisip ako sa tanong nya. Gusto ko pa ba si Chezter? Suddenly Benedict's face smiling popped in my mind. I mentally shook my head to erase his face.

I nod at Shaina's question. "Of course, Chezter is a good guy." sagot ko sa tanong nya.

"Pero..?"

Kumunot yung noo ko sa follow up question nya.

"Pero may iba na." Valerie spoke.

"H-huh?" I don't know why pero kinabahan ako.

Nagulat naman ako nung bahagyang hinila ni Annie yung buhok ko.

"Ouch! Ano ba?" I complained.

Inirapan lang ako ni Annie.

"Don't try to fool us. Something changed." sabi nya.

Tiningnan ko sya. Parang sure na sure sya sa sinabi nya. Then my gaze went to Valerie na parang nag-aantay na may aminin ako, then to Shaina who sat beside me, she has this look na parang sinasabing wag ko ng subukang magsinungaling. Umiwas tuloy ako ng tingin sa kanila.

Pinaglaruan ko yung daliri ko. I don't know how to answer them. I don't know what to answer.

May nag-iba na nga. Pero hindi pwede. This is my decision at kailangan ko itong panindigan. Para kay Chezter. Kasi kailangan pa nya ako. I just can't leave him when he's at his worst.

"Benedict." mas lalo akong kinabahan pagkarinig sa pangalan nya. Nag-angat ako ng tingin.

"W-what about him?" kinakabahang tanong ko sa kanila.

The three of them shared a look before simultaneously rolling their eyes at me. Hinawakan ulit ni Shaina yung braso ko para nasa kanya yung atensyon ko.

"He likes you.." mas lalong bumilis ang heartbeat ko sa sinabi nya. "..right? Sabi ni Rjay eh and sabi rin ng way ng pagtingin nya sayo."

"H-huh?" Aish. I look stupid. I nervously laugh at what Shaina said. "A-ano ba yan? Haha. H-hindi noh. He- he hates me. He is annoying."

"The more you hate, the more you love." Annie stated.

"Ib-iba naman k-kami. We just can't be." I told them lowering my gaze.

Parang may something na biglang sumakit sa akin pagkasabi ko non. Parang naninikip ang dibdib ko. My words hurt.

"It's because you're stupid enough to say yes to Chezter just because you pity him." parang naiinis na sabi ni Annie.

Mas lalo tuloy akong napayuko. Hindi kasi nila naiintindihan. Kailangan pa ako ni Chezter ngayon.

"Annie!" saway ni Shaina.

"What? I'm telling the truth." tinaasan pa nya ng kilay si Shaina. "Ganyang-ganyan yung binabasa ko sa Wattpad ngayon. Omg. You're just like this stupid girl character named Jillian. She has an ex na iniwan sya because he's dying so she tried to move on. She did move on. Nafall pa nga sya kay Cyrus kaso bumalik na naman yung ex nya. Her ex told her the truth. She pitied him kaya binalikan nya yung ex nya. Akala nya matutulungan nya yung ex nya pero what can she do? Sinaktan lang nya ang sarili nya pati si Cyrus. Hindi nya naisip na masasaktan din yung ex nya kapag nalaman nyang binalikan lang sya ni Jillian out of pity. Like who wants love out of pity, di ba?" mahabang litanya nya.

Her Cute Bully<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon