chapter 4

1 0 0
                                    

"anong nangyari sa mata mo?, ba't namamaga iyan?" nasa canteen kami ngayon ni thania at napansin nyang namamaga ang mata ko.



"wala ito, kulang lang siguro ako sa tulog" pagsisinungaling ko kaya tumango ito kaya nakahinga ako nf maluwag at itinuloy ang pagsubo sa pagkain.




"Mamaya hindi na kita masasamahan dahil nag aya ang kaklase ko na gumala" Tumango ako sa sinabi nya.



"okay lang" mahinang saad ko. Nang matapos kaming kumain ay dumeritso ako sa klase at sya naman ay sa klase nya.



Ganun lang din ang klase walang nag bago. Nang mag dissmiss ang prop namin ay lumabas na ang lahat at nag pahuli ako dahil inayos ko pa ang gamit ko. Umalis narin ako kaagad.



Magaalas sais na ng gabi at nandito na ako sa store. wala namang masyadong nangyari. Nang mag alas otso na ng gabi ay umuwi kaagad ako dahil mangilan lang ang tao. naglakad lang ako, hindi pa man ako nakalayo ay may sasakyan na huminto sa gilid ko.





Napatingin ako rito ng bumukas ang bintana at nakita ko si Nash.



"Uwi kana?" tanong nito, tumango naman ako.



"get in" nagdadalawang isip pa ako kung papasok dahil nung nasa store kami ay hindi nya ako pinansin.


Pumasok na ako,hindi nya pa pinaandar ang sasakyan kaya nagtaka ako at bigla itong lumapit sa akin at nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa nakatagilid nya na mukha at sunod ay luminga sa gilid kung saan hinila nya ang seatbelt.



"salamat.." mahinang saad ko at umalis na nga kami.



LINGGO ngayong araw at pupunta ako sa simbahan. Ilang araw narin ang nakalipas ng ihatid ako ni Nash sa gabing iyon.


Nagsuot ako ng puting bestida at pupunta na ako sa simbahan at nadatnan ko ang aking ina na nagbaraha kasama ang mga barkada nito.



Lalagpasan ko na sana sila ngunit nakita ako ni mama at tinawag.



"oh!, saan ka pupunta?!" tanong nito habang naglalaro ng baraha.


"magsisimba..." matinong saad ko at kinuha ang flat shoes ko na isinuot ko.



"ikaw?, magsisimba?," natawa sya sa sinabi ko. matapos kung isuot ang sandal ay tumingin ako sa kanya ng deritso.


"bakit po?, anong problema kung magsisimba ako?" tanong ko sa kanya.



"Mas mabuti ngang magsimba ka para magantimpalaan naman kami ng kapatid mo, puro malas lang kasi ang dala mo" hindi ko man pinapakita ngunit nasaktan ako sa sinabi nya, pilit kung tinago ang kirot.



"wala na po ba kayong sasabihin?" walang ganang tanong ko.

"umalis kana ng hindi ko na makita yang pagmumukha mo" binalik nito ang paningin sa baraha, huminga ako ng malalim at tuluyang nilisan ang bahay.




Nagtungo ako sa simbahan. Medyo marami rami narin ang mga tao. Pumasok na ako at dumeritso malapit sa altar at lumuhod.


Napatitig ako sa kay jesus, hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung bakit ganito ang buhay ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata and I pray silently. 'lord, help me get through all this things that I'm facing. alam kung may rason ngunit hindi ko maikaila na masaktan... kung hindi ba namatay si daddy, would my mom treat me differently?, would she love me like her daughter..... how I wish oneday.... she will love me.... Lord please, just please patawarin nyo po ako dahil sa akin namatay ang daddy ko...... parati kung sisisihin ang sarili ko'.


Till the sky loses it's colorWhere stories live. Discover now