chapter 14

5 0 0
                                    

Simula nung naging kami ay parati na syang nakadikit sa akin. Kung hindi ko sya tinataboy ay ayaw pa nyang umalis. May pasok pa sya pero mas gusto nyang kasama ako. Ewan ko ba nagiging clingy na sya pero gusto ko naman. Shit ka archi kailan ka pa naging malandi.

"Umalis kana at may pasok kapa" pagtataboy kp sa kanya. Narito sya sa may klase namin at lahat ng mga kaklase ko ay panay tingin sa gawi namin kaya nailang ako dahil pinaglalaruan nya ang kamay ko. Yan na ang gusto nyang gawin sa akin pag magkasama kaming dalawa.

"But I want to spend my time with you" naka ngusong sabi pa nito at ang mga mata ay nagsusumamo na payagan sya. Umiling ako.

"Umalis kana kung ayaw mong hindi kita papansinin" sa sinabi ko ay kaagad syang tumayo habang nakanguso dahil labag sa kanyang kalooban. Tila wala syang nakikitang ibang tao maliban sa akin.

"bye... love you" pagkasabi nya ng katagang iyon ay mabilis syang tumalikod, kita ko pa ang pamumula ng kanyang tainga. Parang sasabog ang puso ko, now I know what to feel, sabi pa nila kapag daw ay kinilig ka mararamdaman mong may paro parong kumawala sa iyong t'yan.

Sobrang dali lang ng panahon at first monthsarry na namin bukas. na excite ako kaya ng matapos ang aking trabaho ay plano kung bumili ng cake. Masaya ako habang papauwi. Gabi na at nakatulog na sina mami.

MAAGA akong pumasok sa eskwelahan habang dala dala ang cake na nakalagay sa may paperbag para hindi makita. Tumungo kaagad ako sa may klase namin. Panay ang ngiti ko dahil sa mga naiisip ko.

Pagkatapos ng klase ay nakita ko kaagad si Nash sa kanyang sasakyan, kumaway ito kaya kumaway din ako pabalik. Pinagbuksan nya ako ng pintuan. and I find it gentle men.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nang makarating kami malapit sa dalampasigan. Matagal tagal din ang aming byahe dahil inabot kami ng halos isang oras.
dumapo ang tingin ko sa may ilaw. iyon ay mga kandila at may sapin kung saan may mga pagkain at inumin.

Napasinghap ako sa ganda ng tanawin dahil ito ay palubog na. Tumungo kami doon kaya hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil semple lamang ngunit sobrang ganda.
Kinuha nya ang kamay ko at bumulong sa akin.

" happy 1st monthsarry baby" Biglang nanindig ang aking balahibo dahil sa tinawag nya sa akin.

"h-happy monthsarry too" nakangiting pagbati ko pabalik.

Tumingin ako sa palubog na araw, and I can't help but to admire it's beauty from a far. Naalala ko ang aking dalang cake kaya nilabas ko iyon sa paper bag.

"happy monthsarry" bati ko muli at ipinakita sa kanya ang cake. he smile widely. Kinuha nya sa akin ang Cake at nilagay sa may gitna saka hinawakan ang kamay ko.

"I love you.." mahinang sabi nito, at nakita ko ang pagmamahal sa kanyang mga mata.

" mahal din kita" nakangiting sagot ko din na kaagad naman nyang ikinapula. I don't know why this side of him make him cute and I want only me can see it, I'm being a selfish just this once.

Lumapit ang kanyang mukha sa akin, hindi naman ako gumalaw.
" can I?" he ask permission to me, nahihiya naman akong tumango. Mas nilapit nya pa ang kanyang mukha. Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang kanyang labi. halos kumawala sa ribcage ko ang aking puso dahil sa lakas ng kabog.

We celebrate our First monthsarry  and that was to memorable to me. napahawak ako sa aking labi, naaalala ko na naman ang halik namin, madali lamang iyon pero para na akong mababaliw.

Nang sumunod na mga araw ay mas naging sweet at maalaga si nash. parati ko nalamang naiisip na parang isang panaginip lamang ang lahat at ayaw ko ng magising pa.

Till the sky loses it's colorWhere stories live. Discover now