Nagising ako ng masama ang pakiramdam. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para maligo dahil may klase pa kami ngayon.
Pagkatapos maligo ay nag tungo ako sa kusina para magluto. Nang makakita ng apat na itlog ay niluto ko iyon pati narin nag saing ako.
Kahit masakit anf ulo ko ay papasok parin ako sa klase. Tulog pa sila mama kaya nauna na akong kumain. Alas 6 na ng umaga kaya umalis na ako.
Naglakad lang ako dahil wala akong pamasahe. Nakarating din ako sa eskwelahan banda alas 7 y media.
Dumeritso agad ako sa library dahil maaga pa naman. mangilan ngilan lanf anf tao kaya nakakita ako ng bakanteng upuan malapit sa bintana kung saan una kung nakilala iyong si nash.
Umupo ako at doon tumambay dahil kumikirot ang ulo ko hiniga ko ang ulo sa lamesa. Hindi ako nakabili ng gamot dahil wala akong pera at mamayang gabi pa anf sahod ko.
hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako ng may maramdaman akong naglagay ng bagay sa noo ko.
Minulat ko ang mata kahit na gusto ko pang matulog. bumungad sa akin ang mukha ni nash.
"your sick" saad nito, nalaman kung nilagay nya ang thermometer sa noo ko.
"here I did bring some medicine" binigay nya sa akin iyon kaya tinanggap ko at ininom iyon.
"salamat.." saad ko at tatayo na sana ng maramdaman kung nahihilo ako.
"are you alright?" tanong nito.
"okay lang ako, babalik na ako sa klase namin" saad ko kahit na kumirot ang ulo ko at nanginginig sa lamig ang buo kung katawan.
"dadalhin na kita sa clinic" saad nya at lumapit sa akin.
"okay lang ako, kaya ko pa naman" saad ko at naglakad na, hindi pa man ako nakadalawang hakbang ay nagdilim bigla ang paningin ko, before I knew I pass out.
Iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang puting kisame. Nilibot ko ang paningin at nalaman kung nasa clinic ako.
Bumangon ako at hinanap ang gamit ko. Tumayo na ako at lumabas sa clinic ng makitang busy ang ibang tao. Nang makalabas ay tumingin ako sa paligid at sa selpon ko. Alas 8 y media na pala.
dali dali akong naglakad patungo sa eskwelahan. Nang makarating ay lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin.
"your late Ms. fuentes" masungit nitong saad kaya humingi ako ng paumanhin at pinapasok nya na naman ako.
Kanina pa sila nag didiscuss kaya yung sinusulat ni ma'am sa blackboard ay kinokopya ko.Kahit na medyo masakit ang ulo ay pinilit kung makinig sa guro namin. Gustong gusto ng pumikit ng mata ko pero baka paladin ako dito ng guro namin kaya iminulat ko ang mata ko.
Pagkatapos ng klase ay hindi ako umalis at hiniga nalang ang ulo sa lamesa dahil inaantok na ako. Wala akong planong pumunta sa canteen.
Naramdaman kung may naglapag ng bagay sa lamesa ko kung kaya ay dahan dahan kung inangat ang ulo ko.
"oh gamot, ang tigas talaga ng ulo mo!. kung hindi pa sinabi sa akin ni Nash ay hindi ko malalaman na may sakit ka" pagalit nitong saad kaya ngumiti ako.
"oh sandwich kainin mo bago yang gamot" binigay nya sa akin ang sandwich na malugod ko namang tinanggap.
Nang maubos ko ang pagkain ay ininom ko kaagad ang gamot na ibinigay ni thania.
YOU ARE READING
Till the sky loses it's color
FanfictionArchimae rineeze Fuentes. The one who want to be love, she experience of being a black sheep on their family. She is a fourth year college, wanted to be a flightattendant. as her father died, Her mother and sister treat her as outsiders, but it just...