Shendel's POV
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at nilibot ang paningin ko sa loob. I smiled. Tumakbo agad ako sa higaan ko saka tumalon pahiga roon.
Hihi. I miss you bed!
Nilibot ko ulit yung tingin ko sa loob ng kwarto. Sa walls, sa kisame, sa study table, sa cabinet, sa mga pictures, sa kumot na may malaking paw, sa teddy bears, at kay Garfield na nakahiga sa mat. Finally! I'm home!
I remembered talking to my mother and telling her how much I miss our house kaya naman heto, pagkaweekend ay umuwi na kami. Tita Juliet tried to stop us but it seems like my Mom also missed our house. One month rin mahigit na wala kami rito, nakakamiss talaga.
Nung una rin ay parang ayaw ni Mama. Tinanong pa nya ako kung dahil ba talaga miss ko na yung bahay yung dahilan. At first, I was confused pero nung tinanong nya ako kung nag-away kami ni Benedict ay di ko na mapigilang mag-open up.
*Flashback*
Nalaman ko kay Shaina na naikwento ni Rjay sa kanya na kaya gusto ni Benedict na magkaroon ng condo ay dahil gusto nyang iprove kay Tita Juliet na kaya naman nyang magseryoso at di lang sya puro kalokohan.
"He really wants to be independent noon pa." Shaina told me.
Masaya na sana eeh. Okay na sana yung conscience ko kaso may kadugtong pa pala yung sasabihin nya.
"Mas lalo na raw ngayon kasi sabi nya na there's this girl who always thinks that everything he does is a joke. He just want to prove his mom and that girl na hindi porke't bully sya at madalas puro kalokohan ay hanggang doon na lang yung kaya nya." she added.
Haaaay. Kaya naman gusto kong sabihin kay Mama na umuwi na lang kami sa bahay. Baka kasi pag nagstay kami dito ay mas lalo lang gustuhin ni Benedict na umalis. I don't wanna be unfair to him. Bahay nya ito kaya mas may karapatan sya dito. After all, I'm that girl.
I knocked at the guest room where my mom and Randell is staying. Nang narinig ko si Mama ay pumasok na ako. I saw her sitting on their bed while Randell's head is on her lap. She's reading a book for Randell.
She and Randell looked up to me and smiled.
"Ate!!!" Randell squealed in delight. Tumakbo pa sya papunta sa akin at niyakap ako sa bewang. "Pasalubong?" tanong pa nya.