Twenty-one 4th Challenge

78 3 1
                                    

Maggy p.o.v

Isang malakas na kidlat ang gumuhit sa mapanglaw na kalangitan. Sinabayan ito ng dagundong. Hindi rin magkamayaw ang malalakas na buhos na ulan.

Walang pasok. Wala rin akong balak na umalis sa bahay. Kanina pang-umaga umuulan. At ngayong hapon na, bumuhos nanaman ang malakas na ulan.

Napabuntong-hininga ako. Nasa bintana ako ngayon at pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. Maaga akong umuwi kahapon, lahat pinauwi na rin dahil sa nangyari.

Hindi ko pa rin alam kung bakit pinatay si Cheska. I think, responsable din naman siya sa nangyari.

"Maggy?" I heard simultaniously knocked on the door.

Umalis na ako sa bintana at pinuntahan ang pintuan. Pagkabukas ko ay agad namang tumambad sa aking harapan si Mom. May dala-dala itong isang malaking box.

"Surprised!" Mom said. She looks happy than yesterday. What's with her?

"What is...this Mom?" Naguguluhan ko pa siyang tiningnan.

"A gift. Para sayo ito. Let me in, Maggy." Natatawa pa niyang saad.

Pumasok kami sa loob at umupo sa kama. Pinagmasdan ko pa si Mom. Mukhang nasa good mood siya ngayon.

"Open your present."

Kinuha ko  ang box, tapos ay binuksan ko ito nang marahan.

"Charan!" She cheerfully said.

Nanlaki ang aking mga mata at halos magulat ako sa aking nakita. Kinuha ko ito. Isang kutsilyo. Kuminang pa ito nang masinagan ito ng ilaw mula sa taas.

"Why did you give me a knife?" I was totally bewildered.

"I thought you figure out why I gave you that present! Oh, seriously Maggy? Anak ba talaga kita?" Nainis siya dahil sa aking inasal. Ngunit bigla rin itong napawi at napalitan nang ngiti sa labi. "Oh, I remember now. You're not even my child! You just like your mother. A totally bitch!"
Naramdaman ko na lang na dumapo ang kanyang palad sa aking pisngi. Isang malakas na sampal ang aking natanggap kay Mom.

Bigla akong nakaramdam nang kirot. Hindi ko alam kung sa puso, o dahil sa pagkakasampal sa akin ni Mom.
Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko.

"Fix your things. Mag-gagabi na. Tatapusin mo ngayon gamit ang kutsilyong hawak mo ang pang-apat na challenge na ipapagawa ko sa'yo." Hinawakan ni Mom ang aking mukha. Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya, o hindi.

"You know I loved you Maggy. I'm sorry for what I've said to you. Nadala lang ako nang galit. Dapat kasi alam mo na, hayan ang kutsilyo. Halika muna sa baba at kumain." Iisa lamang ang nasa isipaan ko ngayon. Gusto ko ngaba ang ginagawa ko? Ang pumatay ng tao?

Pinunas ko muna ang luha ko, at daling sumunod kay Mom.


***

"Mona. She's your acquiantance right Maggy?" Tanong ni Dad habang kumakain.

"Yes." I shortly replied. Mona is my childhood friend. Matagal ko na siyang hinahanap. Ngunit noong lumipat kami dito nang bahay, ang siya namang pagpakita ni Mona. Nakakalungkot lang, hanggang ngayon ay gusto ko na siyang makita, mayakap. Kaibigan ko lang siya. Ngunit hindi ko itinuturing na matalik kong kaibigan. Ayaw ko kasing...mapahamak ang mga mahal ko sa buhay. Nakakatakot.

"Kill her tonight." Walang emosyong saad ni Dad.

'Ha?' Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang salitang 'kill'.

I'm your ruthless killer!Where stories live. Discover now