Chapter 10: Family Date or Date Lang??
Shendel's POV
"Good morning sa lahat!"
I greeted them as i went to the dining table.
"Good morning din, Sweetie. Oh my, what happened to your eyes?? Hindi ka ba nakatulog nang mabuti??" nag-aalalang tanong ni Tita.
How can i sleep peacefully when Mr. Epal and I are living on the same roof?? My poor cute and adorable eyes are super kawawa. T.T
"O-okay lang po." i said and smiled
Umupo na ako nang biglang...
"Morning Mom. Morning Tita... and oh. Good morning my dear best friend *grin*." Benedict
Ow! Gising na pala ang aking dakilang Bestfriend— please insert so much sarcasm.
Ngumiti na lang ako sa kanya nang pilit. Gosh!! Wala na ang aking cute morning, may alien kasi. For 3 MONTHS!! Wala akong cute morning dahil palagi ko ng makikita ang mukha netong di-kaaya-ayang-nilalang. T.T
Umupo na ako sa upuan malamang. Si Benedict sa harap ko. Psh. Baka mawalan ako ng gana.
So bale ganito yung pwesto namin...
Mama Ako Shannen
Tita Julieta Shamnel
Joven Benedict Shemry
Kandong ni Mama si Randell para pakainin.
Ganyan kasi ang aking cutielicious na brother pag umaga, pinapakain siya ni Mama.
"Ow! By the way! Kids, prepare kayo, we're going to attend the 8 o'clock mass. 6:25 pa lang naman so you don't have to hurry. After mass, pasyal naman tayo sa mall... Mmm. Let's call this a date! Right! Family date." masayang announce ni Tita.
"Bess... Hindi ko to naimagine na kasama na natin ang mga anak natin sa mall. Haha. Dati-rati tayong barkada lang eh no?" Mama
"Yeah right! Soo excited!!" Tita
I giggled. Ang cute nilang tingnan parang sobrang saya ng teenage life nila Mama hah. ^^
"* cough * cough * cough *"
Nagulat naman kami kay Benedict. Nabulunan ata? Anyare?! Buti na lang inabutan siya ni Joven ng tubig.
"Babyboy?? Anong nangyare? Are you okay, babyboy??" tanong ni Tita