Chapter 19: Bibili ng Sapatos

38 3 0
                                    

Shendel's POV

Friday. Uwian na at naglalakad ako papunta sa parking area ng school. Medyo dark na rin yung sky so I looked at my watch to check what time it is. 4:43 na pala. I pouted and look around me. Kunti na lang rin yung mga students. Siguru nakauwi na yung iba.

Sabagay, 4 kasi yung uwian namin. Natagalan lang ako kasi nagshower pa ko after ng PE class namin. Kasama ko kanina sila Annie at Valerie pero nagkanya- kanya rin kami pagdating namin sa lobby. May mga agendas pa sila eeh. Amd I just want to go home na. Nakakapagod eh.

~I'm feeling sexy and free
Like glitter's raining on me
You're like a shot of pure gold
I think I'm about to explode~

Nang marinig ko yung ringtone ko ay hinanap ko agad sa bulsa ko yung cellphone ko at nakisabay pa sa paghum ng cute kong ringtone. Hehe. Domino.

I smiled and giggled when I saw the caller's name. It's Chezter. Masaya ko naman yung sinagot. Miss ko na sya.

"Hello Chez!" I greeted happily.

I heard him chuckled. I sighed. Nakakamiss yun.

"Hello Shends! Nakauwi ka na ba? I miss you," sabi nya.

Aww. Napangiti naman ako. Kung alam nya lang kung gaano ko sya kamiss. Haaay. Umuwi ka na kasi.

"Hindi pa eh. Pauwi pa lang. Nasa school pa ko. I miss you too. Uwi ka na. Haha." pabiro kong sabi na medyo half meant.

"Uuwi na ko sa monday. Pero magroro kami so if Monday kami babyahe eh baka tuesday pa kami makarating dyan. Iuuwi na rin kasi namin dyan si Lola. Pero magpiplane sya kasama yung isa kong pinsan. Gusto ko rin sana magplane kaso walang kasama si Dad na magbyahe. Delikado. Dadalhin kasi namin yung sasakyan ni Tito." paliwanag nya.

Medyo nakonsensya naman ako. Pinapauwi ko agad sya dito eh mas importante naman talaga yung family. I pouted. Pero kasiiii eh. Miss ko na sya saka yung plano ko pag-uwi nya.

"Hehehe. Ano ka ba. Malapit naman na mag Tuesday eh. Ingat kayo sa pag-uwi ah." sabi ko na lang.

"Oo naman. Mag-iingat ako para sayo."

Nagblush naman ako sa sinabi nya. Iiiiih. Mas lalo ko tuloy syang namimiss lalo na yung nga banat nya.

"Iiiih. Namimiss tuloy kita lalo. Wag ka ngang magpakilig."

"Hahaha. Sayang. Di ko makita yung cute mong mukha habang nagbablush."

"Naman eh. Wag ka nga." saway ko sa kanya.

"Hahaha. Miss lang kita talaga. Sobra. Sige Shends, tawag ako ni Dad. Uwi ka na ah. Wag na masyadong pagabi. Ingat na. I love you. Bye!" at inend na nya yung call.

Omhaygash!

Omhaygash!

Did I heard it right? OMG talaga!

Stay still cute heart! Waaaaaaaah! Ayaw nya. Nagwawala na sya. He said 'i love you'!

'I love you.'

I grinned. He said 'i love you'. Oh my. My cute handasomelicious suitor and my future boyfriend and my future husband na rin. Pinasaya nya ang araw ko. This is so nakakakilig in a heart-melting way.

Pero nabura yung smile ko ng makarating ako sa pwesto ng sasakyan namin kaninang umaga. Wala na doon. Oh no! Did they left me here?

Tinawagan ko naman agad si Shemry at mabuti naman at sinagot nya agad.

"Nasaan kayo?" tanong ko agad.

"Hello Ate? Nasa Sm kami. National bookstore. May kailangan kasing bilhin si Shannen at Randell eh. Importante raw." sabi nya.

Her Cute Bully<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon