"ba't hindi mo sinabi sa akin?!" tanong ko ng nasa table na kami na tinuro ni thania.
"duh!, nag cr ako no!"saad nito sa akin.
"Sama ka?." biglang saad nito sa akin kaya na patigil ako sa pagkain ko.
"saan ka ba pupunta?"tanong ko sa kanya, hindi naman ako masyadong gumagala.
"Sa bar kasam ang iba kong kaklase" Tugon nya, naghihintay sa sagot ko.
"ah, pass ako marami pa akong gagawin" saad ko na ikinakibit balikat nya.
Hindi ko na pinansin ang lalaki kanina at nakipagpalit kami ng pagkain dahil kinainan ko na yung sa kanya.
Nang matapos kumain ay nag iba na kami ng landas ni thania dahil may gala sya at ako uuwi sa bahay.
Sumakay ako sa jeep. Nang makarating sa bahay ay bumaba na ako sa jeep at nagbayad na bago pumasok sa bahay.
Bumungad sa akin si mami na napa manicure. Hindi ko nalang sya pinansin at si ate maja eh nasa school nya.
Bali, nasa third year college ako habang si ate nasa fourth year college.
Rinig ko pang pinag uusapan nila ako."ewan ko ba sa batang yan, palagi nalang sakit sa ulo. Hindi na nakikinig sa akin siguro may lalaki iyan" Saad ni mami sa manikyurista.
"ganun ba?, sayang ang ganda pa naman pero pasaway pala at malandi?" rinig kung tugon nito na nagpainit ng dugo ko. Dumeritso ako sa kwarto ko na mainit ang dugo.
Nilapag ko ang gamit ko at nagbihis ng pantalon at puting damit dahil nag sasideline ako para kumita. Ako ang gumagasto sa sarili ko para makapag aral dahil walang pake ang ina ko a akin.
Binuksan ko ang kabinet ko kung nasaan naroon ang perang tinatago ko.Binilang ko iyon at ibinalik na dahil hindi naman iyon kulang.
Tinali ko ang mahabang buhok ko na hanggang beywang sa pa ponytail. Lumabas na ako sa kwarto at nadatnan ko parin ang nanay ko roon.
"Aalis muna ako" paalam ko sa kanya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"mas mabuti pa ngang hindi ka na babalik eh" rinig kung sabi nito ngunit isinawalang bahala ko nalang iyon.
Pumunta ako sa convince store kung saan ako nagtatrabaho. Pumasok na ako. cashier ako dito.
"1,235 po ma'am" masayang saad ko sa costumer. binayaran nya ang binili nya.
Marami rin naman ang pumunta rito kabilang na yung lalaking nasa library ko nakilala, hindi alam ang pangalan nito at wala akong planong alamin pa ito.
"2,200 po sir"pilit akong ngumiti sa kanya.
"thank you archi" ngumisi ito sa akin. gusto ko syang irapan pero baka ma sesante ako dahil tinarayan ko ang costumer.
"welcome,SIR" madiing saad ko habang pilit ngumiti sa kanya.
"that's all sir?" tanong ko sa kanya kung may bibilhin pa syang iba.
"I want to buy the cashier too, how much?" biro nito sa akin. Marami pang naghihintay na ibang costumer.
"sir kung wala ka ng bibilhin ay pwede kana pong umalis dahil may iba pa pung nakapila" tinuro ko ang exit door kung saan pinalalabas ko na sya.
"I want to buy the cashier" inosente nitong tanong sa akin. Gustong gusto ko na talaga itong patulan pero ikinalma ko ang sarili ko.
"Can I ?" tanong nito sabay ngisi.
YOU ARE READING
Till the sky loses it's color
FanficArchimae rineeze Fuentes. The one who want to be love, she experience of being a black sheep on their family. She is a fourth year college, wanted to be a flightattendant. as her father died, Her mother and sister treat her as outsiders, but it just...