Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang lokohin. Ayus na sana eh, sya na sana. Umuwi ako sa bahay at naabutan ko si mama at si ate sa sala. They are talking so serious.
Biglang tumayo si mama at sinampal ako. parang namanhid ang pisngi ko sa lakas nun.
" Napakatanga mo talagang bata ka!!" sigaw nya, hinawakan naman sya ni ate. "Puro malas ang dala mo sa buhay ko!!" sigaw nyang muli."Nang dahil sa'yo nagalit sa akin ang tatay ni thania!, sinaktan mo sya!" sinampal nya muli ako na halos ikinatabingi ng mukha ko sa gilid.
"Sana ikaw nalang ang namatay, hindi naman kita anak!. Anak ka ng tatay mo sa ibang babae!, anak ka nya sa labas!" galit na bulyaw nito. Napailing iling ako.
"hindi. hindi totoo yan mami, a-anak mo ko diba?" nanginginig ang aking labi. Hindi nagalit lamang sya anak nya ako.Oo anak nya ako. pilit kung kinukombinsi ang aking sarili. lumapit pa sya sa akin at marahas na hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Hindi.Kita.ANAK!" bawat salita nya ay diniinan nya. Parang tinusok ng kutsilyo ang aking puso.
"M-mami.." mahina at nanginginig na sabi ko. "hindi mo ako ina, si Hulyeta ang nanay mo!" sigaw nya sa mukha ko at ipinamukha sa akin na hindi nya talaga ako tunay na anak.
Patakbo akong umalis, hindi ko na kaya ang mga nangyari. Sobrang sakit na, tumakbo ako ng tumakbo at dinala ako ng mga paa ko sa may malaking puno. Doon ako umupo sa kanyang ugat. Doon ko lahat ibinuhos ang sakit sa pamamagitan ng sakit.
How cruel the world are. all I could think is did I do wrong from my past to experience this pain. I can be strong but end up always vulnerability. I look up the sky as the moon give lights through the darkest sky. bumuhos muli ang aking luha tila wala ng kataposan ang aking pagiyak.
Sa gabing iyon ay nakatulog ako sa may ilalim ng puno. Kinaumagahan ay umuwi ako, hindi para harapin si mami at ate kundi para umalis. Kailangan ko munang ipahinga ang puso ko. Hindi pa man ako nakalapit sa bahay ay kita ko si mami at ate sa labas, may kaharap sila na isang ginang mukha syang mayaman dahil sa kanyang kasuotan.nakaparada din ang kanyang sasakyan sa harap ng bahay namin.
Lumapit naman ako kaagad sa kanilang gawi ng marinig ko na galit na bulyaw ni mami.
"huh!, matapos mong iwan sa asawa ko ang anak nyo kukunin mo ng ganun ganun lang!". pinigilan naman sya ni ate."babayaran ko lahat ng ginastos nyo sa anak ko. tatlong milyon" Saad ng isang ginang, Kung tingnan mo mukha naman syang mabait. ewan ko pero parang may kakaiba akong naramdaman ng makita ko sya. longing?, why do I feel like longing for her.
"Papayag ako, tutal wala namang ginawang tama iyang anak mo, puro malas ang dala nya" pagdating sa pera talaga kayang ipalit ni mami kahit ano. Kaagat na napadpad ang tingin ni mami sa akin.
" ayan na sya" tinuro ako ni mami, kaya nagtaka ako sa kanya.Tumingin naman yung ginang sa akin, Ganun din ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Lumapit sya sa akin na ikinakunot ng nuo ko.
"a-anak..." nanginginig na sabi nito kaya kinunutan ko sya ng nuo.
"s-sino ho sila?" takang tanong ko.Hinawakan nya ang kamay ko ng ikinabigla ko, ang haplos na iyon ay parang isang ina na matagal ng nangungulila sa kanyang anak."ako si hulyeta" sa sinabi nyang iyon ay bumalik sa aking alaala ang sinabi ni mami kagabi. Hindi yun totoo, hindi kp sya ina.
"Hindi. Kita. Ina" madiing pagbigkas ko, kita ko sa kanyang mga mata ang sakit.Tumakbo ako papunta sa loob ng bahay at inimpake ang mahalagang gamit ko.Lumabas ako kaagad at nakita ko na nasa sala sila. Napatayo naman kaagat yung hulyeta. Hindi man ako tinuruan ni daddy na maging bastos pero ayaw ko syang tawaging ina.
YOU ARE READING
Till the sky loses it's color
FanficArchimae rineeze Fuentes. The one who want to be love, she experience of being a black sheep on their family. She is a fourth year college, wanted to be a flightattendant. as her father died, Her mother and sister treat her as outsiders, but it just...